DKRC-21

3K 88 0
                                    

Everyone is busy for the upcoming Christmas Eve Celebration at Dark Knights Arena.

Hindi maalis-alis ang kaba ni Margaux dahil first time niya pa lang magpeperform sa ganito kalaking event place. Hindi kasi biro ang laki ng DK Arena. Halos kasinglaki na ito ng Araneta Coliseum.

Noong nakaraang buwan ay pinilit siya ni Stevielyne na samahan itong magperform para sa naturang event. Gusto daw kasi nitong tulungan ang nobyo nitong si Juanczo na isa sa nagmamay-ari ng DKRC.

Ang Christmas Eve celebration kasi na gaganapin bukas ay magsisilbing concert with a cause. Lahat ng kikitain sa event ay mapupunta sa mga charitable institution kabilang na ang bagong project ni Juanczo para sa bayan ng Aurora. May plano kasi itong tumakbo sa mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon. Kaya mas lalo nitong pinapabango ang pangalan.

Tungkol naman sa pinsan nitong si Jazon na ex husband niya, wala na siyang balita dito. Ang huli na lang nilang pag-uusap ay formality na lang sa annulment nila. Pormal na lang din itong nagsabi na hindi na siya guguluhin pa. At mukhang tinotoo naman nito. Dahil isang buwan na ang nakalipas ay wala pa itong paramdam sa kanya.

Hindi niya tuloy maiwasang mamiss din ito kahit paano. At bahagya pa siyang nakaramdam ng hinampo dahil ang sabi nito sa kanyo noon ay hindi ito susuko sa panunuyo sa kanya pero sumuko din naman ito bandang huli.

Kasalanan din naman niya. Nag-inarte pa kasi siya kahit alam na alam naman niya sa sariling mahal pa rin niya talaga ito. At mukhang hindi na nga yata mawawala pa ang kanyang pagmamahal sa dati niyang asawa.

Pero ang galit niya rito ay mukhang unti-unti ng naglalaho. Siguro nga kailangan lang niya ng kaunti pang panahon para tuluyan ng mawala ang galit na nararamdaman. Time heals sabi nga nila. And she's looking forward to it. Para makalaya na siya sa pait ng kahapon.

Sa kaibuturan ng kanyang puso ay alam naman niyang hindi naman talaga sinasadya ni Jazon na masaktan siya at mawala ang anak nila. Nadala lang talaga ito ng galit sa pinagsabay sabay na rebelasyon sa buhay nito.

Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kapag nalaman mong nagpanggap lang pala patay ang dating kasintahan para sa pansarili nitong intensiyon.

Alam rin naman niyang hindi rin madali ang pinagdaanan ni Andrea base na rin sa kwento nito sa kanila, pero mahirap pa ding tanggapin ang ginawa nito. Wala siya sa posisyon para husgahan ito.

Nito lang niya narealize na masyado na siyang kinakain ng galit niya para sa asawa. Madami na siyang nasayang na panahon. Pati na sana ang pagtulong sa kompanya nila ay hindi niya nagawa sapagkat iniiwasan niyang magtagpo ang landas nila ni Jazon. Kaya ibinuhos na lang niya ang panahon sa 2G's.

Madami din namang naidulot na maganda ang pag-invest dito at ang paminsan-minsang pagkanta. Kumikita na siya ng sarili niyang pera na walang anumang tulong ng magulang niya. Mas marami na din nakakakilala sa kanya kaya madalas ay may mga talent scouts na ang nagpahayag na gusto siyang kunin bilang isang ganap na singing artist.

Hindi naman niya inaalis ang posibilidad na maging isang ganap na singer. Sadyang ayaw niya muna sa ngayon ng maingay na environment.
And speaking of maingay, papalapit na sa kanya ang mga makakasama niyang magperform bukas at ang kaibigang si Stev.

"Yo yo yo wazzup Margy!" Bati sa kanya ni FJ o Francis Jacob Ramirez, ang singer na makakasama nila ni Stev na kumanta. Gusto niya ang awra ng lalaking ito. Palangiti kasi ito at ay may sense of humor.

"Memorize mo na ba ang part mo Marj?" Tanong naman sa kanya ni Stev na may hawak ng dalawang cup ng kape mula sa DK coffee shop sa loob ng DKRC. Ibinigay nito ang isa sa kanya.

Kailangan nila yon para hindi sila antukin. Mukhang matatagalan pa sila sa pagre-rehearse dahil hindi lang naman sila ang gumagamit ng stage.

Isa pa ay hanggang ngayong gabi lang sila pwedeng magrehearse dahil bukas daw ay aayusan na ang stage at ihahanda na rin ang mga precautionary measures para sa safety ng mga celebrity at non celebrity peerformers.

VICTIMS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon