[] Sua Asher Figueroa
Kinabukasan ay para akong tanga na nagtatago mula sa mahal na prinsipe dahil alam kung abot langit ang galit sa akin 'nun. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako nagsisinungaling sa mahal na Reyna.
Pero totoo naman diba? Masaya kaming kumakain ni Charles at dumating lang siya para sirain ito. Aba! Hindi ito maganda iyon.
Bilang isang prinsipe dapat role model siya ng lahat diba? Pero hindi ko tuloy maintindihan kung bakit inis na inis sa akin iyon. Naiinis din naman ako sa kanya dahil kasalanan din naman niya iyon.
"Sua, hali ka nga dito. Bakit ka nagtatago diyan?" Tanong ni Nanay Susan sa akin. Napakamot naman ako sa batok ko at tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko itong naghahanda ng agahan para sa mga kamahalan.
"Halika tulungan mo ako dito dalhin sa hapag. Medyo natagalan kasi ako ng gising at hindi kaagad nakapaghanda." Ani sa akin ng matanda sabay abot sa akin ng isa pang putahe na nasa loob ng magarang lalagyan ng pagkain.
Sinabi sa akin ni Nanay Susan na dalhin ko raw ito sa hapag dahil malapit nang bumaba ang Royal Family.
Kahit posibleng magtagpo ang landas namin ni Prinsipe Carter ay pumayag ako sa utos ng matanda.
Sumilip pa ako mula sa paanan ng dining area at tinignan kung may tao pa roon. Buti na lang at wala pa si Prinsipe Carter kaya dali dali kong inilagay sa lamesa ang dala ko.
"Sua, dito mo 'yan ilagay." Sita sa akin ni Amy habang nag-aayos ito ng hapag.
"Hindi ba pwede na diyan na lang?" Inosente kung saad dito. Dapat may yung pagkain ay nakainorder? Di biro lang. Baka ganito talaga ang nakasanayan nila sa paghahanda ng pagkain. "Dito ba?" Ani ko.
"Oo 'yan. Tama yan. Oo nga pala pakilagay naman nitong bulaklak sa vase oh. Pagkatapos ay ilagay mo sa gitna ng dining table. Naiihi na kasi talaga ako. Salamat, Sua!" Amy said sabay abot sa akin ng bulakbulak at vase at hindi man lang hinintay ang sasabihin ko at basta na lang kumaripas ng takbo.
Napatingin ako sa loob ng vase may tubig naman na ito at yung bulaklak ay na cut na rin iyong dulo ng stem.
I sighed at mabilisan kung inilagay sa loob ng vase iyong bulalak.
"Hindi ganyan 'yan. Dapat maganda tingnan. Hindi gaya mo na panira ng araw." Ani ng isang pamilya na boses.
Napatingin naman ako sa gawi nito. Kung nakakamatay lang siguro ang masamang tingin ay kanina pa ako nawalan ng buhay dito. I just shrugged and ignored him. Inayos ko na lang yung bulaklak sa vase.
Hindi naman kasi ako florist na alam kung paano ilagay iyong dapat na kulay sa vase. As long at nailagay na iyon sa vase at may tubig ay ayos na mabubuhay na ito ng mga ilang araw.
"Panget talaga." Bigkas niya na para bang kinakausap niya ang kanyang sarili kahit na alam kong ako talaga ang sinasabihan niya na 'panget'.
Panira talaga ng araw.
"Nakakasira ng araw." Dagdag niya ulit.
Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan.
"Palamunin at pulubi." Ulit niya.
Umigting naman iyong tenga ko sa sinabi niya. Anong karapatan niyang sabihin sa akin iyan? Aba sumosobra na siya. Lumingin ako dito at tinignan siya ng masama. He just smirk at me na talagang ginagalit ako.
BINABASA MO ANG
Omegaverse Series 3: Let me go, Alpha
Ficção GeralOmegaverse Series 2: Handa ka ba na tuluyang ipaubaya ang taong sobrang mahal mo para sa taong nakatakda sa kanya? Will you?