CHAPTER 42

61 4 1
                                    

Ginawa kong normal ang sarili ko, sa trabaho ko, sa magulang ko, sa kaibigan ko. Hindi pwedeng maapektuhan sila dahil sa akin kaya as much as possible ay umakto nalang akong normal.

"Go home after your work. Hindi kana dalaga para gawin ang paglalayas, may anak kang naghahanap sa'yo" napabuntong hininga ako nung nabasa ko ang text ni Dylan. Ang ginagawa ko kasi ay uuwi ako sa bahay, kapag tulog na sya ay aalis na ako tapos sa umaga ay hinahanap nya ako kaya nagtataka na siguro dahil lagi nalang dahilan ni Manang ay maaga ako pumapasok.

"Goodmorning. Coffee?" Tanong sa akin ni Jerald.

"Salamat." Kinuha ko ang inabot nyang kape at agad itong ininom.

"Mom's planning to go there over the weekend. Miss nyana daw kayo ni Isabelle, naging busy lang sya." Paninula ni Jerald habang nakaupo sa couch ng office ko.

"Plano rin nila Mama at Papa pumunta. Tumawag sila sakin kahapon at gusto daw nilang bumisita." Sabi ko naman kay Jerald at nag buntong hininga.

"Anong plano mo? Hindi naman pwedeng ganyan nalang kayo palagi." Nag aalalang tanong niya, magijg ako ay nahihirapan na.

"Kakausapin ko muna siguro si Dylan, kung tatapusin naba namin tong relasyon namin or what. Para magawan agad ng solusyon." Bigla akong nalungkot at uminom ng kape.

"Elle lahat kami ay naguguluhan at nalulungkot sa nagyayari sa into ni Dylan, pero sana ay maayos nyo pa yang relasyon nyo. Ikakasal na dapat kayo hindi ba? Isalba nya hanggat kaya pa." Kita kong ang pag aalala ni Jerald para samin dalawa ng kapatid nya.

"Paano naman kung ako nalang yung may gustong maayos tong relasyon namin? Ang hirap naman non hindi ba?" Malungkot na tanong ko sa kanya at uminom agad ng kape.

"Basta kahit anong mangyari ay nandito lang kami." Tatayo na sana sya para umalis nang bigla syang bumaling ulit sa akin.

"Pinatanggal na ni Dylan si Denver, I heard they talked in private yesterday" plain nyang sinabi sa akin. Agad akong kinabahan.

"Anong nangyari?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Walang nangyari na masama, he just told us na nag usap nga daw sila nung nag dinner kami kagabi sa bahay. You know Dylan, hindi yan nagpapakita ng kahit anong emosyon samin kundi ang pagiging masayahin nya alng at walang problema." Nagkibit balikat lang sya at lumabas na. Naglabas nanaman ako ng buntong hininga.

Bumalik ako sa trabaho ko para maging abala ako at hindi ako mag isip ng mag isip, ultimo trabaho nga ni Jess ako na ang gumawa para lang maging abala ako at hindi ko mapansin ang oras kapag wala kasi akong ginagawa ay ang dami kong naiisip. Super stress ko na madalas sobrang hirap pala.

Niyaya ko si Lors at Jess na mag lunch sa labas, dinala ko na rin ang gamit ko para daretso uwi na ako.

"Oh talaga? Sinabi nya yon? Hindi ko expected na ganyan ang sinabi nya ha." Sabi ni Lors habang kumakain ng steak na inorder namin.

"Yung mga lumalabas sa bibig nya at mga inaakto nya halatang dala ng galit nya pero alam mong hindi si Dylan yon, though kahit na hindi sya dahilan para saktan ka." Sinabi naman ni Jess.

"Minsan hindi ko na alam san ba sya mas nasaktan, sa nakita nyang hinalikan ako ni Denver na hanggang ngayon ang nandidiri ako o sa hindi namin pagpapakasal agad." Gulong gulong tanong sabi ko sa kanila.

"Maybe both. Kaya ganyan sya ay nagsama sama na ang galit at sama ng loob nya. Na praning siguro at ginawa nalang reason na baka kaya ayaw mo magpakasal." May point si Lors.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon