Nakadapa ang lalaki, tapos nakaharap pa sa kabila ang mukha kaya hindi ko makita kong anu ang hitsura niya. May kutob ako na kilala ko siya kaya doble-doble ang takot na nararamdaman.
Buhay o patay? Nalunod ba siya? Diyos ko!!
Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Ni minsan ay hindi ko pa naranasan ito. Nakasuot ng black shorts and white sleeveless ang lalaki. Medyo basa ang damit nito at napupuno ng buhangin ang damit at ibat ibang parte ng katawan niya.
Nagpalinga-linga ako, medyo nasa malayong parte na kami ng nasabing rest house. Isa pa, private dito kaya walang tao na agad na makakita sa katawan.
Anung gagawin ko?!
"AHH!!" Tumili ako sa gulat.
Bigla kasi gumalaw ang lalaki! Dahil sa panic ay tinabunan ko ng mga palad ang mukha. Gusto kong tumakbo pero hindi makagalaw ang aking mga paa! Mommy!!
"Hm, shit!"
Umungol ang lalaki at nagmura?! Buhay! Agad ko siyang tiningnan. Lumapit agad ako sa harapan niya, lumuhod para usisahin kung anu ang kalagayan ng lalaking ito pero mabilis akong tumayo ng makita ko ng tuluyan ang mukha niya.
"Bakit ka nandito?!" Wala sa sarili kong pasigaw na tanong.
"What the hell! Ang ingay mo!" tiningnan niya ako pero mabilis lang dahil bumangon siya't umupo, sapo ang kanyang ulo. Hindi man lang nagulat na nandito ako.
Seriously, bakit nandito sa batuhan si Antoniuz? Bakit parang matagal na siya dito? Dito siya natulog? Pero ang bahay nila nasa proper pa ah! Anung ginagawa niya dito sa lugar namin?
Gusto ko siyang usisahin kung ayos lang siya, "Okey ka lang-"
Pero asar nga pala ako sa kanya, naalala ko ang kayabangan niya kahapon! Na kunyari tinulungan ako sa cafeteria pero antipatiko parin! Pati na rin yung pagsipa niya dati ng soccer ball sa direksyon ko!
Tumayo bigla si Antoniuz at hinubad niya ang kanyang pang-itaas na damit at pinagpag ang katawan pati ang buhok niya. Yumuko siya sandali at may kinuha, cellphone. May bote din ng beer!
"Naglasing ka dito kagabi." I concluded. Meron akong kakaibang napapansin sa kanya ngayon. Hindi tumitingin ng deretso si Antoniuz sa akin parang umiiwas. At parang malungkot ang mga mata niya...
"Anung ginagawa mo dito?" Tanong niya. Nakaharap na siya sa akin ngayon at bumalik na naman ang suplado look niya. Di man lang nahihiya na naka topless!
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Actually, I'm wondering, noon pa ako nagtataka kay Antoniuz, may kung anu sa tuwing tinitingnan niya ako at hindi ko ito maunawaan. Parang may lungkot, na may inis, o sama ng loob? Ewan ko ba.
Kaya simula noon ay hindi na ako komportable sa kanya. Yung parang nabibigatan ako sa dating niya... He's just 3 years older than me pero kasi hindi siya pareho sa ibang lalaki na kaedad niya.
"Wala akong balak makipag titigan sayo, bata. Anung ginagawa mo dito?"
Ayan na naman! Tinatawag na naman niya akong bata!
"Ang yabang mo talaga! Hindi na ako bata nu... " Naiinis kong sagot. Medyo nai-intimidate ako sa kanya, but hindi ako magpapahalata!
"Tss." Pumikit siya at sinapo ulit ang ulo niya. "Bakit ba kasi nandito ka?"
"Bakit bawal ba? Sayo ba tong beach? Ako nga ang dapat magtanong sayo kung bakit ka nandito sa lugar namin! Taga proper ka naman!"
"Tsk! Maangas kana?"
Hindi naman talaga ako pala away, kahit kami ni Reena ay minsan lng sa pinaka minsan nag away na dalawa. Pero bakit si Antoniuz, ang hilig niyang bwesitin ako at pukawin ang natutulog kong dugong Villareal?
