Paris
"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Venny matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Basta-basta na lang kasing pumunta rito. Hindi man lang nag text o ano.
She didn't answer. She just barged in like she owned the place. My place.
"Don't you remember?" giit niya nang makaupo sa couch. Ipinagkrus niya pa talaga ang magkabilang binti. "Ibibigay mo sa'kin 'yung Chanel lippies, 'di ba?"
Halos mapairap ako sa narinig. 'Yun lang pala!
Hindi na lang ako umimik. Diretso akong nagtungo sa kwarto para kunin 'yung lipstick. Wala ako sa mood na magreklamo at sagutin pa si Venny! I was still too preoccupied about the... freaking...
Agh!
Naramdaman ko uli ang pag-init ng dalawang pisngi nang maisip ko nanaman ang nangyari sa condo ni Ezzio kahapon. Napapatulala na lang ako sa tuwing naiisip 'yon! Nakakainis!
"Naglagay ka ng blush on?" Venny asked when I handed the thing to her. Mas lalo lang akong pinamulahan. I groaned as I sat on the space beside her, all the while covering my face with the throw pillow. Mariin kong ipinikit ang mga mata.
"Hoy. Did something happen?"
I contemplated. Should I really...?
Bumuntong hininga ako. I suddenly remembered her question back then. 'Yung tinanong niya ako tungkol sa kung naghalikan ba kami ni Ezzio sa gazebo nila noon. My cheeks flushed more.
"Venny," my voice was muffled against the pillow. "The rumors were true."
Usap-usapan na talaga sa LMU dati ang 'skills' ni Ezzio pagdating sa... mga bagay na ganoon. Well, 'yon ang ipinagyayabang ng mga babaeng... nakasama niya.
"Rumors about what?" she asked, clueless. Hindi ko siya masagot. Nagbago ang isip ko. I realized I couldn't tell her about it.
Inalis ko ang pagkakatakip ng unan sa mukha at tiningnan siya.
"Wala," sabi ko, umiiling-iling. She just shrugged. Ichineck niya pa ang oras sa wristwatch at nagmamadaling tumayo.
"I need to go. Magsisimula na ang pags-set up ng furnitures doon sa bahay ni Kuya Z," nag-inat pa siya sandali, tila naghahandang sumabak sa laban. "Busy day ahead!"
Naningkit lang ang mga mata ko. Ang lipstick lang talaga ang ipinunta niya rito? Grabe.
I didn't bother to walk Venny to the door. Mag-isa na lang siyang lumabas. Malaki naman na siya. 'Tsaka ewan ko kung bakit halos hindi talaga ako makagawa ng kahit ano ngayong araw! Masyadong blangko ang isipan ko!
I spent the entire day just sulking and watching Netflix. For someone who always wants to get things done, I was too unproductive. At nakakainis dahil sa tuwing may kissing scene sa palabas ay naaalala ko nanaman ang mga nangyari! Ine-exit ko tuloy o iniiskip!
Sa mga sumunod na araw, ipinukol ko lang ang atensyon sa pastry shop. Doon ako nag-focus. I kept myself busy, not letting a single thought of Ezzio cross my mind. Hindi ko na rin talaga pinag-iisipan kung paano ko siya makikita ulit. Dahil wala naman talaga akong planong kitain siya, 'no. Nakakahiya masyado. Parang... 'di ko pa kayang makita siya sa ngayon.
But the universe had a different plan. Naisip niya siguro na kung hindi ako ang lalapit kay Ezzio, si Ezzio na lang ang palalapitin niya sa'kin.
"Oooooo," mahaba at malanding bulong sa akin ni Marky. "'Yung nililigawan mo, nagkusa na atang dumalaw. Ang tagal mo mo raw kasi."
BINABASA MO ANG
Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)
أدب المراهقين[COMPLETED] Paris Belle Villaverde, a known dean's lister in campus, accidentally screams out she likes Ezzio Martinez, the star player of the football team. From then on, things start to run out of control.