Prologue

23 2 10
                                    


“Tutulong na ho ako magserve nyan sa labas” alok ko sa mga kasambahay na naroon, saka ko kinuha ang tray na may lamang pagkain para sa bisita.

Inilabas ko iyon at inabutan ang mga bisitang naroon, “napaka raming bisita pero hindi naman ito isang okasyon para pagsaluhan”.

Nagpatuloy lang ako sa pagtulong sa pamimigay ng pagkain sa mga bisita ngunit napasin ko na lahat sila ay natigil at nagsipagtayuan upang tignan ang bagong dating na bisita.

Hindi ko alam kung sino sya para matigil ang mga bisita para tignan lang sya pero nasisiguro kong may kaugnay ito sa yumaong amo ko.

Lumakad ako sa may bandang gilid para matanaw ko ang itsura ng bagong dating, wala naman kasing naikwento si madam kornelia tungkol sa pamilya nya kahit pa lagi kaming magkasama at nagkukwentuhan.

Pinagmasdan ko ang itchura ng lalaking nakatayo sa harap ng kabaong ni madam kornelia, matangkad, maputi, matipuno ang pangangatawan at kung titignan mo ng maigi ang muka nya ay napakagwapo nito kahit nakatagilid lang.

Nakatingin lang sya kay madam kornelia, kahit walang emosyon ang muka nito mararamdaman mo ang kalungkutan na bumabalot sa paligid nito.

Sino kaya ang lalaking ito ano kaya ang kaugnayan nya kay madam.

Madaling araw na nang mapagpsyahan ko magpahinga na para sa libing bukas ito na kasi ang huling gabing lamay para kay madam kornelia nakakapanghinayang lang na kahit isa sa pamilya nya ay walang dumalo napakabuti naman nya ngunit wala ako sa posisyon para alamin pa kung bakit ganun.

Umaakyat na ko sa itaas para makaidlip nang kaunti pero bago pa man ako makarating sa kwarto ko may nahagip ang mga mata ko sa dulo ng hallway patungong kwarto ni madam kornelia sa dulo noon may veranda kung saan madalas maupo si madam kornelia o di kaya magpalipas ng oras ngunit sa tagal kong inalagaan si madam kornelia hindi ganoon ang pagtingin ko para syang nagiintay .. nagiintay kung darating ba o hindi.

Hindi ko namalayan na napalapit na pala ako roon pero hindi ganun kalapit para mapansin ako ng taong nakaupo roon. Tatalikod nasa ako pero narinig kong nagsalita yung taong nakaupo roon.

“sino ka?”tanong nya

“Hmm.. paumanhin ho kung naistorbo ko ho kayo”sagot ko habang nakatingin sa likod nya.

“sinabi ko sino ka? At bakit nakaabot ka sa palapag na ito, hindi ka naman siguro na kung sino lang para makaabot sa parte ng bahay na to.” Mahabang sabi nya pero hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sya sakin.

“Personal na tagapangalaga po ako ni madam kornelia bukod po sa doktor na tumitingin tingin sakanya, at sa palapag po nato ako nagkukwarto para ho mas malapit po ako sakanya pero hindi naman ho ako ang may kagustuhan nun si madam ho, pasensya na po ulit pero maiwan ko na ho kayo.”sagot ko naman sakanya at paalam ko na rin.

Lumakad na ko at nagtuloy na sa kwarto ko naghilamos lang ako saglit at nahiga na rin sa kama.

“Kailangan kong magpahinga mahaba mahabang araw ang mangyayari bukas” pumikit na ko at nakatulog rin naman agad.

KINABUKASAN

Nagising naman ako sa tamang oras nagayos na ko agad at sinout ko na ang damit na gagamitin ko hanggang mamaya sa paghatid sa huling hantungan ni madam kornelia.

Manang, tutulong ho ulit ako sa pamimigay ng makakain”prisinta ko ulit at saka dinampot yung tray na may lamang pagkain. Pero hindi ko pa man ito naiaangat ay pinigilan na ko ni manang

“Wag na hija.. Kami na bahala rito kumain ka nalang at maupo roon malapit na rin naman na sila umalis.”nagbuntong hininga na nalang ako at sumunod sa utos ni manang.

Mga ilang minuto lang rin nagsipagtayuan na ang mga tao at nagbigay daan sa kabaong na dadaan.

Pinili ko talaga ang magpahuli hindi naman ako importanteng tao para puwesto sa harap.

Mahigit isang oras kalahati rin ang nilakad naming bago makarating sa sementeryo pumwesto ako kung saan matatanaw ko parin ang pagbaba ng ataol ni madam kornelia at nang hindi ko na matanaw ito nagsimula nang pumatak ang luha ko.

Muling sumagi sa isipan ko ang mga araw na magkasama kami hindi ko man sya kadugo pero pinaramdam nya saakin na pamilya kami lahat sa loob ng mansyon.

Napakabilis ng oras at nagsipaguwian na rin ang mga nakiramay at nakilibing gayun din ako pero bago pa man ako tuluyan na umalis sa lugar na yun pinagmasdam ko ulit ang lapida ni madam kornelia.

“KORNELIA A. LOYZAGA A BELOVED WIFE, MOTHER & A GRANDMOTHER” basa ko sa nakaukit sa lapida ni madam tumayo na ko at naglakad na papalayo roon.

Bago pa man ako makalayo may nakita akong isang lalaki na nakauniporme binuksan nya ang pintuan ng sasakyan na katabi nya.

Hindi na ko nagduda pa kung sino ang may padala noon ganoon talaga ang trato ni madam kornelia sa mga panahunin nya sa mansyon.

Mabilis lang ang byahe wala pang isang oras ay naroon na kami sinalubong naman ako ni manang.

“kamusta hija?maayos naman ba?”tanong niya tumango lang ako bilang sagot.

“manang … hindi na ho ako magtatagal aalis na ho ako gusto lang ho na pasalamatan kayong lahat sa mga taon na magkakasama tayo at hinding hindi ko po kayo malilimutan.” Sabi ko naman kay manang na may pagkagulat na nakatingin sakin.

“matutuloy ka pala talaga, kung yun na ang desisyon mo sige magiingat ka sa paguwi sa pilipinas kakamustahin nalang kita pag nagkaoras ako”nagpatuloy ako sa itaas at kinuha ang maletang nakaready na mula pa man kanina iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at lumabas na rin ako agad.

Pagkababa ko lahat sila ay nasa harap na nang pinto at nagiintay sakin, ngumiti naman ako sakanilang lahat.

“pano ba yan kailangan ko nang umalis para hindi ako mahuli sa flight ko salamat sa lahat lahat magiingat kayo lagi” at isa isa ko silang niyakap.

Lumabas na ko ng masyon at sumakay na sa kotseng maghahatid sakin sa airport, haaaay! Eto na pagkatapos ng limang taong narito ako sa amerika uuwi na rin ako.

The Successor's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon