Author's note: Thank you for the new book cover of My Nerdy Boss @AicirtapEmia!! Lovelots!
Halos hindi ko maiangat ang paa ko, hindi dahil sa 3 inches pointed heels na suot ko ngayon. Kung hindi dahil sa mga taong nakikita ko ngayon. Sa loob ng ilang taon na hindi ko sila nakita ngayon ay kaharap ko sila.
"CHANTELLE!" sigaw ni Carl sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala ng kwenta kung tatakbo pa ako sa kanila. Agad na tumakbo papunta sa akin si Carl at niyakap ako.Kitang kita ko ang reaksyon ng mga Andrada lahat sila ay nagulat maging sila Anessa na nasa likuran ko.
"CHANTELLE!!!" Maluluhang yakap sa akin ni Carl.
"Carlito! Stop crying hindi bagay sayo." Pagpipigil ko sa luha ko sayang ang pagaayos ni Aness sa akin.
Sinalubong ako ni Mommy tulad ni Carl maluhaluha din itong yumakap sa akin. "Chantelle!"
"Mommy, Mom I'm sorry!" yakap ko sa kanya.
"Shhhh. Stop saying sorry. How are you? Are you okay? San ka nagstay? I'm really worried."
"The prodigal daughter is here." Bungad sa akin ng aking ama. Kasunod nito si Lola Sonia.
Hindi ako kumibo hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Enrique, not now." Hindi na ito muling kumibo.
"Thank you for guiding my daughter Madam Andrada."
"What do you mean?"
"Madam Andrada give you a job because of me, ganun kasimple." Kumuha sya ng wine atsaka ito ininom. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon naiinis ako dahil until now kontrolado pa rin pala ako ng magaling kong ama.
BINABASA MO ANG
MY NERDY BOSS
RomancePaano kung one summer imbis na nasa beach ka at nageenjoy kasama ng barkada eto ka ngayong nagtatrabaho sa sarili nyong kompanya? Summer Job? yan ang parusa ni Lola Sonia sa kanyang only grandson na si Julian hindi lang yan SUMMER JOB+SUMMER BOSS? N...