CHAPTER 1 : " Kuya Turonn! "
*bahay*
" ODI! Gising na. Ala sais na ! " sigaw sakin ng mama ko. Late na naman ako.
*sabay gising *
" Sige ma. 5 minutes pa ! " Puyat pa ko sa kaka- praktis ng kanta
*yapak ng paa *
" SABI KO SAYO BUMANGON KA NA ! " biglang hinila yung paa ko.
" Aray naman ma ! " nahulog ako sa kama diba? Malamang masakit .
Naligo na ko . Medyo matagal tagal pa ako lumabas ng banyo kasi inaantok pa ako. Putu. Bumaba na ako . Ganun lang din ang takbo ng umaga ko , the usual. Kumain ng pandesal , inom kape tas alis na.
" Bye La. " sabay kiss sa cheeks.
" Bye Ma. " sabay kiss sa cheeks.
" Mag-ingat ka ah, uwi ng maaga. " mahal na mahal ako ng mama ko eh. Hindi pa nga ko nakaka-alis , nami-miss na ko. HAHA.
Pagdating sa school , kwentuhan muna with friends. Kwentuhan ng crush. AHAH! tapos yung something sa contest na sasalihan ko.
" Oh ano ? Ayos ka na ba bakla ? " tanong sa akin ni Keifer.
" Di pa . Di pa ako nakakapag practice ng maayos. Magulo kasi kagabi sa bahay eh." singhal ko.
"Haaaaaaaay. Ansaya naman Odi. Sasali ka diyan ! PERST TAYM MO PALA ! " sabi naman ni Red.
" Andyan na si Limos ! " sigaw nung kakalase ko. Andyan na daw yung teacher namin sa Math. Haaaaay...
Amboring ng subject namin pero si Red excited kasi Math eh. Eh ayaw ko po ng math. Gusto ko siya nung wala pang letters, ngayon lahat ng letters nilagay na sa equation. Tsk. Nakakadugo ng utak.
* 5s4af54asf52d4g * yan lang nakikita ko sa board namin ngayon. Nahihilo na ako. Antagal tagal ng oras. Antagaaaaal talagaaa. Pinipigilan ko na yung mata ko sa pagpikit nang pitikin ako ni Red sa noo .
" Gumising ka huy. " sabi niya
" Haaay Red. Sige na , sige na " habang hinihilot ang noo ko.
" Sasapakin pa ba kita ha ? Gising ! " pabulong niyang sigaw.
" E-T-O NA POOOOO. " sabi ko na walang sounds. Tas inisnaban niya lang ako.
Hay Red. Ang munti kong bestfriend. What am I going to do with youuu ? ...
" Okay. Class ! goodbye ! " yesss . Tapos na ang Math !
"Goodbye Mr. Limos ! " babye sirrr! bwahahah! joke.
" Okay ! Baba na tayo mga dre ! " sabi ko kay na Jade. Gutoooooom na ko.
"Uy. Odi ang partner mo sa "Ms Rythmizer of the Year " ay si Luke ! " sabi ni Red. Organizer kasi siya nun.
"Okay. " sabi ko. Gutoooom na ko. Kaya hindi ko medyo inintindi yung sinabi niya.
" Hi ! Girls. ' sabi ni Keiffy ! Habang naglalakad na parang super model hawak ang kanyang pink na pitaka. HAHA!
Nag- lakad na kaming apat papuntang canteen dahil obviously " BREAK " na namin. Habang, hindi ko talaga alam kung anong gusto kong kainin.
