Nasa mall ako nang mapansin ang isang kakilala di kalayuan sa Jollibee, ang meeting place namin ni Shaynia, matalik na kaibigan namin ng dati kong girlfriend. May pila ng mga kabataan at karamihan ay babae pa. Tiningnan ko ang relo ko. 4:30pm. Maaga pa ko ng tatlumpung minuto kaya naman hindi na ko nag atubiling lumapit sa isang store na halos katabi lang ng Jollibee.
"Uy si Tropel Gaineza! Tara magpapirma na tayo dali!"
Tiningnan kong pumasok ang mga tingin ko'y high school students na sabik na sabik sa taong nakaupo sa harap ng pila at abala sa pag eentertain ng mga fans nya.
Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng nakalutang at makukulay na mga lobo. Hindi rin nakatakas saking paningin ang mapang asar na ngiti nya sa mga nakasabit na posters sa paligid ng book store na iyon.
"Book signing huh?" Bulong ko.
Lumapit ako sa nag iisang shelf sa loob at kinuha ang bagong release nyang libro. White Lies ang title at puting rosas na matitinik ang cover non.
"Grabe! Ang galing nya talagang author. Nakakainis lang kasi nagpakamatay yung bida."
Nilingon ko ang mga babaeng nakapila sa likod ko at napakunot ang noo. Samantalang nang mapatingin sila sa akin ay nanahimik at tila nahihiya sa inasal. Siniko sya ng kaibigan.
"Wag kang spoiler! Di pa lahat nakabasa nyang libro." Inis na bulong ng kasama nya.
Nagpakamatay? Don't tell me. Dali dali kong binuksan ang hawak na libro at binasa ang unang pahina.
"This story was inspired by the story of a friend who commited suicide..."
What the hell?
Nang mag angat ng tingin si Tropel ay agad nya akong nakita. May binulong sya sa kanyang bodyguard at mabilis na tumayo papunta sakin.
"Oh my God! Papalapit si Tropel! Picturan nyo dali!" Isa sa mga fans nyang malapit sa kinatatayuan ko.
Matalim ko syang tiningnan at halos malukot na ang bagong publish na libro sa kamay ko.
"At talaga nga namang ginamit mo pa si Yumico para kumita huh?" Singhal ko nang makalapit sya.
Tinaas nya ang parehong kamay na animo'y sumusuko.
"Easy dude. I just kinda miss her thats why I wrote it."
"Wrote it my ass. Di mo man lang ginalang yung tao."
"Ano ka ba naman Hedrix, its been 2 years pare, dont tell me, you're still in pain?"
Kung wala lang kami sa mall ay baka nasuntok ko na ang gagong to. Bago pa maubos ang pasensya ko ay tinalikuran ko na si Tropel at mabilis na dumalo sa counter para bayaran ang librong nalukot ko.
Pagkalabas ko ay nakita ko na si Shaynia sa labas ng jollibee. Nakajumper shorts at long sleeve. Parehas ng porma ng ex girlfriend ko.
"San ka galing? Akala ko di ka na sasama.""Binili ko lang to. Nakita ko dyan yung kaibigan nyo ni Yumi kaya nilapitan ko na." Sabay lingon ko sa book store.
Nilingon ni Shaynia kung nasaan si Tropel at agad tumango.
"Ah oo nabalitaan ko ngang naging writer na sya a year ago lang. Patingin nga ko nung bagong libro nya."
Inabot ko ang supot at napanganga sya ng mabasa ang mga nasa unang pahina nito.
"He really loves Yumico huh."
Sabi nya habang nakatingin sa baba ng ikalawang pahina.I love you Yumi. We'll meet soon.
BINABASA MO ANG
What Lies Behind the Book
Short StoryHindi lahat ng binabasa mo ay tunay, at hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.