Chapter 6- Bunch of Zombies

27 4 0
                                    

A/N

Sorry sa mga grammatical errors ang mga typos sa last chapter. Pasensya narin kung medyo may magulo dito.. I-comment niyo nalang kung may mali... That's all...

ENJOY READING!

===========
Chapter 6
Bunch of
Zombies
===========

Ash's POV

O_O What the hell?!

A-Ano to?!  Bakit ang dami nila?!

Ilang segundo pa lamang ng nacarecover ako sa nakita ko at nakaisip kaagad ako ng plano..

"Prince. Stop the truck Now..." Utos ko sa kanya at sinunod nman niya...

"Devon, Kumuha ka ng dalawang baril. Tig-isa kayo ni prince. Ako na ang kukuha ng sakin. And by the way..... Keep quiet." Utos ko ulit sa kanilang dalawa.. Lumakad ng walang ingay si Devon papunta sa bag ng mga baril at kumuha ng dalawang armas at bumalik ulit dito ng tahimik.

"Prince eto oh--" inabot ko naman kay prince yung pinapaabot ni kyle na m14. "Keep quiet and stay until i come back here." I said. Aalis na sana ako sa harapan ng pigilan nila akong dalawa..

"Where are you going?/Saan ka pupunta?" Sabay nilang sabi. Napaikot ako ng mata dahil sa kanila.

"Kukuha ako ng kumot pang takip dyan sa bintana para hindi tayo makita atsaka kukuha rin ako ng armas na madali lang dalhin." sabi ko sakanila at madali akong naghanap ng kumot ng walang ingay at sa wakas nakakita ako sa kabinet. Pumunta rin ako sa bag ng mga armas at namili ng dadalhin ko..  Hindi ako makapili ng makita ko yung Samumrai Sword sa tabi ng bag... Kinuha ko yun at ikinabit sa gilid ng balakang ko... Pagkatapos noon ay nagmadali akong pumunta kina devon at prince.

"Oh ayan Ipangtakip niyo dyan sa harap... Iche-check ko lang kung nakalock ba yung mga bintana at pinto na pwedeng pasukan ng kung sino-sino." Binigay ko sa kanila at nagsimula narin silang maglagay. Ako naman ay isa-isang chineck ko yung bintana at sinarado ang kurtina.. Dinouble check ko pa in case na baka may makalimutan akong icheck.. Nakalock at sarado naman silang lahat.

Pumunta ako kina Prince sa harap at nakita ko namang tapos na silang magtakip.

"Prince wag kang maingay diyan at magbantay ka lang. Ikaw naman kyle dito tayo sa likod magbabantay. Okay?" Pareho naman silang pumayag at pumunta na kami sa sarili naming pwesto ni devon dito sa likod.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong tuloy-tuloy lang sa paglalakad yung mga panget.. Hindi ko alam kung saan yan galing.. Ang alam ko lang ay may sumabog sa may di kalayuan sa harapan namin tapos ganito na kaagad yung result. Maraming lumabas na panget sa harapan ng truck namin..

Tahimik lang kaming lahat at ni isang katiting na tunog ay wala kang maririnig.. Pinagmamasdan ko yung mga panget sa labas.. May napansin akong panget na babae na parang may naamoy siya. Palinga-linga pa nga sa gilid niya eeh.. Haha! Ano yun? Naamoy niya ba yung sarili niya? Haha joke lang yun...

Ang tanga niya dahil hindi niya alam na nasa loob kami ng truck at minamasdan ko lang ang bawat galaw niya...

Ikot parin siya ng ikot hanggang sa makalapit siya sa bintana na sinisilipan ko... Sh*t! Ang lakas ng pang-amoy ng isang to ahh... Binabawe ko ng tanga siya..

Hinanda ko na yung baril sa bulsa ko at nilagyan ito ng silencer. Binuksan ko ng kaunti  at dahan-dahan yung bintana at binaril siya sa ulo.. Mabuti naman at walang nakapansin sa kanilang lahat... Phew~ Mabuti nalang...

Ibabalik ko na sana yung baril ko sa bulsa ko ng bigla kong na tabig yung coke in can sa gilid ko at nahulog yun. Sh-t! Palagi nalang akong mura ng mura sa isipan ko... Ba't ba ang tanga ko?

"Uuurgh......uurrgghh!!" Narinig kong mga ungol ng mga panget sa labas. Aish! Eto na nga ang sinasabi ko eeh..

*Blag! Blag! Blag!*

Argh! Ba't ba kalampag sila ng kalampag?! Ang ingay!....Aish! Kailangan kong makaisip ng solusyon dahil sa nagawa kong katangahan.

Nilapitan ko kaagad si Prince sa harap at sinama ko rin si devon..

"Anong gagawin natin?" Tanong skin ni Prince.

"May plano ako." sabi ko sa kanila..

"Ano yun?" Tanong ulit ni Prince.

"Nasaan na yung mga bomba. I think one bomb will be better.. Now, Where is it?" mabilis kong tanong.

"Doon sa pulang bag sa gilid ng sofa." turo naman ni devon.

Pumunta naman ako doon at dali-dali akong kumuha ng isang bomba. Pumunta ako sa ladder then umakyat at binuksan yung pinto sa taas. Lumabas ako doon at tinignan yung mga zombie sa paligid.  Pumwesto na ako at tinanggal yung pin ng bomba at tinapun doon sa malapit sa kanila. Napatingin silang lahat doon at naglakad papalayo.

Yes! Succesfull ang plano ko!

Pumasok na ako sa loob at sinarado yung pinto sa labas.. May iba pa namang nangangalampag pero kaunti lang sila. Pumunta ako kina Prince at sinabing--"We need to go.while thier attensyon from us is gone now." sabi ko at sinunod niya naman iyon..

Lahat ng mga nakaharang na panget sa daan namin ay sinasagasaan nalang namin..

Wala na kaming sasayangin na oras.. Dahil may kutob ako......

Na mas marami pa sa kanina ang makakalaban namin.

~End~

A/N

Sorry sa mga grammar and typos...

Thank you!

Dead Zone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon