Chapter: 17

49 3 0
                                    

The Granddaugther

Chapter: 17

"Nakakainis talaga ang lalaking yun?" Bulong ko habang nakatingin sa terrace, hindi pa ako makatulog iniisip ko pa si Lolo at isa pa iniisip ko din talaga ang sinabi ni Fil na may Gf siya.

"Eh anu bang pakielam ko? Heller boss niya ako! Bakit ba ako maapektuhan sa mga sinasabi niya!" Lumingon ako sa baba ng garden, parang may napansin akong mga tao. Paarang anino lang pero ayoko balewalain.

"Anu ba talaga yung nakita ko tao ba?" Bulong ko at dahan-dahan na umalis sa Veranda.

May kinuha ako sa ilalim nang kama, kahit paano may pang proteksyon naman ako. 

Dahan-dahan lang ako lumabas, medyo madilim na dahil gabi.

Nagpalinga-linga ako habang hawak ko ang arnis ko, syempre hindi lang taray ang meron ako noh, dapat matapang din ako sa mga ganitong bagay.

Bumaba ako sa hagdan, alam ko na lock naman lahat ng pintuan sa mansyon.

Pero agad din ako napatingin muli sa taas dahil, nadinig ko ang kalabog doon.

Nagmamadali na akong umakyat, nang biglang may sumalubong na sa akin na lalaking naka full black. Hinawakan niya ako sa kamay pero mabilis ko hinampas nang arnis kong hawak.

"Aagghh!" Daing nito

Tumakbo ako pababa,

"Tulong!" Sigaw ko, kaso parang wala na yatang tao.

Napatingin ako sa mga katulong ko, lahat sila ay nakahandusay.

Napatakip ako sa bibig ko,

"My god." Nakaramdam akonng takot, tumulo na din ang luha ko.

Nang may usok na bigla na lamang lumitaw.

"Tear gas." Bulong ko at naubo, masakit na siya sa mata pero nagpilit pa din akong lumakad para makalabas.

"Ang tigas kasi ng ulo ko, pinauwi ko pa si Filmann." Bulong ko habang inuubo napaupo ako dahil parang nalalanghap ko na ang usok.

"Yaahh!"

Halos mapapikit ako nang may lalaking palapit na sa akin at may dalang samurai, hindi ko alam kung samurai nga basta napapikit na ako.

Hindi halos natuloy nang lalaki ang pagtaga kay Ashika dahil mabilis na sinipa yun ni Fil, tumalsik ang lalakin. Nakasuot siya nang mask para hindi masaktan ang mga mata.

Agad siyang lumapit, at binunot ang kanyang army knife, okay lang sa kanya na mahaba ang gamit ng kalaban.

"Hindi mo ako masusugatan!" 

"Sigurado ka?" Sagot ni Fil at mabilis na tumalon, 

Nagulat ang kalaban ng mapunta na ito sa kanyang likuran kaya nang humarap siya ay mabilis na gilit sa kanyang leeg ang ginawa ni Fil..

May mga dumating pa, mabilis siyang nagtago at nilabas ang dalawang baril na may laser, ilang araw pa lang siya sa mansyon pero napag aralan na niya ang paligid.

May mga dala itong baril, kaya mabilis siyang yumuko para paputukan anv mga binti ng kalaban.

"Nasaan yun?" Tanong nang isa

"Hanapin niyo lang nasa tabi lang yan!" 

Mabilis na lumapit si Fil kay Ashika, nawalan na ito ng malay, nilagyan niya nang reserba na mask ang mukha nito at hinila dahan-dahan. Isinandal niya ito sa isang sulok.

The Granddaughter( COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon