Chapter 5Amber
Totoo ba ang nakita ko?! Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko para masigurado ang nangyayari. Pumasok si Vinsant sa parang isang barrier na hindi nakikita. Pagkatapos no'n ay nawala lang siya bigla.
Lumapit ako sa pwesto ni Vinsant kanina. Wala namang kahit anong kakaiba sa nakikita ko ngayon. Sinubukan kong hawakan yung barrier. Hindi ako masyadong sigurado kung tama ba 'tong ginagawa ko. Wala akong naramdaman.
Tinapat ko ulit ang palad ko at parang naramdaman ko na may medyo matigas, makinis at flat na bagay akong nahawakan.
Pinasok ko ang kamay ko roon at naramdamang parang hinihigop ang buong katawan ko.
*
Iminulat ko ang mga pretty kong eyes. Puro puti lang ang nakikita ko. Wait, nasa langit na ba ako?
Bigla akong napaupo dahil sa ideyang iyon. Napagtanto ko naman na nasa isang kwarto lang pala ako. Pero hindi 'to akin. Napakaganda at napakalaki ng kwarto. Super lambot rin ng kama at sobrang laki.
Kulay puti at crema ang kulay ng kwarto na ito. May malaking lamesa na kulay brown ang nasa harap ko. Mayroon itong picture frame na may picture ng isang babae, ako yun. Bakit mayroon silang picture ko?
Teka, nasaan nga ba ako?
Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang magandang babae na ang hula ko ay nasa edad 40's. Nakasuot siya ng medyo silky na black dress.
Medyo may puti na siyang buhok. Agad ko namang napansin ang kulay violet niyang mga mata. Napakaganda nito. Medyo seryoso rin ang mukha niya.
"Gising ka na pala," malamig na sabi niya. Lalabas na sana siya kaso nagsalita ako.
"U-uhm Ma'am, nasaan po ako?" tanong ko.
Hinarap niya ako, "Sila na ang magsasabi sa iyo. I have things to do."
Sagot niya at tuluyan na siyang lumabas.Pabagsak naman akong nahiga sa kama. Nasaan ba talaga kasi ako? At sino yung tinutukoy ng babae na yun na magsasabi sa akin ng mga sagot sa tanong ko?
"U-uh.."
Napalingon naman ako sa kanan ko. Sino yun? May ibang tao pa ba rito?
Biglang may bumangon mula sa sahig kaya nagulat ako. S-si Vinsant yun, ah. Dito pala siya, hindi ko nga siya nakita.
Tinitigan ko siya habang nag-uunat siya ng katawan. Tumingin siya pabalik sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Enebe kese kenekeleg eke. Naalala ko nalang tuloy yung nangyari kanina sa volleyball.
"K-kanina ka pa rito?" tanong ko. Tinanguan lang niya ako. Pipi ba 'tong weirdo na 'to? "Uy, magsalita ka naman."
"Ano?"
"W-wala," mahina kong saad.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae at isang lalaki. Nginitian nila ako nang matamis kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Siya na ba si Miss Amber? Napakaganda naman pala talaga niya, pero mas maganda ako," rinig kong bulong ng lalaki sa kasama niya. Sinuway siya ng babae kaya tumahimik siya.
"H-hi po, Miss Amber." Bati ng babae. "Kami po ang personal maids niyo. Ako po si Marcella at siya naman po ay si Billy."
Ngumiti ako, "Hello, pwede ba akong magtanong?"
"Nagtanong ka na po, Miss Amber." aniya ng lalaki. Tinignan naman siya nang masama ni Marcella. "Pasensya na po, Miss Amber. Ganyan po talaga si Baklang Billy- ay sorry po."
YOU ARE READING
AMBER
Fantasy[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...