Isang linggo na ang nakalipas nung nakalabas ako ng ospital, pero sa buong isang linggo na yon ay hindi nila ako nakitang umiyak. Totoo pala talaga na kapag sobrang nasaktan kana ay namamanhid kana, kase wala na akong maramdaman ngayon. Said na said na ako, sobra nang sakit ang naranasan ko. Kahit kailan ay hindi ko kinwestsyon ang Diyos sa mga problemang binigay nya sakin, ngayon lang. Ano bang kasalanang ginawa ko para maranasan ang lahat nang sakit na ito? Totoo pala yung hindi ka dapat masaya kasi lahat ng kasiyahan mo ay may kapalit na lungkot.
Sinabi ko rin kay Dylan na narinig ko lahat ng sinabi nya sa ospital. Sobrang ingat sa akin ni Dylan, araw araw gabi gabi siyang humihingi ng tawad sa akin. Hindi ko magawang magalit sa kanya, mas galit ako sa sarili ko ngayon na parang hindi mo kayang patawarin ang sarili ko sa mga nangyari. Anak namin, nawala dahil sa kapabayaan ko.
Magaling akong magpanggap na okay ako sa harap ng kaibigan ko at sa harap ng anak ko, pinapakitanko sa kanilang okay na ako pero deep inside sobra yung galit ko sa sarili ko.
"Love, you want to eat? Nagluto ako ng sabaw." Sabi sa akin ni Dylan, nag uusap naman kami pero kapag nakikita ko kung gaano sya kalungkot at gaano niya sinisisi ang sarili nya ay hindi ko kinakaya.
"Maya maya, lalaruin ko lang si Isabelle." Sabi ko sa kanya at tinuon ang oansin ko kay Isabelle.
Alam mo yung pakiramdam na wala ka ng pakialam sa mundo? Na kung hindi lang sa anak ko ay talagang wala na akong purpose sa buhay? Bigla akong naging ganon. Bigla kong naramdaman na sobrang ubos ko na. Hindi ko alam pero totoo pala yon, na kapag naramdaman mong ubos na ubos kana ay mawawalan kana rin ng ourpose sa buhay.
"Mom you're spacing out again." Binaling ko ulit ang tingin sa anak ko. Tinuruan ko syang magsulat.
"Oh sorry anak, what did I missed?" Tanong ko sa kanya.
"I'm asking if This is right?" Tinuro nya yung pagkakasulat ng oangalan nya. Sobrang talino at ang bilis talaga matuto ng anak ko.
"Yes baby, that's correct. You're too good, I'm so proud of you Anak." Kiniss ko sya sa pisngi at tumawa naman sya.
"Daddy look what I wrote." Agad namang lumapit sa amin si Dylan.
"Wow that's nice anak. You want to eat? Let's eat with Mommy na." Pag aaya nya dahil alam kong gusto nya na ako pakainin.
"Mommy let's eat?" Tumango ako at tumayo na, kinarga naman ni Dylan si Isabelle. Nagpunta na kami sa kusina, sinandukan nya ako ng kanin at ulam.
"Damihan mo ang sabaw, masarap yung luto ko." Nakangiti nyang sabi sa akin. Ngumiti naman ako.
"Salamat." Sabi ko at nagsimula ng kumain. Pinakain nya naman si Isabelle.
"How was it Love?" Tanong nya sa akin.
"It's good, masarap sya." Kumain lang ako ng kumain, feeling ko kasi ay nawalan ako ng lakas netong nakaraang araw.
Natapos na kaming kumain, at naupo muna ako sa garden habang tinitignan si Isabelle na maglaro.
Hindi muna ako nag tatrabaho dahil pinapaiwas ako ng Doctora ko sa stress at over fatigue. Bigla naman tumunog ang phone at nakitang si Jess ang tumatawag."Hey there Elle, how are you?" Masayang bungad nya sa akin.
"Hi Jess, okay naman. Eto bantay ko si Isabelle at naglalaro. Nag aayos si Dylan sa loob." Sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa anak ko.
"Bisita kami dyan, okay lang?" Matagal na rin nilang gustongdumalaw pero kasi ay palagi kong sinasabi na tsaka nalang kasi feeling ko ay hindi ko sila makakausap ng maayos, feeling ko ang sama ko minsan para iwasan sila.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...