Chapter 15

3.6K 173 8
                                    

Ibinaba ni Vladimir ang salamin ng bintana ng sasakyan at dinala sa bibig ang bote ng mineral water. Sinagad ang laman niyon. Behind the dark shades he is wearing, his eyes darted towards sa lobby of the municipal executive building. Fixing his gentle gaze on his beautiful and pregnant wife amidst the crowd.

His world. The sunshine of his life and the air he breathes. His steamed bud. She's lovely with that pink, soft silk maternity dress, flowing smoothly on her sexy bulging figure down below her knees. Every day, she keeps stealing his heart away from his chest like sunrise stole all the glory there is in heaven and turned it into colorful rays of rainbows in the dusk.

Kausap nito ang dalawang katutubo na kapwa senior citizen na. Mukhang may pinaliliwanag ang asawa niya sa mga ito. She's giving them her smile that can lighten up a dungeon of hell. Habang panay ang haplos nito sa malaking tiyan ay kumukumpas naman ang isa pa nitong kamay kasabay ng pagsasalita. She's in her seven months now. Naka-leave na ito sa trabaho pero minsan ay mapilit na pumunta rito.

May project itong sinimulan bago nag-file ng maternity leave. Gusto nitong magtayo ng home for the aged para sa mga matatandang katutubo na walang pamilyang nag-aaruga. Nakagawa na ito ng project cost at feasibility study. Budget na lang ang kulang at iyon ang isinusulong nito sa Sangguniang-bayan.

Habang nakikita niya ang pagsisikap ng asawa at ang dedikasyon nito sa mga Mangyan ay lalong lumalambot ang kanyang puso. Hindi biro ang adbokasiya at malasakit nito para sa kapakanan ng mga katutubo. Kahit hindi lahat ay sang-ayon sa adhikain nito ngunit matatag itong nanindigan. Tinalo ang takot at pinatunayan ang kakayahan. Hindi niya pinagsisihan na bumigay siya sa paraang ginamit nito para maitali siya.

Natanaw niyang niyakap nito ang dalawang kausap bago umalis ang mga iyon. Agad siyang bumaba ng sasakyan at sinalubong ito. Ayaw nitong magpakita siya sa mga tao roon at baka pagkaguluhan daw siya. Tuwing sinasamahan niya ito roon ay nasa sasakyan lamang siya. Nakamasid.

Ngumiti ito ng matamis at agad kumapit sa kanyang braso. "Sorry kung natagalan ako. Nainip ka ba?"

"Not a bit. When I look at you I lost track of the time. Are you done over there?" Binuksan niya ang pinto para rito at inalalayan itong sumampa sa loob ng sasakyan.

"Naipaliwanag ko na sa council ang kabuuan ng proyekto." Inangat nito ang mga braso para maisuot niya rito ng maayos ang seatbelt.

Kinudlitan niya ito ng halik sa labi at isinara ang pinto sa tapat nito. Lumigid siya sa gawi ng manibela. "Any good news?" tanong niyang binuhay ang makina ng sasakyan.

"Maraming naka-line up for Infrastructure projects. Pero isusulong ko pa rin iyon. Dadalo ako sa susunod na committee hearing."

"Hm, that's going to be hard." Komento niyang nilakasan ang aircon. Pansin niya ang gumigitaw na pawis sa noo ng asawa. "Cuellam Components is into community outreach for livelihood and humanitarian programs as well. Send the project cost and the program of works to our social services department. I'll present it to the board later." He suggested.

"Talaga? Thank you so much, Vlad!" Sabik nitong bulalas. "Pasensya ka na, proyekto ko ito pero sa iyo na naman ako humantong."

Natutukso siyang biruin ito tungkol sa dahilan ng pamimikot nito sa kanya. That grenade wedding was not possible if not because of her purpose to protect the natives. Pero nagpigil siya. Masyado itong maselan ngayong nagbubuntis. Baka magtampo kapag biniro niya.

"Pwede ba tayong dumaan doon sa bahay namin? Bibisitahin ko sina mama at papa. Baka nalulungkot iyon kasi nasa Japan si ate." Humawak ito sa kamay niyang nasa manibela.

"Yes, baby, of course." Dinala niya sa mga labi ang palad nito at hinagkan. Noong isang linggo lang ay pumunta rin doon sa Safari ang mga magulang nito para kamustahin ang kalagayan nito.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon