Kakatapos lang ng meeting namin ni Mrs. Thompson, may meeting pa daw sya kaya hindi na kami nakapag usap ng matagal. Pinakita ko sa kanha ang menu namin at specialty ko, she told me to meet here next week para matikman nya ang lahat ng ito. Masaya akong bumalik sa resto para i-check ito. Kasama ko si Elle at humingi ako ng pasensya dahil walang mag aalaga sa kanya, mas natuwa pa nga si Mrs. Thompson dahil ang bibo at ang ganda daw ng anak ko.
"Mommy are we going to your resto?" Tanong nya sakin habang abala syang nanonood ng youtube sa phone nya.
"Yes Anak, why? you're hungry?" Tanong ko sa kanya.
"Yes Mommy, I want to eat steak at I want to see Daddy. Is he busy?" Tanong nanaman nya, napansin ko kasi sa kanya ay mas maraminna siyang tanong habang lumalaki sya.
"I'll cook you steak then bring you to your Lola so you can meet woth your Dad there okay?" Paliwanag ko sa kanya.
"But why don't you bring me directly to Daddy instead of Lola's house? I miss our house we has back then." Nakita kong nakakunot na ang noo nya. Jusko Isabelle kamukhang kamukha ka talaga ng Tatay mo.
"Because Daddy is always on his work, I can't bring you there Baby." Paliwanag ko ulit sa kanya at nag okay nalang sya. Ngumiti naman ako at dumaretso na sa Resto ko.
Pagpasok namin ni Isabelle ay natuwa ako dahil maraming tao ngayon, lunch time kasi at abala ang mga staff ko. Sana ay magtuloy tuloy pa ito.
"Huy ang sarap talaga ng steak nila dito, the best!" Narinig kong sabi nung grupo na kumakain sa gilid ko.
"Korek, pati itong soup nila at salmon? Uulit ulitin ko. Kahit pricey hindi ka talaga manghihinayang sa pagkain. Kaya siguro halatang mamahaling resto ito." Sabi naman nung isa nyang kaibigan. Nakangiti akong duaretso sa back office para kamustahin sila.
"Hi Divine, daming tao ah. Kaya pa?" Biro ko sa kanya.
"Sobra Ma'am Elle, pero masaya kasi nakikilala na tayo sa BGC." Nakangiting sabi nya.
"Hi Baby Isabelle, how are you?" Close sila ni Isabelle kaya sya ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa anak ko.
"Isabelle stay with Ate Divine okay? Divine bantayan mo muna sya magluluto lang ako ng steak nya." Tumango naman sya, pumasok ako sa kitchen at nag apron at hairnet. May pwesto ako ng kutuan dito para kapag ako ang nagluluto ay may space ako.
"Hi Ma'am Elle, for Isabelle?" Tanong sakin nung head chef ko dito sa resto.
"Oo eh, alam mo naman palaging nag rerequest. Ano sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Steak din Ma'am last order na as of now. Ang dami kanina sobra." Kwento nya sakin.
"Let me cook that, pahinga ka muna tutal ay steak din naman ang lukutuin ko." Kinuha ko yung order na hawak nya. Nagsimula na akong magluto.
Kapag nandito ako ay madalas ako ang nagluluto, madalas din na nag t'take at nags'serve ako ng order para narin makatulong sa kanila kapag puno ang resto. Masaya ako kapag nakakapag luto ako, lalo na kung may mga naririnig akong magagandang comments at sarisfied sa pagkain na sineserve namin sa kanila. After kong magluto ay tinanggal ko na ang hairnet ko at apron. Fitted parin ang dress ko dahil nakasanayan ko na magsuot ng ganito.
"Ma'am ako na po dyan." Sabi nung head chef ko. Kakatapos ko lang kase mag platting at ready to serve na.
"Ano kaba, ako na dito tsaka last order naman na ito. Magpahinga kana at mamaya marami nanamang tao." Sabi ko sa kanya, nagtalo pa kami dahil nahihiya sya kapag kumikilos ako pero ending ako parin ang masusunod dahil ako ang boss.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...