Chapter 11

27 2 0
                                    

A/N

ENJOY READING!

============
Chapter 11
============

Devon's POV

Nandito kami ngayon sa isang convenience store.  Prenteng nakaupo lang ako habang inaabangan na magising si Ash. Apat kaming magkakasama dito. Ako, si Ash, Zoe at Jake. kasama naman ni Godwin si Meg, Charles, Raven, at Prince.  Nasa gawing dulo kami ng second floor. At sa tingin ko dumiretso sina Godwin sa 1st floor. Nakita ko kasing bumaba sila ng hagdan habang papalayo kami nina Jake kanina. Mukhang  hindi ko na kailangan pang alalahanin ang kambal atung nurse sa truck. Ligtas naman sila doon. Basta't huwag lang sila magiingay.

Hindi parin nagigising si Ash. Hindi ko alam kung anong nangyare sakanya. Nag-aalala ako kasi.......wait--

Bakit nga ba?

Aaargh! Basta. Para kasing... pamilyar siya sakin. Nang makita ko siyang nahimatay ng ganon. Bigla ko nalang naramdaman ang hindi ko dapat maramdaman sa kanya. Hindi ko alam pero... parang may kinalaman siya sa past ko. Everytime na kasama at tumitingin ako sa kanya. Nararamdaman ko ang hindi ko dapat maramdaman.

"Hmmn....", dali akong lumapit kay Ash ng marinig ko siyang umungol. Pawisan siya at nakakunot ang noo. Mukhang nananaginip siya. Kumuha ako ng pamunas sa bulsa ko at ipinunas ko iyon sa noo niyang pawisan. Medyo inayos ko rin ang pagkakaunan niya sa jacket ko. Habang pinupunasan ko siya ng pawis ay pinupukaw ko siya ng marahan.Umungol siya at parang may binubulong. Pero hindi ko maintindihan kaya nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.

"hmmn... plekshj....", muli niyang sabi na hindi ko parin maintindihan.

"Mmm... A-Ayoko.... W-Wag.... mo akong..... iwan...", this time luminaw ang mga sinasabi niya. 

"UY Devon. Anong ginagawa mo kay Ash?", nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Agad akong lumingon kung sino 'yun. At nakita ko si Jake na nakatayo habang umiinom ng mainit na kape. Hindi ko siya pinansin at itinuon ko ulit ang atensyon ko kay Ash. 

"Ash... Gising Ash..", Pagpukaw ko sakanya.

Ash's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at ang kadiliman kaagad ang bumungad sakin. Teka--

Nasan ako?

Nasan sila Devon? Atsaka, paano ako napunta dito?

NAkakita ako ng isang malaking kulay puting pinto sa di kalayuan kaya agad ko itong pinuntahan. Wala kang ibang makikitang kahit ano sa kinaroroonan ko ngayon kung hindi ang pintong nasa harap ko. Luminga-linga pa ako sa paligid ko kung may tao paba maliban sakin. Malay niyo nandito rin sina Prince. Pero kagaya ng inaasahan ko ay ako lang talaga ang nagiisa sa kadilimang ito.

Nang hawakan ko ang doorknob ng pinto ay nakaramdam ako ng pag-asa. Kaya siguro wala sila dito ay baka nasa kabilang banda sila ng pinto.

Marahan ko itong pinihit at umaasang bubungad sakin sina Prince. Pero nagulat ako ng hindi iyon ang bumungad sakin. Kundi isang malaking kulungan na puno ng zombie sa di kalayuan.

Meron itong ilang ilaw na patay sindi sa taas pero ayos narin at naanigan ko ang buong kwarto. Lumakas ang tibok ng puso ko  kapag tinititigan ko ang mga zombie sa loob ng kulungan. Hindi ako armado. Ni isang armas ay wala akong dala. Pero parang may bahagi ako na nagsasabing puntahan ko ang kulungan na iyon.

Kaya kahit na delikado ay lumapit parin ako. Habang papalapit ako ay lalong sumisikip ang dibdib ko. 

Hindi ko maaninag ang mga mukha ng mga zombie sa loob. Kaya lalo pa akong lumapit.

Laking gulat ko nalang ng makita ko kung sino-sino ang mga ito. Hindi ako makahinga na ewan.

"P-Prince...... Guys....", hirap na hininga kong sabi.

N-No.... Hindi to maaari... Paano to nangyari sakanila?

Lahat sila ay naging zombie na. Pati narin ang kambal. Mukha na silang mga naaagnas at puro's dugo ang mga kamay at bibig nila. Bakit? Bakit to nangyare sakinla? Paano? Kusang tumulo ng sunod-sunod ang kanina pang nagbabadya kong mga luha. Nanginginig akong napaupo sa sahig. Humagulgol ako habang takip-takip ko ang sariling mukha na ang dahilan ng pagwala nila sa loob ng kulungan. Rinig ko ang mag ungol nila na gustong kumawala para kainin ako. Ano ba talagang nangyare? Bakit at pano sila nagkaganyan? samantalang nandito ako at buhay.

Tumayo lahat ng balahibo ko ng may biglang kumapit sa kanang paa ko. Napatingin ako sa kumapit sakin at nakita ko si Devon na duguan pero kita ko sa mata nito na normal pa siya.

"A-Ash... Aaahkk--", hirap na hirap niyang tawag sakin. Dali akong lumapit sakanya at inihiga ang ulo niya sa lap ko. Nakakapa ako ng basa na malapot sa bandang tiyan niya. Wag mo sabihing--

"A-Ash.... u..malis kanahh....", sabi niya habang nakatingin samga mata ko.

"Aish! Ano ba kasing nangyare? Sa inyo? Bakit ako? maayos naman ako.", sunod-sunod kong tanong. Kita ko naman siyang gustong magsalita pero hindi na niya talaga kaya. Aist! Nagtanong pako eh kitang nagaagaw buhay na nga tong kasama ko. Ang tanga mo Ash.

"S-Sige wag mo na akong sagutin. Basta't kailangan na kitang mailabas dito at gamutin yang sugat mo.", Binuhat ko siya patayo pero natumba kami uli dahil hindi ko siya kayang mabuhat. Napadaing siya sa sakit ng pagbagsak niya sa sahig.

"Hala-- Sorry!", taranta kong paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Kailangan.... mo n-ng... umalis..", Halos mawalan na siya ng hininga ng banggitin niya ang mga katagang iyan.

"A-Ayoko! Wag mo akong iwan!", pagmamakaawa ko. Kasalanan ko... Kasalanan ko kasi pinabayaan ko sila... hindi to mangyayare kung nagpabaya ako. Mas maganda na kung sama-sama na kaming mamamatay dito.

Umiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Kahit na nagaagaw buhay na siya. Namumutla dahil marami ng naubos na dugo sa kanya. Taimtim siyang tumingin sakin at binigyan niya ako ng isa sa mga matatamis niyang ngiti. Kahit na mahirap ay nginitian ko narin siya. At pagkatapos nun ay ipinikit na niya ang mga mata niya at binawian na ng buhay. Napahagulgol nalang ako habang nasa harap ko siya. Nakahiga na walang buhay.

Ash.......

"Ash....Gising Ash.", napadilat ako ng marinig ko ang boses na'yun. Nakita ko si Devon normal at mukhang healthy na nakatingin sakin. Bigla akong napaupo galing sa pagkakahiga. Tumingin ako skinaroroonan namin. Mukhang nasa isang convenience store kami. Kita kong tinakpan nila ng itim na tela ang glass door at wall ng convenience store. Upang hindi siguro kami makita kung mapadaan man ang isang giant zombie.

Pansin kong wala sina Prince kaya bigla akong nagpanic. 

"Nasan sina Prince?!", sigaw ko. Nagulat naman silang tatlo sapagkakasigaw ko. Lumapit naman kaagad sakin si Devon at ipinaliwanag ang paghiwalay ng grupo sandali. Pagkatapos niyang sabihin ito sakin ay kumalma na ako. hayst. Mukhang natrauma ata ako sa panaginip. Napahawak nalang ako sa sariling ulo.

"Magready na kayo guys. Pagkatapos ng limang minuto ay babalik na tayo sa truck. Paniguradong nandoon na ang iba.", Rining kong sabi ni Devon. Tumayo siya atsaka nag-ayos ng sarili. 

Dahan-dahan narin akong tumayo atsaka naghimas-mas. 

Ngayon lang ulit ako nanaginip ng masama. Hindi ko alam na malaki na apala ang epekto ng Apocalypse na'to sakin.

Hindi magiging madali ang paglalakbay namin. Lalo na't nakaramdam na ako ng kutob.

Kutob na... hindi maganda.

End of chapter 11

A/N

Ilang buwan narin akong hindi nakapag-update sa story na to. Medyo nabusy kasi sa school. Hehe sorry po at nalate. SAna nag-enjoy kayong basahin 'to. Ciao!!!!








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dead Zone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon