Chapter 38: Mother
"Ang liberated talaga ng mga Amerikano." puna ni Angie habang kumakain kami ng agahan.
I threw her daggers from my eyes. Tulog pa si Leyox at maagang nagpunta ng review center si Mason kaya kaming lima lang ang narito sa hapag.
"Ano ba'ng pinanood ninyo?" wala sa sarili na tanong ni Ruben.
Bahagyang tinutop ko ang aking labi at ginugol ang sarili sa pagkain. Biglang sinalinan pa iyon ni Cassius ng tatlong piraso ng bacon.
"Naku! Marami, e. Gusto ko na nga magkajowa." hagikhik niyang sinabi.
Pinandilatan ko siya ngunit hindi niya iyon pinansin kundi ngumisi lamang.
"Kaya iyang si Stella, Cassius. Marami na ang natutunan niyan." nakangisi niyang tugon.
"Angie..." banta ko.
"Huh? Ano ba talaga ang pinanood ninyo?" usisa pa ni Tala.
"Wala." agap ko.
Unti unting umiinit ang aking pisngi at hindi mapigilang kagatin ang pang ibabang labi. Naramdaman ko bigla ang kamay ni Cassius sa aking hita at napaigtad ako ng konti.
Tinaasan niya ako ng kilay bago pa tumaas ang pagdantay sa kanyang kaliwang kamay sa aking hita.
"Anong pinanood ninyo?" pabulong niyang tanong.
I shook my head. Talagang hindi ko masasabi sa kanya kung anu–ano ang aming pinanood kagabi! Nakakahiya iyon! Angie talaga, oh!
"Hmm?" patuya niya pa.
"Friends," tugon ko habang kumakain.
Iniiwasan ang nakangisi na tingin ni Angie.
"Friends?"
Tumango ako. "Friends lang 'yong title."
"Ala una na kami nakatulog." natatawang singgit ni Angie.
"Nag movie marathon kayo pero hindi ninyo ako ginising!"
"Tulog mantika ka. Hindi ka naman nagising sa mga ungol!"
Namilog ang aking mata at bahagyang kumurap.
"Anong pinanood ninyo, Angie?" mababang tanong ni Cassius.
Kinakabahan ako roon at halos pinagpawisan.
"Ah, yung movie series nila—"
"Fifty!"
Pagak akong humalakhak.
"Fifty yung pangalawa namin pinanood. Diba, Angie?" mataman kong tiningnan siya.
She smirked and slowly nodded.
"Anong klaseng title 'yan?" kunot noong tanong pa ni Ruben.
Ngumiti ako. "Ewan, basta 'yon yung title."
Lumunok ako ng kalahating baso ng tubig bago tumayo.
"Maghahanda na ako." kalmado kong sabi at iniwan sila agad.
Umiinit pa rin ang aking pisngi! Agad naman akong umakyat ng hagdanan patungo sa kwarto. I was about to open my wardrobe when the door kung saan ako pumasok ay bumukas. Sa matinik na yapak pa lamang, alam ko na kung sino iyon.
Warm arms snaked around me and he rested his head on my shoulder blades. His manly smell is very pleasing to the nose. Bahagyang tinagilid ko ang aking ulo bago tuluyang binuksan ang closet. Nagpatianod siya sa aking lakad hanggang tumigil ako sa tapat ng mga nakahanger na damit.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...