3 - captain || edited

28.4K 908 151
                                    

So this was the captain of Centrex University. The guy na laging bukambibig nitong si Anjo dahil isa sa ultimate crush niya raw, the very same guy na super kinaiinisan ng mga kapatid at pinsan ko, na lagi rin laman ng Facebook at kung ano-and pang university files.

When they said he was handsome, they weren't kidding. Boy, it wasn't even an exaggeration because he just was. It wasn't only his features that were really striking but the way he carried himself in general. Tahimik lang siyang pumasok sa bar pero ramdam kagad ang commanding aura na nakapalibot sa kanya. His posture was sure and confident, at ease, but he also looked like a quiet creature, the type to be subtle, if his light respectful nods to the people around him were anything to go by.

That confused me a bit. Kasi kung hindi ako nagkakamali, ilang beses nang nakaengkwentro nina Kuya Jacob 'tong grupo nina Racel at ayon sa kanila, mahangin at nakakairita nga raw. I couldn't see any of that right now.

But I could see na aloof siya. Hindi niya masyadong in-entertain ang flirting ng mga babaeng nakapaligid sa kanila, unlike his friends na halatang gustong-gusto ang atensyon na nakukuha nila. He even looked uncomfortable, which I found interesting for a guy na high profile na.

I winced when more girls came in and started bombarding him with picture requests, pushing him in the process.

He didn't get upset — instead, he righted the girl that stumbled against him and helped her get her balance.

"Shit, ang hot niya sa malapitan," bulong ni Anjo for the third time. Kumapit siya sa 'kin, medyo nanginginig pa nga ang mga kamay.

I chuckled. Minsan lang matameme si Anjo. Most of the time, dahil sa mga crushes niya, as if she wasn't the type of girl who'd never back down from a fight, whether verbal or physical.

I nudged her arm. "Sige na, magpa-picture ka na."

Hindi ko alam kung namumula ba siya dahil sa strobe lights but Anjo furiously shook her head.

"Nakakahiya. Kinakabahan ako," she said, chewing on her lower lip.

"Samahan ka na lang namin," Hiro suggested.

"Yeah. Ikaw din, sayang yung chance."

"Eh, ang daming babae sa paligid niya. Ayokong sumiksik. Pagod na 'kong pagsiksikan ang sarili ko." At nagawa pa talagang humugot.

Pero sabagay, may point siya. Puro pa taga-Centrex ang mga nando'n. And those Intersci students that I recognized, tahimik lang na nanonood from the sidelines.

"If 'di ka magpapa-picture, alis na tayo?" pag-aya ko kasi nabubunggo na kami ng mga dumadagdag pa sa crowd.

Bumaling siya ng tingin kay Racel, nag-iisip nang malalim. "Wait lang muna. Can't decide pa."

Pinanood ko na lang muna yung nangyayari sa bandang entrance habang hinihintay ang decision niya.

Pumayag na si Racel sa mga nagpapa-picture sa kanya. 'Yon nga lang, hindi siya masyadong ngumingiti. Kung ngumiti man, slight lang. Pero bakit gano'n? He looked rather good with that aloof expression. There was a tinge of edge there.

Napansin ko kasi sa kanya, soft ang features niya. Matangkad, medyo fair-skinned din. Halata na athlete dahil sa well-toned arms at lean physique niya pero kahit na rugged ang over-all appearance niya, kapansin-pansin pa rin ang soft features ng mukha niya. What made him looked like a badass though was that dark fringe almost falling over his eyes. Medyo mahaba din kasi ang buhok niya pero kept in place naman. Malinis at smooth tingnan.

"Okay, 'di ko talaga keri. Balik na tayo," Anjo decided after a while.

"Sure ka? We can wait kumonti yung tao."

decoding the boys ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon