CHAPTER V

10 1 0
                                    


Kinabukasan ay mag aalas nuwebe na ako nagising. Pag baba ko ay naabutan ko si ate na naghahanda ng almusal.

"Goodmorning Wendy"

"Goodmorning ate. Kakauwi mo lang?" umupo na ako sa hapag at kumuha ng kanin at hotdog.

"Nope, kanina pa ako nakauwi. Around 4 a.m. kakagising ko lang kani-kanina" umupo na rin si ate at sinabayan akong kumain.

Aalis nga pala kami ni Ezekiel mamaya...

"Te Chin, aalis ako mamayang 1 p.m sasamahan ko kase si Ezekiel bumili ng helmet" kinain ko ang hotdog at nagsaling tubig para sa aming dalawa.

"Who's Ezekiel?" tinignan ako ni ate gamit ang mapanuri niyang mata.

"My classmate. Actually, siya yung transferee ate although I met him before nung nag jog ako. Sumemplang kase siya sa bike non kaya tinulungan ko."

"Oh, do you need to buy anything ba?" tanong sakin ni ate.

Umiling ako dahil di naman ako bibili.








Hmmm... Ano kayang magandang iregalo sa kambal?





Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Jenica para magtanong kung anong ireregalo niya sa kambal.

To: Jenica

I heard that malapit na ang birthday nina Ezekiel. Ezekiel told me, bibilhan daw niya kase ng helmet si Ethan. What do you have in mind  for a gift?

Pagkasend ko ng text message ay pumunta na ako sa sala para manood sa t.v. Mamaya pa naman ang lakad namin ni Ezekiel kaya may oras pa ako. Tumunog ang cellphone ko at nakita na nagreply na si Jenica.

From: Jenica

Oh really? When? Di ko alam ghorl :( gusto mo maghanap later?

Hmmmm di naman pwede ngayon dahil nay lakad kami ni Ezekiel.

To:Jenica

I dunno when pero sinabi sakin ni Ezekiel na malapit na daw. I'm not available later, sasamahan ko si Ezekiel bumili ng helmet e. Although I can ask him when is their birthday :) Maybe tomorrow na tayo magkita? Hanap tayo sa downtown.

I hit the send button at pinagpatuloy ko ang aking panunuod.

Pagdating ng alas onse ay nagsimula na ako maligo at mag ayos. Nagsuot ako ng highwaist shorts at white t shirt na naka tuck in sa shorts. Nakalugay ang buhok ko na hanggang balikat ang haba at naglagay na konting lip tint at polbo para presentable naman ako tignan. Bumaba na ako ng kwarto at nagsuot ng puting sapatos.

Dadalhin ko ba ang motor ko? O baka magcocommute lang kami?

Kinuha ko ang cellphone ko para makapagtanong kay Ezekiel.

To: Peter Ezekiel

Hey, commute ba tayo or gusto mong dalhin ko yung motor?

Umupo ako sa sofa and waited for a reply nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Ezekiel. Pinindot ko ang answer button para sagutin ang tawag.

"Hey Wendy! Wag mo nang dalhin yung motor, ako yung nag aya e. Uhmm dadalhin ko yung kotse, sunduin na lang kita dun sa kitaan natin"

"Of course, mag ala una na. Punta na ako. Hintayin kita. Ingat ka"

"You too, see yah" binaba ko na ang tawag at tinignan ko kung nakalock na ba ang mga bintana. Kinuha ko ang wallet, cellphone, panyo at susi ko para ilagay sa mini backpack ko. Lumabas na ako ng bahay at tumungo sa kanto ng street namin kung saan sumemplang si Ezekiel.


Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon