CHAPTER TWENTY TWO ( CONFUSION )

14 2 0
                                    

AUSTIN POV

Pinagmamasdan ko ngayon itong natutulog na babae sa tabi ko... Pssssshhh maganda naman pala kapag tulog to eh... Teka maganda ba yung sinabi ko? Lumaki ang mata ko sa sarili kong pagisip.. WAHHHH DI TO PWEDE SI ANGELA LANG MAGANDA SA PANINGIN KO!!! ERASE ERASE!!! Para akong balew na umiiling iling ng paulit ulit..

Nang mapagod ako sa kakailing sumandal ako sa upuan ng bus... Saka tumagilid ako paharap sa natutulog na si Ice... Hinayaan ko lang ang sarili ko na titigan sya...

Pssssh kahit tulog ang hangin pa din ng dating.. Masyado mong ginugulo ang isip ko Ice, napakaraming bagay kong gustong malaman sayo kaya lang natatakot ako sa pwedeng maging kahihinatnan ng kagustuhan ko....

Si Ice ang tipo ng babae na di mo mapapansin agad dahil una mo syang kakainisan dahil sa sobrang hangin nya pero kapag nakilala mo naman sya , parang ayaw mo ng tigilan at mas naghahangad kapa na mas makilala mo sya.. hindi sya magandang maganda na gaya ng kaibigan nyang si maih pero meron syang sariling ganda na di mo makikita sa iba........

At ngayon mas lalo akong nalilinawanan na unti unti ko ng nagugustuhan ang babaeng to..  Pero isang parte ng pagkatao ko ang naguguluhan....

Sa paanong paraan at kailan ko sya ngustuhan, hindi ko alam... Basta nagising ako isang araw na gusto ko syang mas makilala.. Hinahanap sya lagi ng mga mata ko.. Halos wala pang isang buwan pero ganito kabilis ang pangyayare pssssssssshhh "anong nangyayare sayo Austin"- mahina kong sita sa sarili ko... Aaminin ko na ngayon na nag kakagusto na ako kay Ice....... Mahirap mang paniwalaan dahil si Angela na halos dalawang taon ko ng gusto ay biglang napalitan ng taong halos 3 linggo ko pa lang na kilala... Psssssssshhh ano bang tawag nila sa ganito????

Umayos ako ng upo at kinuha ang headseat ko mabuti pa mag music na lang ako......




Now playing..

CAN'T HELP FALLING INLOVE

Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you

Muntik ako maubo sa first song na naplay ko... Tsssssk sapul austin... Iiling iling kong wika... Lumingon ule ako kay Ice habang nakikinig ng kanta

Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Tanong nga ba o totoo na ??? Nalilito paba ako o talagang sigurado na????

Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be

Meant to be.......................

Meant to be....................

Meant to be????

Nag paulit ulit sa utak ko ang salitang yun....




Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you


Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be




Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you


Inlove ba ako???

Love ba to???

Paanong ganito kabilis????

Panong napalitan nya agad si Angela sa puso ko???

Andaming tanong ng utak ko... Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa ngayon... Naguguilty ako sa inaasal ko... Lagi kong sinasabi kay shiro at zano na si Angela ang babaeng papakasalan ko pero heto ako nalilito sa nararamdaman ko.. "nalilito ka nga ba o ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan?"- wika ng isang bahagi ng utak ko.... Psssssh ano ang gagawin ko ngayon? Pigilan hanggat kaya ko habang di ko pa nakokompirma kung ano ba tong nararamdaman ko para sa babaeng to.. at kapag sigurado na ako sasabihin ko agad kay Angela dahil ayaw ko syang umasa at masaktan pa... Kailangan kong mag ingat sa mga sasabihin at gagawin ko kung hindi makakasakit ako ng inosenteng tao pssssshhh...

Nakatitig pa din ako sa kanya ng bigla ay gumalaw sya at akmang papalo ang ulo nya sa bintana kaya mabilis kong inalalayan sya at inihiga ang ulo nya sa balikat ko... Naramdaman kong pumayapa sya at isinandal ang buong bigat nya sa balikat ko.. Tsssssssh "gawain mo bang laging matulog? Bat ba lage kang pagod?"- mahinang kausap ko sa kanya na alam ko naman na di nya madidinig dahil mahimbing ang tulog nya .......

"Masama kase ang pakiramdam ko ngayon, masamang masama"

Gulat akong napatingin kay Ice ng sagutin nya ang mahina kong tanong... Anak ng kahit tulog anlakas ng pandinig nya psssssh cool and somehow cute... Napapangiti kong wika...

"Bakit masama?"- tanong ko na magbaba kasakali na sumagot sya...

"Dahil tinaraydor ako ng kaisa isang taong minahal ko"- mahina nyang tugon...

Mas ikinagulat ko ang sagot nyang yun.. napatitig ako sa mukha nya at kitang kita ko ang isang butil ng tubig na pumatak sa gilid ng mga mata nya... Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko...... Pinunasan ko ang mata nya gamit ang daliri ko.............

Ngayong natutulog sya mas kita ko yung reaction ng mukha nya di katulad kapag gising sya na wala kang mababasa na kahit anong reaction... Bakas na bakas ang hirap at sakit ng pinagdaananan nya...

Anong nangyare sayo??

Sino kaba talaga??

Ano kaba talaga??

Sino ang taong pinakamamahal mo na nagawa sayo ang ganyang bagay??

Mas dumami pa ang tanong sa isip ko......Tinitigan ko sya at inilapit ko sya ng bahagya saken nakaalalay ako sa balikat nya dahil baka matumba ule sya..... Di ko alam na ganyan pala kasakit ang pinagdadaanan mo.. di ko man alam ang exact na pangyayari pero alam ko na ang bigat bigat ng dinadala mo, psssssssh paano mong kinakaya lahat yan ice... Tanong ko ule sa isip ko....

Wala akong ginawa kundi ang titigan lang sya at bumuo ng maraming tanong sa isip ko... Mga tanong na puro patungkol sa kanya...

Maya maya nakaramdam ako ng antok.. umayos ako ng upo at iningatan kong wag maistorbo ang pagtulog ni ice... Ipinatong ko ang ulo ko sa upuan at unti unting ipinikit ang aking mata... Mukha ni Ice ang agad na rumehistro sa utak ko pagka pikit na pagka pikit ko... Pssssshhh nababalew na nga ata ako.... Pero ano mang tawag sa pakiramdam na to sana masigurado ko agad ang nararamdaman ko para sayo .. ayokong masaktan si Angela dahil lang sa ganitong nalilito akonsa nararamdaman ko...

"Pero anong gagawin ko kase sa twing titigan mo ako nag wawala ang puso at utak ko.. sa twing makikita kong ngingiti ka na minsan lang mangyari natutulala ako.. pssssssh kahit kay Angela di ko naranasan yun tanging sayo lang babaeng yelo.."

Parang balew na kausap ko sa imahe ni ice na nasa utak ko.....

"Pero isa ang sinisigurado ko sayo ice, anoman ang maitutulong ko para mabawasan yang bigat na dinadala mo gagawin ko.. Mananatili ako sa tabi mo bilang si Austin, sapat ng dahilan ang luha na nakita ko para mag prisinta akong maging kaibigan mo sa ngayon at manatiling nakaalalay at sandalan mo sa twing makakaramdam ka ng pagod o panghihina....






Matapos kong masabi ang lahat ng yon nilamon na ako ng dilim at tuluyang nakatulog ................

HER STORY Where stories live. Discover now