LUMIPAS ang dalawang araw at naging maayos ang paninirahan ko sa bahay ni Guillermo, itinuring kaming panauhin. Nagbawas ng mga serbidora sa loob ng bahay at natira lamang ang mga mapagkakatiwalaan. Pinangunahan ito ni Mang Faustino dahil mas kilala nya ang mga serbidora kaysa kay Guillermo na laging wala sa bahay nito.
Sa loob ng dalawang araw ay mas nakilala ko si Guillermo, mabait si Mang Faustino at palakwento. Pilyong bata daw si Guillermo at sa kilos nito ay di aakalaing matanda na ito, sa tuwing tatanungin ko ang edad ni Guillermo ay biglang mananahimik si Mang Faustino at iibahin ang usapan. Sinabi nya sakin ang paborito nitong pagkain at gawain, hilig daw ni Guillermo ang mga pagkaing may gulay. Mahilig din itong magbasa ng mga libro,halos maubos ang oras namin sa pagkukwentuhan maghapon kaya naman hindi ako nabobored.
"Nasaan po ang mga magulang ni Heneral?" tanong ko sa kanya. Agad nagbago ang ekspresyon ng matanda at lumungkot ito, "Maagang naulila si Señor, namatay ang nga magulang nya noong 20 anyos pa lamang sya" pagsasalaysay nya. Napabuntong hininga sya bago magsalita muli "Ginahasa ng mga kastila ang kanyang ina at pinagbintangan naman ang ama nya na nagnakaw ng mga ginto sa barkong pangkalakalan" naguluhan ako sa sinabi ni Mang Faustino, Heneral din ang ama ni Guillermo.
Sa nakita kong litrato sa kwarto ng ginoo, malalaman talagang ninuno nya yon at ang pagiging heneral ay pinasa hanggang sa kasalukuyan, na syang si Guillermo.
"Kung gayon sino po ang mga lalaki na nasa litrato sa loob ng tanggapan ng ginoo" nanlaki ang mata ni Mang Faustino sa sinabi ko. Agad syang tumayo at nagpaalam na aalis muna dahil may kailangang asikasuhin, kinuha nito ang tungkod at nagmamadaling nagpunta sa kusina. Naiwan akong mag isa sa loob ng sala, nasa kwarto si Isabel at mahimbing na natutulog dahil oras ng siyesta.
Naalala ko ang sulat ni Felissa sa'kin, sinabi nyang sulatan ko sya oras na maging maayos ang pakiramdam ko. Naisipan kong pumunta sa bahay panuluyan ng mga Ocampo upang sopresahin sya.
Umakyat ako papunta sa kwarto na tinutuluyan namin ni Isabel na syang dating kwarto ni Guillermo. Pinaayos nya ito at inilipat ang mga kagamitan nyang pang opisina sa kabilang silid, naiwan ang mga litrato sa tinutuluyan namin ni Isabel. Magkatabi lang kami sa kama na natutulog tuwing gabi at pinahalo ko na rin sa kanya ang mga gamit namin. Pati na ang damit dahil kung di maiiwasan na lumabas ako, wala dapat makakaalam na hindi ako lumisan ng bansa. Kakailanganin ko magpanggap na tagapaglingkod sa labas ng bahay ni Guillermo ngunit isa akong binibini sa loob ng bahay. Mas mabuti ng ganto upang mapaniwala si ama na meron talagang nagtatangka sa buhay ko.
Napahinga ako ng malalim ng dahan dahang binuksan ang pinto, tulog na tulog si Isabel na nakatalukbong pa ng kumot. Binilisan ko lang ang pagpapalit ng damit at agad lumabas upang hindi magising si Isabel.
Inayos ko ng papulupot ang buhok ko, napatingin ako ngayon sa sarili ko at napangiti. Lumang baro at saya ang suot ko na puno ng sulsi at kupas na, wala na sigurong makakakilala sakin.
Lumabas ako ng bahay at nakayukong naglalakad sa kalye, walang nakakakilala sakin! Mabuti naman! Naglakad pa ako ng kaunti at napahinto sa isang medyo mataas na gusali. "Hotel De Ocampo" basa ko sa nakalagay sa pintuan nito.
Pumasok ako sa loob ng panuluyan at ramdam ko ang sama ng tingin ng mga taong nakapaligid sakin. Lumapit ako sa babaeng nakaupo at may lamesa sa harap maraming papeles ang nakakalat sa harap nya. Napatigil sya sa ginagawa at tumingin sakin "Hindi kami nagpapatuloy ng dukha dito" nakataas ang kilay na sabi nya.
"Nandito ho ako para bisitahin ang isa sa nunuluyan dito, Felissa Vicente ang ngalan nya" wika ko at tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa. "Ang isang mestiza ay kaibigan ng dukha?Sadyang di kapani-paniwala" sumenyas sya sa mga lalaki at pinaalis naman ako ng mga ito. Pilit nila akong tinulak palabas ng panuluyan.
BINABASA MO ANG
Reminiscencia del Amor
Исторические романыIsang lalaki na nagkaroon ng kasalanan sa mga Diwata at isinumpa na maging isang imortal at masaksihan na mamatay ang mga mahal sa buhay, ngunit paano kung makilala nya ang isang babae na galing sa hinaharap? Isang lalaki na nakita ang nakaraan at...