Chapitre 15

46 4 2
                                    

Chapitre 15

Couple?

Posible ba 'to?

Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas nang makilala ko si Max.

Weekends ko lang siya hindi nakikita at araw-araw sa school, simula no'ng pagtulong niya sa akin sa project ko, doon ko lang siya nakasasalamuha at nakakausap.

Kaya... posible nga bang... gusto ko na siya?

Inalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin noong mga panahon na magkasama kami.

'Yung paghatid niya ng pagkain sa akin araw-araw, 'yung cake, 'yung pagbuhat niya sa akin papunta ng clinic, sa Poleng's, nung hinatid niya ako sa bahay, 'yung agreement namin na pagtulong niya sa akin sa project ko, 'yung pagpapatahan niya sa'kin sa library, lahat inalala ko pero kahit isa roon, hindi ko maalala ko kung saang parte nagsimula ang nararamdaman kong ito.

Pero isa lang ang sigurado kong laging nangyayari sa mga pagkakataong kasama ko siya... laging malakas ang pintig ng puso ko.


Hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin nito.

Si Theo pa lang ang nagiging crush ko pero kapag nakakasama ko siya noon, hindi naman nagiging abnormal ang tibok ng kung ano sa loob ng dibdib ko kagaya ng kapag nakakasama ko si Max. Nacucute-an lang ako sa kanya at gano'n lang 'yun.

Sobarang bago sa akin nitong nararamdaman ko kapag kasama ko si Max. Kakaiba ito. Hindi ko pa 'to nararamdaman kahit kailan kaya... pagkagusto nga kaya ang ibig sabihin no'n?

Tama kaya ang mga sinabi ni Java?

Lahat ng mga senyales na kung paano mo malalaman na gusto mo ang isang tao ay tugma sa mga nangyayari sa akin. Gusto ko na nga kaya siya?

May gusto na ba ako kay Max?

Iyon ang paulit-ulit na tanong sa isipan ko hanggang sa dumating ang araw ng lunes. Maaga akong pumasok dahil ngayon ang opening ng Buwan ng Wika.

Kaya siyempre, ang club namin ang nakatalaga para mag-asikaso no'n.

Wala pa rin si Max hanggang ngayon sa school. Nasabi niya sa akin na tatlong araw daw sila roon; lunes ang opening, martes ang contest proper at miyerkules naman ang awarding.

Suot ang red na club shirt namin na may nakaimprintang 'Anak ni Balagtas' sa gitna, sabay-sabay kaming tumungo ng school nang makompleto na kami kila Gera. Hindi sumama sina Candle, Jana at Elle dahil tinatamad daw sila.

Medyo mataas na ang sikat ng araw nang lumarga kami pero hindi pa naman iyon masakit sa balat. Mamayang 10am pa ang simula ng opening, 7am pa lang ngayon. May tatlong oras pa kami para magprepara sa AVR.

Pagkarating ng school ay dumirestro na kami ng Filipino Faculty para kuhanin ang mga gagamitin mamaya.

Nadatnan namin ang ilang Grade 7 at Grade 9 na miyembro rin ng club. Kinukuha na nila ang ilang mga tela at designs na ilalagay sa pagdadausan ng opening ng National Language Month ng school.

Antimano kaming tumulong sa kanila dahil medyo marami ang mga iyon. Dalawang tela sa magkabila kong kamay ang dinala ko. Nagtatawanan pa kami dahil sa pagbibiro nila Java at Daniel. Mabilis naming nakaclose ang mga Grade 7 dahil hindi naman ito mga snob at nakakatuwa ring kausap. Sila rin ang kapalitan namin ng room kaya pamilyar na kami sa isa't isa.

Naisip ko na mukhang magiging masaya ang opening na ito.

"Tulungan na kita," may kumuha sa isang tela na nasa kaliwang kamay ko.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon