Kabanata 2

750 40 6
                                    

The next day....

"So ang sinasabi mo ay may fiancé ka na at malapit na kayong pakasal?"panglimang beses na tanong sa akin ni Cole.Hindi kasi s'ya makapaniwala at matatali na daw ako, sabagay kahit ako din naman e.

"Oo nga.Unli ka po?"sagot ko dito at binilisan ang paglalakad.Malapit na magklase ang favorite teacher ko.

"Hmm sige basta ako ang bride's maid hah?"sabi n'ya at wala ng ibang bukang bibig kundi iyon.

"Teka, bakit nagkakagulo dun?"pansin ni Cole sa pinto ng room namin.

Oo nga, magulo at nagtitilian pa sa loob.

"Tara, tignan natin."aya ko sa kanya at sumilip kami sa bintana.

May nakita naman akong istudyante na pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Uyy anong meron?"pagchichismis ni Cole sa isang nakasilip din.

"Hindi mo ba alam?Nagtransfer dito ang sikat na si BDL mula sa Ateneo!"kinikilig na pagbibida naman ng babae.

"Oww teka sikat ba talaga yun?Bakit hindi ko kilala?"nagtatakang tanong ni Cole sa kanyang sarili at bumaling sa'kin.

"Ano papasok pa ba tayo?"tanong n'ya sa'kin at sinilip ang kwarto na magulo.

"Oo naman.Saka ang pagkakatanda ko ay school ito at hindi isang lugar na ginawa para sambahin ang tulad n'ya.Tao lang s'ya."sabi ko at hinatak na si Cole papasok sa room.Tinulungan n'ya akong itulak ang mga nakaharang na babae sa pinto hanggang sa nasa harap na namin ang nakatalikod at nakaupong sa palagay namin ay si BDL kuno.Mukhang enjoy na enjoy lang s'yang pinagkakaguluhan s'ya at hindi nasisilaw sa mga flash ng camera sa paligid.

"Ahm excuse me, bangko ko 'yan."sabi ko sa kanya at tinignan ang upuan ko na kung sakyan n'ya ay para bang tumba-tumba ng matanda.

Natahimik ang lahat at sinamaan ako ng tingin.Hmmp wala akong pake, sakin ang upuan na inuupuan n'ya kaya may karapatan ako.

"So sa'yo ito Coleen Trinidad-De Leon?"tanong nito at tumayo saka humarap sa amin.

"Bea?"tanong ko dito at tumango naman s'ya habang nakabulsa ang mga kamay.

Lakas naman ng dating nito.Cute pa.

"Bes s'ya ba si----omyghad!Ang swerte mo bes!"kinikilig na sabi ni Cole at tinulak pa ako kay Bea.

"Ano ba!Parang tanga Cole."suway ko dito at nagsorry kay Bea.

"Ah e hehe pedeng ako nalang?Kung maghihiwalay man kayo ni Coleen.Ako pede substitute hehe"pagpapacute ni Cole at pasimple pang kinakalabit si Bea.

"Ahem, sampal Cole?Usto mo?"banta ko dito at pinalihis s'ya saka hinatak si Bea palabas ng room at dinala sa di mataong lugar upang kausapin.

"Wag mong sabihin na sineryoso mo nga ang sinabi nila tita at mama kahapon?"di makapaniwalang tanong ko dito at natawa.

S'ya naman ay seryoso lang."Oo.Bakit ayaw mo ba sakin?Cute naman ako at sabi pa ng marami ay swerte ka pa nga."inosente n'yang sabi na nagpatawa ulit sa akin.

"Hahaha.Ano ka ba?Wag mo ng isipin yun.Lasing lang sila mama kahapon."sabi ko dito at pinipigil na matawa.

"Hah?Pero gusto kita."pag-amin n'ya na nagpasamid sa akin.

"Aga-agad?E kahapon mo nga lang ako nakita tapos gusto mo na ako?"sabi ko at pabiro s'yang pinalo sa braso.

"Ayaw mo ba sa akin?"malungkot n'yang tanong at yumuko dahil duh napakaliit ko kumpara sa height n'ya.

"H-Hindi naman sa ganun.Kasi ahmm biglaan e.Wala man lang ligaw na nangyare."sabi ko at napatakip ng bibig sa huli kong nabanggit.Ngumiti s'ya at parang nabuhayan ng loob.

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon