A/N
Sorry sa mga grammatical errors ang typos.
ENJOY READING!
============
Chapter 08
New
Members
============Prince's POV
*Bang! Bang! Bang!*
*Ratatatatatatatatat!*
(A/N Mga putok ng mga baril yan.)
"Tara na! Sumakay na kayo doon sa Truck!" sigaw ni Ash kaya Nanguna na ako sa sasakyan at sumakay sa unahan..
Lumingon ako sa loob para masigurado akong nakasakay na sila.. Nakita ko namang sinakay nina Kyle yung kambal sa loob at ang sunod namang umakyat ay si Devon at tinulungan niyang ring umakyat si Ash....
Parang nag-slow motion sa paningin ko ang paghawak nila ng kamay. Bigla akong nakaramdam ng selos..
Oo. Aaminin ko na may nararamdman ako kay Ash... Dati pa ako nakakaramdam ng ganito kay Ash. Simula ng bata pa kami... Akala ko dati crush ko lang siya pero iba pala habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko.. Noong umalis ako dati ay sobra akong umiyak. Kahit na nakarating na ako sa States ay hindi parin ako tumahan sa pag-iyak... Hindi ako mapatahn ng mga magulang ko at kahit sino hindi ako mapatahan pero noong tumawag ang mga magulang ni Ash sakin noon at narinig ko ring umiiyak siya ay tumahan ako at kinausap siya na tumahan narin...
Haay....Nakakamiss yung mga panahon na malaya kaming tumatakbo sa damuhan at naghuhulihan....
Sana......... Sana........ Hindi na nangyare itong Zombie Outbreak na'to...
Balak ko pa sanang ligawan si Ash at magtapat ng nararamdaman ko....
"Huy! Prince! Paandarin mo na yang makina! Maabutan nila tayo!" Sigaw sakin ni Ash at doon ako bumalik sa ulirat..
Tumango nalang ako at pinaandar na kaagad yung truck.. Tinignan ko yung rearview saglit at nakita kong wala ng humahabol samin.
Ash's POV
Phew~! Muntikan na yun ahh... Mabuti nalang at tumulong yung kambal sa pamamaril namin doon sa mga panget.... Hindi na rin kami namroblema na bantayan yung kambal dahil sabi nga nila. Hindi daw sila pinapansin ng mga panget at kanina lang nila pinatunayan yun... Nagulat nga ako na may halong pagtataka sa mga kinilos ng mga panget... Napapansin ko kasi na ako palagi ang tinitignan nila kahit na sa yung iba ay pumupunta kina Prince pero skin parin sila nakatingin.. Parng may gusto silang sabihin sakin pero hindi sila masabi...
"Arf! Arf! Grrrr! Arf!"
"Holy Cow!" Narinig kong pagsigaw ni Prince at bihlang huminto yung sasakyan.. Kaya lahat kami natumba sa pagkakaupo. (Imaginin niyo nalang.)
Tumayo kaagad ako at pumunta kay Prince.. Nagulat ako sa nakita ko dahil.................
May isang grupo sa daan at tigda-dalawa pa sila ng mga baril.. May kasama rin silang Malaking aso at sa tingin ko ay isa iyong labrador...
Kumaway sila saamin kaya bumaba kaagad ako...
"Devon, Prince, bantyan niyo yung mga bata at huwag na huwag kayong bababa hanggat hindi ako bumabalik...."
Bigla naman akong hinawakan ng kambal sa braso ko at nakita ko naman sa mukha nila ang pag-aalala... Ngumiti naman ako sa kanila at hinawakan ang mga kamay nilang dalawa....
"I can handle this... Pumasok na kayo sa loob at hintayin nalang ako. Okay?" Sabi ko at tumango naman yung kambal..
Naglakad ako palapit sa grupong iyon at kinausap..

BINABASA MO ANG
Dead Zone
RandomPahalagahan mo lahat ng mahal mo sa buhay mo. 'Di natin alam, baka bukas.... Hindi mo na sila masilayan.. (This is a Zombie story. Slow Update po siya. Magaupdate lang ako kapag nagkamood ako hehe)