"Salamat po, Tito Miguel, " aniya sa daddy ni Erika saka bineso ito ng maihatid siya ng mga ito sa bahay nila.
"'Wag ka ng gumala, Sabrina," bilin pa ni Tito Miguel sa kanya.
"Opo," magalang na tugon niya saka bumaba na ng sasakyan.
"Call me!" sigaw ni Erika ng umandar na ang sasakyan ng mga ito. Tumango naman siya at kinawayan ang mga ito.
Pumasok na siya sa gate nila. Napansin niya ang kotse ng daddy niya sa garahe. Pagpasok niya pinto dinig na agad niya ang mga boses na nagkakasiyahan galing sa may kusina. Lumakad siya papunta roon. Nakita niya ang isang babaeng sa tingin niya ay kaidad ng mommy niya. Makapal ang make-up nito at straight na straight ang buhok na may highlights pa. Naka-velvet short ito at manipis na spaghetti strap sando. Na sa kabisera ang daddy niya at ang babae ay na sa kanan ng daddy niya, ang dating pwesto ng mommy niya. Sa kaliwa naman ng daddy niya at isang payat na dalagita. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang idad nila. Maputla ito. Mahaba at straight na buhok. Tahimik itong kumakain.
"Dad?" pukaw niya sa daddy niya. Lumingon naman ito sa kanya pati ang mga bisita nito.
"O, Sabrina nandyan ka na pala," anito na nakangiti pa. halatang maganda ang mood.
"Sino sila?" seryosong tanong niya na napahigpit pa ang hawak sa backpack niya.
Nagkatinginan naman ang daddy niya at ang babae. Pagkatapos ay tumikhim ang daddy niya. "She's your Tita Clarice, Sab."
"Tita? I didn't know na may kapatid ka pa lang babae, Dad?" sarkastikong tanong niya saka pinasadahan ng tingin ang babaeng pinakilala ng daddy niya. Nakatingin din ito sa kanya, pero blangko ang ekspresyon nito.
"She's my-"
"Your new mommy, Sab," putol ng babae sa sasabihin ng daddy niya.
Naikuyom niya ang kamay. "Bagong mommy?" nakataas ang kilay na aniya sa daddy niya. "At yan, " nguso niya sa dalagitang tahimik na nakikinig sa pag-uusap nila. "Bagong kapatid? Wow..." aniya.
"We will talk about this later, why don't you join us, come here," aya ng daddy niya sa kanya. Nginisihan niya ito. Saka walang sali-salita na tinalikuran ang mga ito. Tinawag pa siya ng daddy niya pero hindi niya ito nilingon.
Na sa bahay naman pala ang daddy niya, bakit Hindi man lang nito sinasagot ang tawag ng baranggay official kanina? Nakaramdam siya ng inis. Paano na lang kung naaksidente siya kanina at kailangan ng magulang o guardian?
Paano kang maaalala e mukhang may bago na siyang pamilya!
Bakit ba may ganitong mga magulang? Bakit pa siya ginawa ng mga ito kung pababayaan lang naman siya? Bakit kailangang anak ang mag-suffer sa mga ginagawa ng magulang? Ang unfair naman!
Dumiretso siya sa kwarto niya at pasalampak na nahiga sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame at hindi siya kumikilos. Naalala niya ang nadatnan. Kahit kailan hindi pa niya nakitang ganoon kasaya ang mommy at daddy niya pag nagkukuwentuhan sa hapag. Ni hindi nga sila nagkukwentuhan.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Pakiramdam niya outsider siya sa bahay na kinalakihan niya. Pakiramdam niya hindi siya belong sa lugar na ito.
Kung sana nandito si kuya...
pero wala ang kapatid niya. Kasama ito ng mommy nila. Bakit ba kasi hindi na lang siya isinama ng mommy niya? Bakit kailangan niyang maiwan dito at harapin ang bagong pamilya ng daddy niya? Kaninong pamilya siya kabilang?
Huminga siya ng malalim para paalisin ang mga tanong sa isip niya. Hindi naman matatapos ang mga tanong niya dahil miski siya walang sagot para do'n. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa saka dinial ang number ni Gabin. Ilang ring lang ay sumagot na ito agad.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomansaLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...