Chapter 5- What Happened?

35 5 0
                                    

A/N

    ENJOY READING!!

=============

Chapter 5

What happened?

=============

Ash's POV

Pagkatapos naming maghanda ng mga gamit na dadalhin namin bukas ay nagsipasukan na kami sa sarili naming mga kwarto. Isip parin ako ng isip doon sa espadang nakita ko at sa mga nagpakita sa isipan ko.. Nagtataka talaga ako..

Ganon parin ang routine ko.. Magsha-shower muna ako bago ako matulog..

Pagkatapos kong magshower ay pumunta muna ako sa terrice at tinignan ang nasa labas ng gate namin.. Nakita ko yung mga panget na nagllakad kahit saan. Yung iba nman ay kumakain at nangangalampag sa may gate.

'Totoo ba talaga to?' tanong ko sa sarili ko. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit nagkaganito. Kung bakit nagkatotoo ang mga Zombies at kung bakit dito pa talaga sa Pilipinas.. Pwede namng sa Pluto nalang maganap yung zombies O kaya nman ay sa Mars or Jupiter, Wag lang sa Earth.. Kaso inuna talaga dito sa Earth..

Naku.. Baliw nalng ang makakagawa ng ganitong pangyayare..

Pagkatapos kong magpahangin sa terrice ay pumunta na ako sa higaan at humiga.. Nag-sign of the cross muna ako bago ko patayin yung lamp at natulog.

┏━━━━━━━━━━┓

KINABUKASAN

┗━━━━━━━━━━┛

*Riiiiiiiiiinnnnngggg*

Dumilat na ako at pinatay kaagad ang alarm.. Tinignan ko kung anong oras na.. Sakto at 8:01 na ng umaga.

Bumangon kaagad ako at naligo... Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako ng isang black na tank top at isa ring maong na short. Inipit ko pataas yung buhok ko at nagsuot ng rubber shoes na black.. This time wala ng kutsilyo sa ilalim ng sapatos kaya pumunta ako sa pinaka dulo ng walk in closet ko at kinuha ung puting box sa taas ng cabinet.. Nilapag ko ito sa sahig at binuksan iyon. Nakita ko ang dalawang dagger na nasa pocket nila. ... Kinuha ko iyon at itinali sa magkabila kong hita at kumuha rin ako ng isang baril doon at ipinasok sa bulsa ko.. Kumuha ako ng backpack na itim at ipinasok doon ang lahat ng balang natitira sa kahon.. Tatayo sana ako para kumuha ng damit ng makita ko ang nagiisa niyang picture na naiwan sa box at kinuha yun..  Napangiti nalang ako at isinama ko rin iyon sa backpack..

Kumuha ako ng dalawang pantaas at dalawa ring shorts. Syempre nagsama rin ako ng mga underwears and etc... 

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa baba at sakto namang nandoon narin sina Devon at mukhang nakahanda na ang lahat.

"Kumpleto na'ba yung mga dadalhin?" tanong ko habang papalapit sa kanila..

"Oo/Yes." sabay nilang sabi sakin at nagtinginan pa silang dalawa ng masama..  An'yare?

"Okay.. So....Let's go?" pagyaya ko sa kanila..

Tumayo na yung dalawa sa pagkaupo at dinala na yung dalawang malalaking bag [Mga baril yun.] Tapos ako naman binuhat ko na rin yung mga bag ng pagkain namin.. Niramihan ko yung pagpa-pack ko ng pagkain para makatagal..

Pumunta kami sa garahe at isinakay lahat ng bagahe sa loob ng truck.. Truck ang gagamitin namin dahil kumpleto lahat ng nasa loob at sigurado akong mapapakinabangan namin iyon sa paghahanap.....ng mga buhay na tao...

Plano ko muna sanang maghanap ng mga kasamahan namin para makapunta sa Safe City.. Kaya ko nalaman o namin na may Safe City ay dahil nanood kami ng Balita sa T.V na may ginagawang barrier sa Manila at doon pumunta ang mga survivors.. Kaya maghahanap muna ako ng mga survivors habang papunta kami sa Safe City..

Nakasakay na si Prince sa harap at pinaandar na ang truck habang kami naman ay nakasakay narin sa loob at sinasara pa namin yung pinto... May sarili ring pinto itong truck. Sosyal diba ^_-

Kinuha ko yung remote ng gate pinindot ito. Dahan-dahang bumukas ang gate at bumulaga saamin ang maraming panget na kumakain at naglalakad.

Umadar na yung truck at pinagbabangga iyon ni Prince.. Haha! Ngayon ko lang nalaman na magaling pala sa pagdadrive etong si Prince.

"Now, Where are we going?" tanong ni Prince habang nagdadrive parin.

"Uhhmm......I think we need to go to the Police Station para makahingi ng tulong.." sagot ko sa kanya..

"What?!  Ang mga parak ngayon ay useless na. Baka nga wala na tayong maabutan doon.....Sa tingin ko We need to go somewhere else." pangongontra niya sakin.

"No.. Kailangan nating pumunta sa mga polisya.. Malay mo makakuha tayo ng koneksyon at sunduin nila tayo pauwi sa Safe City... Baka nga makakita pa tayo ng survivors doon na nagtatago lang." Kontra ko sa kanya. Sumuko na lang siya kaya sa huli ay ako rin ang nagwagi.

Habang papunta kami sa police station ay tumitingin-tingin ako sa labas ng bintana kung nasaan na kami.

Grabe talaga ang ginawang damage nung mga panget. Kahit saang daan o lugar ay wala kang makikita na malinis dahil lahat ng ito ay may nakakalat na laman ng tao at dugo...

I can't even imagine na talagang mangyayre ang mga ganitong sitwasyon. Na sa isang araw  ay bigla nalang silang nagkalat.

"Ash.... Can I have a you for a minute?" Tanong sakin ni Devon.

"Sure. Why?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Sa tingin mo......  Paano kung sinabi ko na hindi ko totoong pangalan yung Devon?" Nalito naman ako sa sinabi niya. Anu daw?

"So?" Sabi ko...

"Alam mo ba yung libro na ginawa ni Gariel Quinta? Yung the legend of the Black Sword?" Libro? Gariel Quinta? The legend of the black sword?  Sorry siya hindi ako mahilig magbasa ng stories pero narinig ko na siya.

"No.. Pero narinig ko na siya. Why?" Nagtataka kong tanong.

" Alam kong para akong tanga na naniniwala na totoo ang kwentong iyon pero  I know na totoo talaga ang storya niya." sabi niya sakin. Wait- Hindi ko ma-Catch yung hinuhulog niya.

"So.....What about it?" tanong ko ulit.

"Uhm... Nothing.... Basta kapag nabasa mo siya.. Magugustuhan mo rin ang storya niya dahil  afkvugh.. " Sabi niya sakin pero hindi ko maintindihan yung huli niyang sabi...

Devon's POV

Hindi ko talaga alam kung siya ba talaga ang hinahanap ko...Pero sana........sana siya na nga....

*BOOOOOOOOOMMM*

"Holy Cow!" Sigaw ni Prince..Nagkatinginan kami ni Ash at pumunta sa harap at sinilip kung anong nangyare...

O_O Sh*t! Ba't ang dami nila?!

~End~

A/N

HAHA! Sorry kung bitin ;p

Abangan niyo nalang yung next chapter...

THANKS FOR READING THIS!

Dead Zone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon