Kabanata 3

1.1K 32 37
                                    

Kabanata 3

Bleachers


Parang sasabog ang dibdib ko! Pumasok na ako sa cafeteria kasama si Jaja. Nang lingunin ko ang pwesto nila ay wala pang tao doon.


"Namumutla ka diyan?"


Napahawak naman ako sa labi ko.


"H-huh?" Nagsalubong ang kilay ko.


"Ay wait," binuksan niya ang bag niya at may kinalikot. "Oh eto, baka kulang ka lang sa lip tint."


Inabot niya sa akin ang lip tint niya at naglagay sa labi ko. Konti lang naman. Ako ang nag-order ngayon para sa aming dalawa. Pumila ako at nag-order ng dalawang ulam na Adobo at kanin. Habang buhat ko ang tray papunta sa table namin ay agad kong nasilayan ang mga Vonriego na papasok dito sa cafeteria. Nangunguna si Madison na siyang captain ball ng girls Basketball. Kasunod naman niya ang iba pa niyang pinsan. At si Tak na nakaakbay lang kay Elijah.


"Ashley!" Bumalik ako sa tino nang marinig ko ang pagtawag ni Jaja. Inilapag ko na ang pagkain namin sa table at umupo na. Nagsimula na akong kumain. Tumingin ulit ako sa direksyon nila at umiwas dahil lumingon ang iilan sa mga pinsan niya. Or baka OA lang ako?


"Sama ka ba sa Harlie's mamaya, Ash?" Tanong ni Janine habang papatayo kami. Umiling ako.


"Hindi, may kailangan akong gawin." Sabay na kaming lumabas sa cafeteria at pumunta sa locker area para kunin ang books na kailangan para sa next class.


Nang matapos ang lahat ng klase namin ay umuna na si Janine dahil may dadaanan pa daw siya. Ako naman ay nandito sa waiting shed dito sa labas ng school at naghihintay nang jeep na masasakyan. Marami akong kasabayan ngayon kaya mukhang mahuhuli ako. Hindi kasi ako nakikipagsingitan. One time nakipag-agawan pa ako, naulan no'n at kailangan ko nang umuwi. Naitulak ako nang isang babae at napahiga ako sa kalsada. Nabasa ako at umuwing mukhang basahan.


Huminto ang isang jeep na walang sakay kaya naman agad na nagsi-unahan ang mga estudyanteng kasabayan ko dito. May space pa kaya naglakad na ako papalapit nang may bumusina sa gilid ko. Napatabi naman ako sa daan at umalis na ang jeep!


Naiinis kong nilingon ang kotse at nilapitan nang mapagtanto ko kung kaninong kotse 'to. Damn. Bumalik ako sa waiting shed pero hindi parin umaalis ang kotse. Maya-maya pa ay bumaba ang bintana.


"Sakay ka na!" Silip niya sa bintana.


Umiling ako at imuwestra ang kamay ko na ayoko.


"Diretso sa apartment mo, I promise! Tsaka mamaya pa ang jeep!" Sabi niya kaya naman napaisip ako. Labasan na nang ibang schools ngayon kaya malamang ay punuan din ang mga jeep.


Lumapit na ako sa kotse niya at sumakay na. Agad ko namang naamoy ang mabangong pabango niya. Malinis at maganda ang loob. Nag-seat belt ako kaagad habang siya naman ay nagsimula nang mag-drive.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon