Chapter 1: San Jose University
Elmo's POV
"Elmongoloid.. Mongi ko. Mahal na mahal kita.." Sabi nya sakin habang nakadiretsong nakatingin sa mga mata ko.
Totoo ba ang narinig ko? Sinabi nya na mahal nya nga ako? Baka naman ji-no-joke nya ako. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, akala mo hinahabol ng aso. Ang saya ng pakiramdam ko. Ang saya-saya! Ang tagal ko din na hinintay na sabihin nya na mahal nya ako.
"T-talaga? Mahal mo na ako, Julie? Di nga?"
"Mahal na mahal kita Elmo Magalona. Sobrang sobra."
Hindi na ako nakapagsalita pa o nakapagreact man lang, bigla na lang sya lumapit sakin. Ang kamay nya bigla na lang napunta sa leeg ko, hinigit ako papalapit sa kanya. Sa gulat ko, napatulala ako sa kanya. Hindi ko alam ang i-re-react. Masyadong mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lang ulit ang malambot nyang labi sa labi ko. I didnt know what to do. I was stuck at this place with the girl I really love. She loves me. I just cherished the moment and I feel my eyes closed....
"Daddy, wake up!"
*PAK!*
What the?! What was that?! Biglang nabuhay ang diwa ko. Nawala ang antok ko, naramdaman ko na lang na humahapdi ang pisnge ko.
"Good morning po, Daddy!" Bati ng cute na bulilit na ito sakin habang nakangiti. Napakabigat rin ng kamay ng bata na ito. Parang si Julie lang...
That dream, it's that freaking dream again! Kailan ba ako makakalaya sa panaginip na 'yon?! Lagi na lang, araw-araw! Lagi nya akong binubulabog, ginugulo, sinasaktan. Pero mahal na mahal ko pa din sya.
"Good morning, too, Ellie." Nakangiti kong sagot ko sa kanya. Ayaw kong masira na naman ang araw ko dahil sa panaginip kong 'yon. Ayokong ipakita kay Ellie na hanggang ngayon nalulungkot ako sa pagkawala ni Julie.
It's been 3 months and I still haven't move on. Ang hirap pala, kahit anong pilit mo syang kalimutan hindi mo magawa. That's love right? And no one can move on in just 3 months! Tumayo na ako tsaka nagunat-unat. Hinarap ko si Ellie na nakatingin sakin habang nakayakap sa stuff toy ko na Elmo the muppet.
"Mauna ka na sa baba, Ellie. I'll just freshen up." Wika ko. Tumango na lang sya tsaka ngumiti.
"Okay po!" Masaya nyang sabi. Lumabas na sya ng kwarto ko tsaka bumaba dala-dala ang stuff toy nya.
Nagpunta na ako ng banyo para maligo at magayos. Then I remember, it's that day again. Babalik na naman ako sa lugar kung saan una kaming nagkita at nagkakilala ng mahal ko.
Great. Just as I thought I can turn my day better, it only got worse. Nasira na naman ang araw ko. Well, araw-araw namang nasisira e. What's the use of thinking positive every day?
Bumaba na lang ako, nakita ko ang pamilya ko doon na masayang nagkakainan at nagkukwentuhan kasama si Ellie. Pero bigla silang napatigil ng binati ko sila. Walang good, walang smile, just "morning."
"Good morning, Moe." Bati nila. Umupo na ako sa upuan ko tsaka kumuha ng pagkain. Wala sina Clara at Arkin kasi maaga sila pumasok sa school.
"What's good about the morning if it's already bad?" Sagot ko tsaka sumubo ng fried rice.
"Lagi na lang naman masama ang umaga mo tuwing napunta ka dito. Cheer up!" Nakangiting sabi ni Ate Max.
"Oo nga naman, anak. Ang aga-aga nakabusangot ang mukha mo." Pagsangayon naman ni Mom tsaka ngumiti sakin.
BINABASA MO ANG
Destiny's Way [Discontinued]
Fanfic❝Death can't stop my love for you. I'll be back for my revenge... This is my destiny and I'll do it my way.❞ In which Elmo tried to move on but then he met his first love who broke his heart and has the same face like Julie Anne, his true love. 「 B...