Isang linggo na ang nakalipas nang magsimulang magbukas ang klase sa University of Nueva Vicenzo, isang pampribadong paaralan sa kolehiyo. Maganda ang naging pagsalubong ng unibersidad sa mga freshmen. Karamihan sa kanila ay galing pa sa malalayong lugar o mga laking siyudad. Nasa probinsya kasi ang eskuwelahan. Hindi naman gaanong kasikatan ang eskuwelahan ngunit isa ito sa mga malalaki at magagandang paaralan sa probinsya.
(Naya's P.O.V.)
Natuyo na ang laway ko dahil sa aircon ng bus na nasakyan ko papunta rito. Mabuti na lang at parati akong may candy sa bag. Maiwan ko na ang lahat huwag lang ang Snobber 'no!
Medyo marami-rami na rin ang mga estudiyanteng papasok palang. Ang pe-fresh naman ng mga nakakasabay ko! Parang hindi ako nababagay-well, maganda rin naman ako ha. 'Yung gandang alagang bahay.
Aba! Talagang nagform pa sila ng isang linya sa paglalakad. Lakas maka-Mean Girls! Ako na nga ang mag-a-adjust!
"Hindi naman kasi runway 'to," bulong ko. "Oyy!"
Nagulat naman ako bigla nang mapansin kong kasabay ko pala ang isa sa mga kaklase ko. Nagulat naman siya sa lakas ng boses ko.
"Breana! Tama?" I asked.
"Ah oo, tama. Good morning sa 'yo, Naya," bati niya.
"Good morning din! Pasensya na, ang hyper ko. By the way, I haven't introduced myself properly to you. My name is Mernaya. Naya na lang," I introduced with a handshake.
She smiled at saka nagpakilala, "Breana Zamonte."
Ang ganda naman ng mukha niya. Actually, ganito talaga ang mga mukhang ka-level ko. Nakakatuwa naman, gumaan ang pakiramdam ko dahil may nakasabay na akong maglakad. Tanong lang ako nang tanong. Tinatanguan ko na lang ang bawat salitang sinasabi niya. Siya naman, sagot lang nang sagot kahit wala akong maintindihan dahil nakatitig lang ako sa kaniya.
We kept talking until makarating na kami sa klase. Bumungad naman sa amin ang mga nagkukumpulang kaibigan ko.
"Hoy, hoy, hoy. Ano na naman 'yan? Kay aga-aga," sita ko at lumapit sa kanila.
"Ikaw talaga Naya, umagang-umaga, kung ano-ano kaagad iniisip mo," tugon ni Tard na nakatalikod sa 'kin.
Nang lumingon sila'y agad namang napunta kay Bri ang direksyon ng kanilang mga mata.
"Hi, good morning!"
"Good morning."
"Hello!"
Sunod-sunod nilang bati kay Bri.
"Hoy, hindi niyo ba 'ko nakikita?" tanong ko sa kanila. Napunta naman sa 'kin ngayon ang kanilang atensyon. Ito talagang mga 'to!
"Ang aga mo Naya, ah! Parang hindi ka sanay!" pagbibiro ni Ychay, isa sa mga kaibigan ko. Nagtawanan naman sila. Mga siraulo talaga.
"Maaga naman talagang pumasok 'yan," sabi naman ni Tard. "Pero kapag tumagal, magiging late na 'yan. Magugulat talaga ako kapag hindi. Pustahan tayo."
Isa pa talaga 'to. Akala ko pa naman ipagtatanggol ako.
"Sige ba! Singkuwenta muna sa 'kin!"
Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Kung pagpustahan ko kaya mga kaluluwa nito.
"Che! Ewan ko sa inyo."
Tiningnan naman ako ni Ychay at itinuro si Bri.
"Ay! Oo nga pala. Bri, this is Ysabelle, Tard, and Seth."
BINABASA MO ANG
The Sound Of Rain
Teen FictionMany people are allured by rain, and love getting drenched. But then there are other groups of people who prefer staying indoors, and not getting wet at all. However, there are some people who are actually extremely scared of rain. ...