ZYLEE'S
"ANO'NG kailangan mo", nakayuko kong sabi habang nakaupo sa harapan nya.
Pagkatapos ko kasing makipag usap kay Karen ay nadatnan ko nalang siyang nakaupo sa isa sa nga lamesa at alam kong hindi ko na kailangang mabahala dahil sa alam kong naipaalam na nya ako na saglit kausapin, ganyan naman sya lagi kung siya'y makikipag usap sa akin.
Kasalukuyan akong nakatingin sa mga kamay nyang magkasalukop na nakapatong sa lamesa habang ipinapaikot ko ang hintuturo ko sa labi ng tasang nasa harapan ko, halatang wala akong ganang galawin iyon at maging ang kanya, mukhang magsisilbing props nalang ang mga ito upang manatili kami doon, at hindi ko naman magawang yumuko habang nag-uusap kami, ayaw ko naman kasing magmukhang tanga sa lagay na iyon.
"Hindi kapa ba nasasanay? hahaha kahit kailan ay hindi ka nagbago", bahagya nyang tawa.
Napatingin naman ako sa kanya. Lagi kasi syang bumibisita saakin kung hindi sya busy syempre, at nakukulitan ako doon. Hindi ako natutuwa na sa ganyang gawi nya ay ipinapakita nyang may gusto sya saakin, ngunit ayaw kong maging assuming at baka mapahiya pa ako. Hindi naman ako kagandahan para pakitaan ng ganito, at hindi ko kayang gawin sa isang tao ang manakit ng damdamin gayong kaya ko naman ibaling sa akin ang sakit. Mas gugostuhin ko pang ako ang masaktan kaysa sa mga taong nakapaligid saakin.
"Alam mo namang nagtratrabaho ako, nagsasayang kalang ng oras kung ganoon din lang naman ang sadya mo", marahan kong sabi, hanggat maari ay ayaw kong maisip nya na ayaw ko sya dito, nagsasalita lang ako ng totoo na kung saakin nya ilalaan ang libreng oras nya ay masasayang lamang iyon gayong abala din naman ako.
"Bumalik na sya", mahina nyang sabi nang akma na akong tatayo at dahil doon ay napatigil ako at dahan dahang bumalik sa pagkaka upo. Hindi ko man batid kung sino ang tinutukoy nya ay nagkaroon ako ng pag-asang ang unang taong pumasok sa isip ko ay ang taong tinutukoy nya.
Taon. Taon akong nag tiis na harapin ang panibagong buhay na kailan man ay hindi ko maisip na sa ganitong kamurang edad ay iyon ang kapalarang nakalaan para sa akin. At batid iyon ng taong kaharap ko ngayon. Siya ang nag silbing kasakasama ko sa mga araw at taong nagdaan at hanggang ngayon ay hindi sya nagsasawang iparamdam saakin na hindi ako nag-iisa. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng panglulumbay, lalo pa at hindi ako sanay sa mga taong hindi ko batid ang kanilang hanggad.
Bumuntong hininga ako dahil sa halo halong emosyon ang lumukob sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas ay mayroon na akong makakasama, ngunit may lungkot at pagkadismaya akong naramdaman, dahil sa nagdaang taong ay wala siyang ginawa para saakin, na sa dami naming pinagdaanan at pinagsaluhang problema ay sa pinakamabigat pa na pagsubok siya nawala. Ngunit gayon paman ay hindi mawala sa akin ang pananabik na makita siyang muli.
Bahagya akong ngumiti sa kanya at hindi napigilang lumapit sa kaniya at hinagkan sya ng magaan, nahihiya man ako sa mga taong nandoon ay hindi ko maiwasang ipakita kung gaano ako nagpapasalamat sa Diyos na binigyan nya ako ng kaibigang katulad niya. "Sana ay tulad mo siya kung ganito umasta, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko kung wala ka sa mga sandaling hindi ko na kaya at para pagaanin ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paanong makakabawi sa iyo", sabi ko namg dahandahang kumalas sa kaniya at tumingin sa nagugulat niyang mata. Natawa naman ako bigla at tuluyan ng tinanggal ang kamay ko sa kanya. Tumingin sya sa kin ng may pagkamangha at saka dahan dahang ngumiti.
"Ngumiti kalang ng totoo ay ayos nang bawi iyon, hindi ko kasi kayang patuloy kang nakikita ng ganyan. Sa araw-araw na pagbisita ko rito ay hindi man lang nagbago ang malungkot mong mata. Alam mo namang nandirito lng ako para sayo at isa pa ay... alam mo naman na ang iba ko pang dahilan bukod doon", biglang yukong sambit nya.
BINABASA MO ANG
I'm in the... I don't know
Narrativa generaleWarning: This story is just a full work of my imagination.