Chapter 36 - Championship

7.2K 457 104
                                    

It has been days mula nuong birthday ni Camille at bumalik kami sa Manila, I still eat with the group like nothing happened at binuno ko ang oras ko sa pagpapractice ng basketball

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It has been days mula nuong birthday ni Camille at bumalik kami sa Manila, I still eat with the group like nothing happened at binuno ko ang oras ko sa pagpapractice ng basketball. Hindi na sumasabay si Ava sa lunch namin at ganuon rin si Wil. Madalas pag-usapan ng grupo ito at hindi naman ako kumikibo at nakikinig na lang. Wil is taking advantage of those times to be with Ava na halos parang date nga daw ang nangyayari tuwing lunch at may progress na daw ang panliligaw nito kay Ava. Hearing that hurts me the most. Wala akong magawa.

"Vion, game nyo na later 'di ba? Manunuod kaming lahat ha? Support namin kayo nila Harvie at Wil," masayang saad ni Perlo.

"At syempre kaming mga girls naman ang magchi-cheer din sa inyo, the louder the better 'di ba Yana?" excited naman na sabi ni Dazzy.

"Yeah, gagawa ako ng pompoms ko pangcheer sa inyo. Para feeling namin na nasa cheer leading team rin kami gaya nila Yana at Ava," saad ni Camille na natatawa.

Yes, Final game na namin mamaya against the last year's champion later, ang Grenshill University. It is one-one already, at dahil twice to beat sila ngayon ay kailangan pa ulit namin sila harapin, kahit papaano ay may isang panalo kami at ibigsabihin lang nito at may pag-asa kaming matalo sila. Hindi ako kinakabahan sa magiging laro namin pero mas kinakabahan akong makita si Ava muli, kinakabahan ako na kahit papaano ay excited. Sa klase ko lamang sya napagmamasdan nang hindi nya alam pero kung gaano ko sya katagal nakakasama sa klase ay ganuon rin kasakit ma makita syang laging sinusundo ni Wil sa pintuan at inaabangan. I need to be strong.

Choice ko 'to di ba?

*

Lumipas ang mga oras at nag-ayos na kami at sumakay sa shuttle bus ng university namin. Ganuon na rin sila Yana na humiwalay sa amin ni Harvie dahil ibang shuttle ang para sa cheering team. I feel so low, papaano ako makakatulong sa laro nito kung ganito ang pakiramdam ko? Wala akong ganang magsalita hanggang sa makarating na kami sa dome na paggaganapan ng huling laban.

The dome is unbelievably filled with so much students and fans separated by colors of their own desired team. Our color is Indigo. Kung nagtataka kayo kung bakit iba ang color ng cheering uniform nung nagtry out ang ilan nuon ay unofficial cheering uniform lamang ito. Our team represents Indigo while the other side is Red.

"Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ni Harvie na nakabasketball uniform na suot ang jacket nitong number two.

"Hindi naman," tipid kong sagot dito.

"Vion, I know something is wrong with you at 'di ko alam iyon, ayaw ko na rin munang makisawsaw pero Dude, we need to win this and I am counting on you. Remember the day I asked you to join the team? Alam kong may maiaambag ka kahit na wala akong basehan at pakiramdaman lang iyon," seryoso nitong sabi sa akin.

"Cheer up, Vion! We'll get through this," ngiting sabi muli nito. His smile says it all, parang hindi lang ang basketball ang sinsabi nya rito kundi pati na rin sa kung ano ang bumabagabag sa akin. He's really such a nice guy. I wonder bakit wala pa itong girlfriend.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon