"Kayong lima, follow me."
Napalunok ako at naglakad na nga kasabay ng apat kong kasama. Fortunately, na-ipaliwanag na ng iba yung nangyari sa cafeteria. So, I'm with the three gorgons, and yung lalaking sumigaw ng food fight kanina. Jusko, halos nangatog na yung tuhod ko sa kaba kasi akala ko ako lang yung mapaparusahan eh.
Lumingon ako kay Belle at tumango sakanya bago kami makalabas ng entrance. Dumako na yung tingin ko sa intimidating na teacher na naglalakad sa harap namin. Likod niya palang nakakatakot na.
"Psst. Miss, bago ka?"
Napahawak ako sa dibdib ng may biglang bumulong sa tabi ko. Napalingon ako dun sa lalaking sumigaw kanina. He had brown hair and a chiseled face. Nakangisi pa siya at may gold coin na pinapaikot sa daliri niya. Siya yung kuyang malaswa!
"Opo eh. Alam niyo po ba kung saan tayo dadalhin?" Kabadong tanong ko.
"First day mo, detention chamber agad. Ice ba?" Natatawang saad niya.
Nanlaki yung mata ko. Magkakarecord na ako agad eh kasisismula ko palang dito? Aba! Iba rin.
"Dun po agad dederetso? Wala man lang po bang time to explain? Punishment kaagad?"
His brow arched. "Diba binawian mo kanina yung tatlo? Ano pa bang ieexplain dun? Nako, nagmamalinis. Bad yun, ya' know?"
"Pero may dahilan naman kung bak-" Nanlaki yung mata ko ng bigla niyang hinawakan yung nguso ko. Wow ha, close tayo kuya? Masakit yun eh.
"Wala silang pakialam kung sino yung nagsimula. Lahat damay. Para raw hindi na magtangka ulit magsimula ng gulo blah blah. All that boring stuff." Naiiling na sabi niya.
Tinanggal ko na yung pagkakahawak niya sa nguso ko at bumusangot nalang. No escape na talaga tong punishment. Hayst.
"Ganda nito ah. Sino nagbigay? Jowa mo?"
Nanlaki yung mata ko ng biglang iniwagayway niya sa harap ko yung kwintas ko. My brows furrowed. Paano nangyari yun? Magician lang ang peg?
Hinablot ko yung swan necklace at gulat na tumingin sakanya. Intentionally ignoring the jowa question hehe. "Goblin ka rin po ba?" Ani ko. Diba mahilig sila sa makikinang?
"Pfft. Mukha ba akong Goblin? Sa pogi kong to?" Naiiling na sabi niya. Taray, hangin ni kuya. "I just have a knack for taking stuff. Expertise ko yon."
Tumango nalang ako. Thief si kuya. Noted!
Pero back to our earlier argument, if you think about it, hindi naman to mangyayari kung hindi siya sumigaw ng food fight diba?
Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Kasalanan mo rin naman. Kung hindi ka sumigaw kanina edi hindi sana umabot sa ganito. Hmp."
Napansin kong sumama yung tingin saakin nung gorgons pagkasabi ko nun. Isa rin tong mga to eh. Ghad!
"Oh, sino ba ulit yung huling nag tapon ng pagkain?" Nakangising tanong niya.
Sasagot palang sana ako ng maramdaman ko yung presensya nung tatlong gorgons sa likod ko.
"It's your fault human! Don't act like you didn't do anything wrong." Nagtitimping bulong nung leader nila.
BINABASA MO ANG
Ordaining Chaos: The Catalyst
Paranormal"Everything that exists functions in our world and takes part in a large matrix. Just like machines which have gears that interconnect with each other, our actions have an effect on what happens to those around us. Linking us, binding fates together...