CHAPTER VI

13 1 0
                                    

Tahimik naming naubos ang ice cream

















Yung dagundong ng puso ko, hindi pa rin nakalma...












Biglang tumayo si Ezekiel at naglahad ng kamay.

"Tara?" napatingin ako sa kamay niya at dahan-dahan itong hinawakan.

"Ezekiel!! Teka lang!" bigla niya akong hinigit at tumakbo siya ng mabilis.





Tumigil si Ezekiel at biglang humalakhak.








"Siraulo ka! Nakakapagod!" pinunasan ko ang pawis ko.

Napatingin ako sa kanya at nakitang may konting pawis sa noo niya pero kahit na ganoon ay ang guwapo pa rin niya. Kumikinang ang hikaw niya at medyo nagulo ang buhok niya.

"Tara?" baling niya sakin pagkatapos niyang magpunas ng pawis.

"Saan naman?" tanong ko sa kanya. Tinuro niya ang horror tunnel







Ang alam ko ay matagal nang nakatayo ang horror tunnel na yon pero kahit isang beses ay hindi ako nakapasok. Wala rin naman ako makasama dahil takot si Jenica sa mga ganto.


Tumungo ako bilang pagsang ayon kaya sabay kaming pumunta sa may gate para magbayad ng entrance fee.


Kukunin ko na sana amg aking wallet ng mabilis na nagbayad si Ezekiel.

"Ezekiel, dapat ako na nagbayad sa sarili ko. Nalibre mo na nga ako ng ice cream e." sabi ko sakanya habang inaabot ang bente pesos sa kanya.

" Ano ka ba! Sabi mo libre ko diba atsaka ako naman ang nag aya" tingin niya sakin.

Sinamahan kami ng isang tagabantay papunta sa entrance ng tunnel.

" Hala nagbibiro lang naman ako sa libre. Sa susunod ako naman ha!"

" Sige ba. Tara na?" kinuha ni Ezekiel ang kamay ko para makapasok sa tunnel.















Eto na naman siya......














Binawi ko ang kamay ko at hinawakan na lang ang laylayan ng damit niya. Masiyado nang nakakabulabog ng puso ang ginagawa niya. Sabay kaming pumasok sa horror tunnel.














Maraming nangulat at imbis na matakot ay halos maubusan kami ng hangin sa kakatawa pag labas. Masyadong nakakatuwa ang mga itsura namin pagnagugulat.

"Badtrip talaga yung nanghawak ng paa, nakakagulat" natatawang sabi ni Ezekiel.

"Oo nga, nalukot pa tuloy damit mo. Mukha kang kinuyog" napuna ko kase nalukot ang laylayan ng damit niya sa srobang higpit ng kapit ko sa kanya.

"Baka mamaya, habulin ako ng plantsa nito" at sabay kaming natawa. Baliw na siguro kami ang babaw ng kaligayahan namin.

Nag aagawa na ang araw at dilim nang nagpasiya kaming umuwi. Sumakay na kami sa kotse niya at pinandar niya ito.
















Di ko pa pala na natatanong kelan ang birthday nila......








Tumikhim ako at bumaling sa kanya.

"Nga pala, kelan ba ang birthday niyo?" ngumiti siya at sumagot.

"Sa Wednesday, labas tayong apat. Kain tayo after class. Libre sana kayo." tumungo ako sa kanya bilang pag sang ayon.

Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon