Chapter 25

186 18 0
                                    


Ayisha's POV


Evaluation na at todo ang kaba na nararamdaman ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kanina kung papasok ako o hindi pero syempre no choice ako dahil required 'to.



Sa gymnasium gaganapin ang evaluation test para sa lahat ng first year college. Kinakabahan ako pero iniisip ko na lamang na para sa scholarship 'to at para na rin sa akin.



At kung makakapasa ako ay mababawi ko na rin ang mga pagpupuyat na ginawa ko at para na rin mapatunayan ko sa kanila lalo na sa giant beast na iyon na hindi ako utak kamote!



Nakarating ako sa gymnasium at marami na rin ang mga estudyante sa loob at syempre sa pinakalikod ako pumwesto at naupo.



Kalahating oras na lang ang meron at mag-uumpisa na ang evaluation test. At habang iginagala ko ang aking paningin sa kabuuan ng gymnasium ay napatingin ako kay Lance at agad naman akong umiwas ng tingin.



Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa lalaking ito. Akala mo kasi kung sino buti nga at nakatikim siya sa akin ng sampal.



At dahil doon ay dalawang araw akong hindi pumasok sa school at doon tumuloy sa bahay nila Aling Puring para magkapag-aral ng taimtim.



Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, hudyat na simula na ang evaluation test at muli na namang bumalik ang kaba ko pero mas todo na. Pero para sa scholarship kakayanin ko.



Nang ilapag ng instructor ang test paper sa aking lamesa ay napakagat na lamang ako sa aking labi ng mabasa at makita ko ang mga tanong.



Umpisa pa lang ng evaluation test pero pagod na agad ang utak ko. Saglit kong inangat ang aking tingin at bumungad sa akin ang tingin ni Lance.



Ang layo na nga niya sa akin pero nakuha pa niya akong tingnan. At ano namang ang tini-tingin-tingin niya sa akin? Tatarayan na naman ba niya ako? Iirapan? Sabihin niya lang dahil pagkatapos ng evaluation test na 'to ay iiwas na ako.



Ilang minuto pa akong nag-intay na tarayan o irapan niya pero wala siyang ginawa kundi ang titigan ko. At dahil inis pa rin ako sa kaniya ay inirapan ko na lang siya at ibinalik na ang tingin sa test paper at nagsimula ng magsagot.



Apat na oras ang ginugol namin sa loob ng gymnasium para lang matapos ang evaluation test at dahil doon ay lahat ng students ay nagdiwang at nagsaya samantalang ako ay para akong nawalan ng buhay dahil sa mga tanong.



Napahawak ako sa aking sentido ng makaramdam ng sakit doon. Kulang na nga ako sa tulog tapos dumagdag pa 'tong evaluation test na 'to lalo tuloy sumakit ang ulo ko.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon