Shall we Play?

109 1 2
                                    

Date: July 7,2004

Dug! Dug! Dug!

Ginising ng malakas na kulog ang mahimbing na tulog ni Alpheus. Agad siyang bumangon at lumabas sa kuwarto para puntahan ang kanyang mommy at daddy.

" Mommy? Daddy?" pumasok siya sa kwarto ngunit wala ang mga magulang. Kaya nagpasya syang hanapin ang mga ito sa buo nilang bahay.

Bubuksan sana niya ang mga ilaw ngunit di nya abot ang switch.

<a/n limang taon si Alpheus>

Mabuti nalang at may nakita syang flash light. Pabalik balik siya sa kuwarto, sala, at kusina ngunit wala ang kanyang mga magulang.

"mommy! Daddy!" takot na takot na si Alpheus. Pakiramdam niya siya lang mag isa.

Makalipas ang labing limang minuto ay biglang umilaw ang kusina. Nagtaka si Alpheus sapagkat galing na siya roon .Agad siyang tumungo sa kusina.

Nang makarating siya sa kusina ay tumambad ang sa kanyang harapang ang kanyang mga magulang na may tarak na patalim sa dib dib at naliligo sa sariling dugo.


Hindi alam ni Alpheus ang nangyayari. Inakala niyang natutulog lamang ang mga magulang.

"Mommy. Daddy. Gising" pinilit ni Alpheus na gisingin ang mga magulang. Tila hindi siya naririnig ng mga ito.

" Shhh... Natutulog sila" biglang lumitaw mula sa likod ang isang lalaking nakatuxedo at nagpupunas ng dugo sa kamay.


"Sino po kayo?" tanong ni Alpheus

"Ako ay isang kaibigan. Eh kaw bata anong pangalan mo?" ngiting tugon ng lalaki.

"Ang pangalan ko po ay Alpheus James Hidalgo. Ako'y limang taong gulang. Ano po ang pulang tubig na ito?"

"ahhh... Wine lang natapon. Nalasing sila kaya nahulog ang wine. Lilinisin ko pa"

"Tutulong po ako."

"Ang bait mo namang bata. Salamat nalang, kaya ko na ito"

"Ok po. Pwedeng pakilipat na lang po sa kwarto sila mommy at daddy?"

" O sige. Gigising rin sila mamaya. Matulog ka na ulit"

"Good nigh po! Good night mommy! Good night daddy"

"Good night Alpheus! Laro tayo sa susunod?"

" Ok po bukas ha?"

"Hindi bukas. Sampung taon mula ngayon"

Hindi maintindihan ni Alpheus ang ibig sabihin ng lalaki. Bumalik nalang siya sa kuwarto niya at natulog.

Hindi alam ni Alpheus ang nangyayari. Ang alam niya lasing at natutulog ang kanyang mga magulang sa kusina at naliligo sa wine.

At higit sa lahat may kalaro siya sampung taong mula ngayon.

Alpheus X: the 10 year old AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon