CHAPTER 6

134 50 23
                                    

A/N: Sorry for the typos, wrong spelling and grammar. Dont forget to vote and comment.

CHAPTER 6

"Shi." Tinignan ko siya habang puno pa rin ng mga luha ang mga mata ko. Hindi na ako nag-abala na punasan pa ang mga iyon dahil nakita na rin naman niya. Nang hindi ko abutin ang panyong ibinibigay niya ay siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko.

Sa ginawa niya ay lalo akong naluha. Naramdaman ko ang pag-aalala niya na kapareha ng pag-aalala ni Ate sa akin dati. Hindi ko alam kung paano basta naramdaman ko na lang. Napayuko na ako at humagulgol sa pag-iyak.

"Hey!Hey! What happened?" natataranta naman niyang tanong. Yumuko siya para silipin ang mukha ko. Hindi ko siya sinagot at umiyak pa rin ng umiyak.

Yinakap niya ako ng mahigpit habang nakatayo siya at naka-upo ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa gawing tiyan niya at doon umiyak ng umiyak. Sa sobrang pag-iyak ay napakapit ako sa t-shirt niya. Na para bang doon ko ibinubuhos ang lahat ng problema ko. Habang umiiyak ako ay hinihimas naman niya ang likod ko.

"Shhh. Wag ka ng umiyak." Pang-aalo niya sa akin.

Nang huminahon na ako sa ay ako na ang kusang kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang mga natirang luha sa mga mata ko gamit ang sariling kamay. Iniabit niya ulit sa akin ang panyo niya. Sa pagkakataong ito ay tinanggap ko na iyon. Pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang panyo niya.

Habang nagpupunas ay aksidente akong napatingin sa damit niya. Nabigla ako ng makitang basing-basa iyon dahil sa mga luha ko. Nahihiya mang magsalita ay ginawa ko pa rin.

"Ahmm. Sorry ah. Nabasa pa tuloy ang damit mo." Sumisinghot-singhot pa ako ng sabihin iyon.

"Hindi okay lang." nakingiti niyang sagot. Iyong ngiti na nagsasabing 'wag kang mag-alala okay lang talaga'.

"Kung pwede sana ay iuuwi ko na lang at lalabhan."nakayuko lang ako dahil nahiya na talaga sa ginawa ko. Isa pa umiyak ako sa harapan niya.

"Eh. Paano iyan kapag iniuwi mo ito ay wala na akong pamalit na damit. Anong isusuot ko?" tonong nagbibiro ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya ulit. Nabibirong mukha at may malaking ngiti ang nakita ko.

"Ganoon ba. Hmm. Hubadin mo iyang damit mo" utos ko sa kaniya ng may maisip na ideya.

"A-ano?" napalitan naman ng pagtataka ang mukha niya.

"Sabi ko hubadin mo iyang damit mo." Ulit ko.

"T-teka, okay na. Okay na pala ito. I can wear this all day. Matutuyo rin siguro ito. Hehe." Natatawa kunyaring sabi niya.

"Hindi. Hubadin mo na. Akong bahala." Pilit ko pa rin sa kaniya.

"P-per—"

"Sige na. Ako ng bahala. Hubadin mo na."

Wala siyang nagawa. Nagaalinlangan man pero ginawa niya rin. Ang inaasahan ko ay tatalikod siya para makapag-hubad pero nanlaki ang mga mugto kong mata ng sa harap ko mismo siya naghubad. Hindi ko naiwasang tumingin sa katawan niya.

Ang bulto ng katawan niya ay hindi normal para sa mga kaedad namin. Nakita kong may apat na umbok siya sa gawing tiyan. Kaya pala matigas sa gawing iyon kanina nung nakasandal ang noo ko doon. Napalunok ako ng wala sa oras.

Iniiwas ko na kaagad ang tingin ko sa katawan niya bago pa kung ano-ano ang isipin ko. Masyado pa kaming bata para sa mga ganoong isipin. Tumingin na lang ako sa labas ng room.

"Nakapag-hubad na ako. Ano ba kasing gagawin mo?" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon at aksidenteng nadaan ng mga paningin ko ang katawan niya pero iniangat ko kaagad ang mga tingin ko sa mata niya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon