Ikawalong Yugto: Feasibility Study

83 3 0
                                    

        ...May group project na gagawin at sa di inaasahang pagkakataon naging kagrupo ko pa si Sam! Si Sam pa talaga. Buti na lang kasama si Seth. *kilig* Ang problema kasama pa itong si Johann. Si Stacy at Iris naman ang nakagrupo ko sa SS. Lagot na panigurado iiksi lalo ang pasensya ni Alex kay Talya di bale nandoon naman si Paul. Hindi ko na dapat mag-alala pa alam kong di pababayaan ni Paul na mag-away o mag-clash ang dalawa kaso nakakaawa ang pagdadaanan ni Paul.

        Gagawa kami ng isang business proposal. Magfofocus kami sa food business dahil ang proposal namin ay ieexecute namin sa Food Fair bago magtapos ang semester. Maswerte kami at nakagrupo na talaga namin si Seth. May alam na siya about food business. Tsaka marunong pang magluto. Tamang-tama dahil ang ibebenta namin ay dapat gawa rin namin kasama daw kasi ang exposure to labor ang gustong ipaintindi sa amin ng aming prof.

        "So sino ang group leader? Si Celest na." si Stacy. "Ako? Ayoko. Bat hindi na lang si Seth tutal naman may family food business na sila. Masmaraming input na maaari niyang maicontribute." sabi ko. "Tama si Celest." pagsang-ayon naman ni Iris. "Ako na lang kaya." volunteer naman ni Johann. "Bat naman ikaw? May alam ka ba?" pagsusungit ni Iris. "I have good leadership qualities." sagot naman ni Johann. "And do you think that is enough? Ang tamad tamad mong pumasok pati gumawa ng mga papers." mataray na sabi ni Iris. "Akala mo di porket babae ka di kita papatulan!" sigaw naman ni Johann. Mukhang kailangan na ng intervention. Ito namang si Seth at Sam natatawa lang sa ginagawang pasagot-sagot at sigaw ni Johann. "Hep! Sige para walang away. Magvote tayo. Let us deal with this as educated individuals." suhestiyon ko. "Sige." pagsang-ayon nila. Nakakuha ako ng two votes, isa galing kay Stacy at isa naman kay Seth. Si Seth naman nakakuha ng 3 votes, isa galing sa akin, kay Sam at kay Iris at syempre ung mayabang kanina nakakuha ng one vote dahil binoto ni Johann ang sarili niya. Haha. Galit na galit at asar na asar siya kay Sam at Seth. Pinagbantaan ba naman na pahihirapan sa training nila. Childish talaga. Pumayag na maging lider si Seth sa isang kundisyon tutulungan ko siya. Sumang-ayon naman agad ako. Ito na kasi ang pagkakataon upang magkalapit ulit kami ni Seth. Natapos na naman ang initial plan. Naisipan namin na health cafe ang gawin. Nagbigay na rin ako ng task sa kanila. Sana lang magawa nila.

        Papunta na ako sa parking lot ng may tumawag sa akin. Walang iba kungdi si Sam. Hay naku!. "Ana!" sigaw nito. "Ayokong tinatawag akong Ana, Celest na lang please. Ano nga pala kailangan mo?" sabi ko habang patuloy pa rin ang paglalakad. "I just need help. I really do. Ikaw lang kasi ung malalapitan ko eh." pahumble na sambit nito na may kasama pang paghawak sa batok. Sineseduce kaya ako nito? Di uubra noh! Oo gwapo siya pero si Seth lang ang mabait sa kanila. "Tungkol saan?" mahinahong tanong ko habang nilalagay na ang gamit ko sa kotse. "Sa paggawa ng feasibility study. Tapos ung naassign pa na part sa akin sa group project natin ay tungkol pa sa feasibility study." si Sam. Naghihinala na ako sa mga sinasabi nito. Eh parang kanina lang sabi niya kayang kaya niya ang paggawa noon tapos ngayon sasabihin niya nahihirapan siya? Problema nito. "Uy." sabi niya habang pagpuna sa pag di ko pagsagot. "Kay Seth ka na lang magpatulong." sabi ko. "Please...Celest..." sabi niya na may nakakahumaling na boses. Malambing ang tono. "Bakit ako pa?" sagot ko. "Cause I know you have a kind heart and smart. Top of the class. Kung kay Alexis ako nagpatulong baka walk-outan lang ako noon." pagpapaliwanag niya. Tumango na lang ako bilang pagpayag ko. Tutal para na rin naman ito sa grupo namin at mukha namang siyang sincere.
"So when can we start? Pwede bang tonight?" si Sam. "Ha? Eh o si-sige para matapos na natin ito. Sa-saan naman?" kinakabahan kong sabi. Bakit ba ako biglang kinabahan? "Sa condo ko na lang para tahimik at tsaka may wifi. Matulungan na rin kitang mag-research para naman sa part mo."sabi niya habang binuksan ang kotse ko kinuha niya mga gamit ko. Nagulat na lamang ako hawak hawak na niya ang isa kong kamay at dadalhin na niya ako sa kotse niya. Una itong pagkakataon na may isang lalaki na hinawakan ang kamay na intertwine pa talaga ang mga daliri. Naiilang tuloy ako at gusto kong bumitaw pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. "Sa-sandali paano ung kotse ko." un na lang ang nasabi ko. "Papadrive ko na lang sa driver namin. Padadaan ko na sa inyo. Ako na maghahatid sa iyo pauwi mamaya."sabi ni Sam habang pinagbubuksan na niya ako ng pinto. Inilagay niya na ang mga gamit ko sa backseat at nagmaneho na.

Seth's POV
        Nandito ako ngayon sa parking lot. Pupuntahan ko sana si Celest. Gusto ko siyang makasamang mag-dinner para magka-usap na kami. Pero sa di inaasahang pagkakataon nakita kong hawak-hawak ni Sam si Celest. Bakit sila magkasama? Ano na naman ang balak ng lokong toh kay Celest? (A/N: Kung present ka ba naman sa tambayan di sana alam mo ang nangyayari. Bawas-bawasan ang pagiging loner ah. Para updated.)

Sam's POV
        Success! In fairness, okay din naman pala itong si Ana. Tahimik unlike the girls I hang out with ang iingay at malalandi. Sumulyap ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa may bintana na may malalim na iniisip. Mukhang kinakabahan siya at isang katulad ko ang kasama niya.

        ...Oh no! Ano bang gagawin ko? Kasama ko ang player na ito. Ano na lang iisipin ng ibang tao pag nakitang kasama ko siya? Baka manyakin pa ako nito eh. "Is there a problem?" tanong nito habang nagmamaneho. "Ah wala naman. Malayo pa ba tayo?" sabi ko. "Malapit na. Is it okay, if we have an early dinner? I know a good place. Pwede pa natin maging basis ung kakainan natin for the feasibility study and proposal." si Sam. "Ah o sige." sagot ko. Mukha naman alam niya ang gagawin niya ah. Bakit ba kailangan niya pa ako? "Kung iniisip mo na kaya naman mag-isa ang feasibility study, I will admit it kaya ko. I just wanted your help or do it with you gusto ko kasi pulido ang maging work ko para sa iyo, para sa grupo." sabi ni Sam. Nabigla ako sa sinabi niya. Mukhang seryoso sa pag-aaral itong si Sam. Mukhang mali lang ako ng akala sa kanya. "Ah ok. Sana sinabi mo noong una pa lang. Papayag naman ako sumama. Nagdahilan ka pa ng kung ano-ano." natatawang sabi ko. Ngumiti naman siya. "Ang sarap pakinggan ng pagtawa mo. Do it more often kaysa naman sa lagi kang seryoso." nakangiting sabi niya. Bakit ba ang ganda ng smile niya? Tumango na lang ako.

        Dumating na kami sa cafe. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pinag-urong ng upuan. This guy knows how to please women. Gwapo na masyado pang malambing sa mga babae. Di nga nakakapagtaka ang dami niyang napapaiyak na babae. Ganito ba siya sa mga babae niya? "So, what do you want?" tanong niya. "Seafood Garlic Pasta for me and Iced Tea." sagot ko habang binobrowse ang menu. "All Meat Marinara and White wine for me." sabi naman niya sa waiter. "Wine? Aga naman ata." komento ko. "Ayos lang isang glass lang naman eh."sabi niya na may kasama pang kindat. Napangiti naman niya ako sa pagkindat niya. Sandali... NAPANGITI? ERASE.ERASE.ERASE. Di pwede yun. Nagbago ang nakangiting ekspresyon ang mukha na siyang pinagtaka ni Sam. "Are you ok? Kanina nakasmile ka na tapos bigla ka namang naging worried?" nag-aalala niyang tanong. "Wala naman iniisip ko lang ung project natin." pagsisinungaling ko. Lord patawarin niyo ako. Ayokong nagsisinungaling alam niyo yan pero kailangan. Ngumiti na lang siya ulit sa akin. Kumain kami nang tahimik. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. "Wala naman. I'm just admiring your beautiful face. I just have this gut feeling that aside from having business feasibility study, I think we can also have our own feasibility study. We are a good match." nakakabighaning ngiti niya na siyang kinagulat ko.
 

Comments? Votes?

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon