Troy Pov
Hindi naman alam kung matutuwa ba kami dahil ngumingiti parin si peirce kahit wala na si athara. Hindi naman siyang nakikitang nagmumukmuk o umiiyak tulad ng unang araw na nalaman niyang wala na si athara. Kung pano siya magmakaawa kay ella at umiyak sa harap ng iba. Ibang iba kumpara ngayon. Ngunit kahit naka ngiti siya ang mata niya naman ay malungkot.
"Bro! Palit tayo.. jan na ako uupo para tabi kami ni athara pagbalik niya. Hehe" nakangiting sabi ni peirce kay josh. Hindi tumayo si josh.
"Jan ka na lang peirce.. tama na ang pagpapanggap mo. "Kalmadong sabi ni josh.
"A-nong pagpapanggap ba ang sinasabi mo?! Putcha! Bro upuan lang yan magdadamot kapa?!" Galit na sigaw ni peirce buti na lang wala pang lec.
"Bro.. palit na lang kayo... hayaan mona." Pagkukumbinsi ko kay josh. Akala ko ako lang ang nakakahalata ngunit si josh rin pala.
"Pano ka makakamove on niyan kung umaasa ka hanggang ngayon?! Dalawang linggo na peirce! Muka kanang gago kaka asa sa kanya!" Galit ring sigaw sa kanya ni josh. Nagyon lang nagalit si josh .
"Letche ! Anong pinagsasabi mo?! Babalik yon! Tangina naman!parang upuan lang dami mo pang sinabi! Alam ko namang gusto mo siyang katabi eh... baka nga gusto mo syota ko!" Pagkasabi ni peirce ay sinuntok siya ni josh kaya pumagitna naman ako.
"Fck you! Magising ka sana... sana mapawi ng suntok ko ang suntok ng syota mo! " galit na sigaw ni josh.
"Tama na bro.. pausapan natin to ng hindi nagsisigawan.." pagpapakalma ko sa kanilang dalawa.
"Gag* ka! Akala mo ba hindi ko alam na nililigawan mo ate ko?!! Type mo syota ko pati ate ko hindi mo papalagpasin?! Tandaan mo bro! Pag di mo tinigilan ate ko.... kalimutan mo nang magkakilala tayo.." sabi ni peirce kaya nagulat si josh. Alam kong nililigawan ni josh ang ate niya. Gusto namang sabihin ni josh ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon. Tumalikod na si peirce nang magsalita ulit si josh.
"Wala akong gusto sa syota mo. At oo nililigawan ko ate mo... ayaw kong makita kang ganyan bro, samantalang siya ay masaya na sa iba. Ayaw kong umaasa kapa samantala siya kinalimutan kana." Sa sinabing yun ni josh ay natulala si peirce kaya umalis si josh.
Josh Pov
Hindi nais na saktan si peirce. Ngunit habang hindi ko sinasabi sa kanya ang nakita ko ay hindi siya titigil kaka asa.
Flashback
Punta ako kila Thea. Hindi pa alam ni peirce na nagkakamabutihan na kami nga ate niya. Ngunit wala naman akong balak itago ito sa kanya.
Papasok na sana ako sa gate nila ng may dumaan na motor. Pamilyar sakin ang babae. Kaya sinundan ko ito. Pinaandar korin ang motor ko. Huminto ito sa isang pamilyar din na bahay. Unang bumaba ang babae at tinanggal ang helmet neto kaya nakilala ko ito.
Athara...
"Mauna kana pumasok sweetheart. May bibilhin lang ako. " sabi ng lalaki at hinalikan sa pisnge si athara. Papasok na sana si athara dahil umalis na ang lalaki ngunit tinawag ko ito.
"Wtf! Kaya pala nawala ka ?! Dahil don?" Galit na sabi ko sa kanya. May karapatan akong magalit dahil kaibigan ko ang niloloko niya.
"Wala kang alam josh.. umalis kana lang." Sabi neto sakin kaya mas lalo akong nais.
"Ikaw ang walang alam kong ano ang pinagdaan ni Peirce! Sana may magandang dahilan bakit ginawa mo yan.. sana lang athara. Dahil saktan mo lang lahat wag lang kaibigan ko." Sabi ko sa kanya at tumalikod na. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may binilin siya sakin na ikinagulat ko.
End of Flashback
Naka upo ako sa bench ng lumapit si Peirce sakin.
"Bro..." tawag neto at umupo sa tabi ko.
"Hmm."
"Sorry... g-gusto ko lang namang maging masaya... p-pagod na akong maging malungkot.. pagod na ang mata ko. P-pagod na isip ko k-kakaisip ng mga d-dahilan niya p-pagod na pu-puso ko ka-kaasa sa k-kanya.... a-apektado b-buong p-pagkatao ko bro. "Umiyak ako na parang bata sa braso ni josh. Kahit anong punas ko sa luha ko ay ayaw tumigil."K-aya...kahit k-kunwari lang k-ahit dito lang sa s-chool kung saan ko siya l-laging naaalala m-maging masaya naman a-ako. K-kahit p-pag-ppapanggap lang. "
"Alam kong nasaksaktan kana bro. Pero wala namang masama pag ipapakita mong nasasaktan ka. Lilipas din yan bro. Andito pa naman kami. What are friends for? Haha basket lang katapat niyan. Makakalimutan mo din yan." Sabi ko sa kanya kaya ngumiti naman ito kahit pilit lang.
"Nababakla na ako dito eh hahaha tara na. Si troy oh..mukang naiinip na. Pinilit niya akong kausapin ka eh" sabi niya sabay turo kay troy na kumakamot ng ulo dahil halatang naiinip na kakahintay.
"Haha siraulo. Tara na." Sabi ko at pinuntahan na namin si troy.
"Oh? Tapos na ? Kung mag emote kayong dalawa don parang mag jowa lang kayo. Pa iyak iyak pa sa braso. HAHAHA " pang aasar pa ni troy kay peirce.
"Bakit selos ka? Hahaha " ganti naman ni peirce na kunwaring yumakap sakin na parang bading.
"Pakyuu. Daya niyo. Group hug!" Sabi naman ni troy kaya ng group hug kaming tatlo.
Peirce Pov
Pagkatapos naming mag praktis ay umuwi na ako agad. Ngunit kabababa ko palang sa motor ko ay may humarurot namang motor papasok sa bahay. Si josh at si ate. Mukang sinundo siya neto. Okay na kami ni josh at ayos na sakin kung anong meron sa kanila ni ate.
"Uy bro... gastos sa gasolina yan. Haha" sabi ko sa kanya kaya tumawa lang ito at sumimangot si ate.
"Eh kung sinusundo mo ako edi sana hindi na naabala si josh.Psh." sabat pa ni ate .
"Tss. Ano ako driver ? Pakainin muna yang driver mo pagod kami kaka praktis pinasundo mo pa. " pangungunsensya ko sa kanya at pumasok na ako sa loob. Narinig ko pang pinipilit ni ate si josh na kumain.
Sabay na kumain samin si josh. Hindi na ako nagtagal kumain dahil nadidiri ako sa kanilang dalawa. Nagsusubuan pa. Kaya umakyat na lang ako at natulog.
Maaga akong nagising at pumasok. Dumating naman kaagad si Troy. Tumambay muna kami sa bench at nagkwento siya tungkol sa kanila ni sam. Sinagot na daw siya ni Sam kahapon kaya ngayon ay parang bading na kinikilig sa harap ko.
"Kadiri! Parehong pareho kayo ni josh. Tsk! Tara na nga." Yaya ko sa kanya dahil naririndi na ako sa paulit ulit na kwento niya.
"Chee! Naiinggit ka lang!" Pagmamaktol pa neto at inunahan pa ako.
Naka yuko ako habang naglalakad dahil medyo inaantok pa ako. Nasa unahan ko lang si Troy nang bigla siyang tumigil kaya nabunggo ako sa kanya .
"Ano ba bro?!" Sigaw ko sa kanya ngunit hindi parin ito kumibo kaya na una na ako sa kanya ngunit napatigil rin ako sa nakita ko.
Athara...
Nakatayo sa harapan ko si athara. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Nakatingin siya sakin. Dama ko sa mata niya ang pagkasabik rin sakin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Tumulo ang luha ko habang yakap yakap ko siya.
"A-athara... b-bakit?" Wika ko habang yakap ko siya.
"Sweetheart! Sino siya?" Sigaw ng lalaking papalapit samin kaya agad akong tinulak ni athara.
"H-hindi ko kilala.. bigla na lang akong niyakap. Tara na." Pagtatangi sakin ni athara. Hinila niya naman paalis ang lalaking kasama niya na masama ang tingin sakin.
Parang sasabog ang puso ko dahil sa narinig ko. Tama si josh. Wala ng patutunguhan to. Pano ko pa ipaglalaban kong may iba ng minamahal.
YOU ARE READING
Love at first Punch.
FanfictionAng storyang ito tungkol sa simpleng pagpamamahal na nagumpisa sa isang suntok. Suntok na malakas ang apekto sa buo mong pagkatao.