Habang naglalakad ako palabas ng University, sumabay sa 'kin ang isang estudyante:
"Sir, naniniwala ka ba sa LDR?"
"LDR?"
"Long Distance Relationship"
"Ah, posible naman yun."
"Eh di posible rin yung ONLINE LOVE? Yung tipong nameet mo lang sa Facebook, Twitter, wag mo ng isama ang Friendster kasi obsolete na yun."
"hahaha Wag mong sabihing nainlove ka sa isa sa mga friend mo sa Facebook?"
"Yung nga sir eh. Normal lang po ba yun?"
"Normal lang yun, kaya nga sa mga relationship kailangan mayroong effective and efficient communication di ba?"
"Nagseselos ako sa tuwing may nakikita akong ibang nakakausap nya sa Facebook."
"Stalker ka ba? hahaha"
"Sir naman eh."
"Biro lang. Wag mong pagselosan ang mga bagay na yun. Baka dumating ang point na kayo na ang nasa isang relasyon ay pagbawalan mo sya sa paggamit ng Facebook. Kung mahalaga ang COMMUNICATION, this time, TRUST din."
"Ewan ko ba ba't ako tinamaan sa kanya ng husto."
"PBB TEENS? Nung time namin, CHUBACHUCHU ang tawag dun hahaha"
"hahahaha PBB TEENS agad sir? Sir, paano po ba malalaman kung sya na nga talaga ang para sa kin. Paano malalaman kung sya na ang perfect girl na hinahanap ko."
"Stop looking for a perfect woman. Baka madisappoint ka lang. Ang taong tunay na nagmamahal, walang nilalagay na pamantayan."
"Ideal girl lang ba, Sir."
"Stop finding your ideal girl. Focus on becoming the right man."
