Kabanata 1 (ang sundo)

15.8K 394 20
                                    

Patingkayad ang ginagawang paghakbang ni Milagros nang makapasok sa loob ng silid ng tiyahing si Dalen.

"Hindi dapat magising ang bruha!", bulong niya sa sarili, habang maingat na lumalapit sa maliit na tila aparador na nasa tabi ng kamang hinihigan nang natutulog na tiyahin.

Napatigil siya at pinigil pati ang paghinga nang bahagya itong gumalaw.

Tumagilid ito paharap sa kanya......, kaya lalong kumabog ang dibdib niya.

Kapag nagising ito at nakita siyang nasa loob ay siguradong mabubuking nito ang balak niyang gawin.

"Kailangan ko ng perang mababaon ko sa pag alis sa impyernong lugar na ito! Babawas lang ako ng kaunti, tiya. Isipin mo na lang na kinuha ko ang kabayaran sa pagpapa alila ko sa iyo at sa dimonyo mong kabit!", naghihimagsik na bulong niya sa sarili.

Nang makitang tulog pa rin ang tiyahin ay itinuloy na niya ang balak gawin.

Bahagya pang nanginig ang mga kamay niya.

Malamig ang singaw na nagmumula sa aircon ng kwarto subalit pinagpapawisan siya.

Maingat siyang bumawas ng pera sa loob ng maliit na bag.

"Siguro naman bago ito maubos ay nakahanap na ako nang mapapasukan.", alanganing sabi niya sa sarili.

Pagkatapos maisara ang taguan ng pera ng tiyahin ay dahan dahan uli siyang naglakad palabas.

Hindi na niya inilapat pa ang pagkakasara ng pintuan at bago tuluyang tumalikod ay sinulyapan uli ang tiyahing nakasama niya sa loob ng tatlong taon.

"Aalis na ako, tiya. Pag gising mo ay wala na ang tagasilbi mo. Wala ka nang gagawing alila..", nagtatagis ang bagang na bulong niya.

Nagmamadali niyang kinuha ang isang bag na naglalaman ng ilan niyang gamit.

Umaga pa lang ay naihanda na niya ito.

Nang makalabas sa pintuan ng bahay ay walang lingon lingong na naglakad na siya paalis.

Dumirecho siya sa terminal ng mga bus. Tinignan kung anong bus ang malapit nang mapuno at agad na bibiyahe.

''Hindi importante kung saang lupalop papunta ang kahit alin sa mga bus na ito. Ang mas mahalaga ngayon ay makalayo agad ako dito.'', sabi niya sa sarili.

Tiyak na hindi titigil ang tiyahin niya at ang kabit nito sa paghahanap sa kanya.

Kilala niya ang ugali ng tiyahin sa pagka tuso.

Baka nga ipapulis pa siya ng mga ito.

Isang bus ang nakita niya....... mabilis siyang sumakay dito.

At umandar na ang sinakyan niyang bus papuntang..... Baguio.

Napangiti siya nang mabasa ang lugar na nilalampasan ng sinasakyang bus.

"Malayo na ako, hindi na nila ako makikita.", sabi niya.

Nang huminto ang bus ay bahagya siyang nagtaka, lalo na nang magbabaan ang ilang pasahero.

Subalit saglit lang at naintindihan na niya kung bakit.

Para pala makabili nang makakain o maka ihi o anu pa man ang driver o kundoktor, pati na ang mga pasahero.

Bumaba na rin siya. Bitbit ang bag na dumirecho sa may bayad na comfort room ng isang karinderia.

Bumili na rin siya ng ilang tinapay at tubig na nasa boteng plastik upang kung gutumin ay may makakain siya kahit umaandar na ang sasakyan.

Dahil sa haba ng byahe at malamig na singaw sa loob ng sasakyan ay napa idlip siya.

Hindi na niya namalayan pa ang pag andar ng sasakyan.

Napabalikwas siya nang gulantangin ng malakas na tilian ng mga kasama niyang pasahero.

Naibuka niya ang bibig subalit walang tinig na lumabas.

Gumewang ang bus at nalaglag sa matarik na bangin.

Kaluluwang LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon