CHAPTER 21

312 8 0
                                    

As usual, maaga akong nagising at naligo pagkatapos ay ginising ko si baby Zef na agad namang nagising. 'Di naman siya mahirap gisingin. Pinaliguan ko din siya at matapos bihisan ay tinawagan ko ang manager ko at ang tatlo para sana yayain na kumain kaso ni isa sa kanila ay walang sumagot, siguro tulog pa kaya nag-iwan nalang ako ng mensahe bago kami bumaba ng anak ko.

"What do you want to eat baby?" Tanong ko sa kanya at bibigyan ng menu.

Matagal siyang nagtitingin dun bago ako nilingon.

"Momma, what are delicious in this foods? I'm not familiar with these" nginuso niya ang menu.

Yeah. I forgot that this is the first time he will taste the foods here in Philippines since it's also his first time in here.

"Hmm let me choose your food then" alok ko.

"Foods, momma I wanna eat many of these" pagtatama niya na ikinailing ko.

My son is so bossy.

Pinili ko ang mga pagkaing gusto ko at nagorder na din ng drinks para samin dalawa at cappuccino for me.

Nakita ko naman ang pagpasok nina manager Gab at ng tatlo at dumiretso agad samin ni baby Zef.

"Good morning, Scarlet. Good morning, baby Rhus" pagbati ni Tiffany na umupo sa harapan ko at si Lucas kaharap ni baby Zef na katabi ni Tiffany at si Marjorie at manager Gab ay nasa magkabilang dulo ng mesa.

"Good morning po, tita pretty. Good morning, baby" bati pabalik ng anak ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya at umaliwalas.

"Oh my, baby Rhus! You feel it? Baby is responding to your greet, how sweet of you" matamis na nginitian niya ang anak ko at hinalikan sa magkabilang pisngi.

Bumaba ang anak ko sa kinauupuan at umikot papunta sa inupuan ni Tiffany at 'di makapaniwalang tiningnan ang tiyan niya.

"Really? Wow baby! I thought you'll gonna hate me for attempting to take papa Lucas away from you but I'm not gonna do that again" pakipag usap nito sa tiyan ni Tiffany na akala mo'y sasagutin siya nito.

"Nakakatuwa talaga ang baby boy mo, Scarlet napakasweet" komento ni manager Gab.

"Tsk! Anong nakakatuwa diyan eh ang sungit sungit nga ng pangit na 'yan" pagtanggi ni Marj na ngumiwi pa.

"Sa iyo lang naman ganun si baby Rhus eh kasi inaasar mo at tsaka mas may itsura pa naman 'yung bata kesa sayo" pagtatanggol ni Tiffany na may samang birong insulto pa.

"Excuse me? Hindi naman gwapo ang masungit na 'yan tsaka mind you buntis! I'm beautiful" iniripan nito si Tiffany.

"Kaya pala" si Tiffany na nasa menu ang tingin.

"Kaya pala ano?" Mataray na tanong ni Marjorie.

"Wala kang jowa" dugtong nito dahilan para mapahalakhak kami.

Yes! Marjorie is beautiful but she has no boyfriend at all.

"Hoy buntis! Abala kaya ako sa ospital kaya wala akong oras para sa boyfriend thingy na 'yan at tsaka may mga manliligaw ako 'no! Ano kala mo saken? Tsk! Palibhasa ikaw meron ng doktor diyan at magkakababy pa kayo mas sexy naman ako sayo" her rants.

Bigla namang nagsalita ang anak ko na ngayon ay nasa tabi ko na.

Ang tagal naman ng order namin! Baka magreklamo 'tong anak ko. Ang hirap pa naman suyuin nito. Attitude.

"Tita Rie, you have no boyfriend because you smell medicines and you look like..." Napatingala pa ito na parang nagiisip ng idudugtong bago siya tiningnan si Marj. "Exactly a syringe" dugtong nito.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon