CHAPTER 47

77 4 8
                                    

Kung ano anong pagtatalong ginawa nila sa kung saan ako mag s'stay pero nung nagsalita na si Dylan ay agad silang natigilan.

"O-oo nga bahay nyo naman parehas yon. Tsaka may ambag ka don pwede ka naman don tumuloy." Hindi ko alam pero ang weird nila, siguro ay naiilang lang sila sa amin dahil ang tagal namin hindi nagkita.

"Oo nga Elle, makaktipid kapa. Dun kana lang." sabi ni Jess.

"Anong meron? Bakit parang biglang naging awkward kayo?" Tanong ko sa kanila at biglang tumawa. Ayoko ng gawing awkward pa lalo yung atmosphere pero sila naman tong kakaiba ngayon.

"Seryoso? Hindi ka na a-awkwardan?" Tanong ni Lors habang tinuturo ako at si Dylan.

"Syempre awkward pero wag nyo ng dagdagan pa. We'll stay in Dylan's home okay na?" Ngiti ko sa kanila.

"At last! Bumalik na nga ang dating Elle na nakilala namin." Niyakap naman ako ni Jerald at James, alam kong kanina pa nila ako gustong yakapin siguro ay tinitimpla muna nila ako kung bumalik na nga ba ako sa dating Elle na nakilala nila.

"So pano? Enjoy nyo muna ni Dylan ang isa't isa? You have many catching ups to do." Biro ni Jerald at hinampas ko sa balikat.

"Sira. Mag aayos pa ako ng gamit namin at pagod din talaga ako sa biyahe, tomorrow nalang. Dinner in our house, my treat!" Alok ko sa kanila, na miss ko sila.

"Yes! Makakalibre rin ng menu mo. Ubos na pera ko kakakain dito eh." Sabi ni Jess.

"Asa Jess ha nililibre naman kita." Sabi ni Jerald at nagtawanan kami.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at nauna silang umalis, nakita kong holding hands si Jerald at Jess. Sila na kaya? Habang si Lors at James naman ay nag kkwentuhan. Tahimik akong napangiti sa kanya.

"You really came back after one year." Binaling ko ang tingin sakin ko kay Dylan ng nagsalita sya. Na miss ko si Dylan at hindi ko ipagkaakila iyon. Hindi ko lang talaga alam paanong approach ang gagawin sa kanya.

"Yes, I did came back. Can you wait here? Magpapaalam lang ako kay Divine?" Nahihiya ko pang sabi sa kanya.

"Sure take your time." Naupo sya at hawak parin ang anak namin. Tulog na tulog si Isabelle halatang pagod sa biyahe namin.

"Divine, mauna na ako ha? Ikaw na muna ang bahala dito. Tawagan moko kung may problema o may kailangan ka." Sabi ko sa kanya at nakangiti naman sya.

"Hindi mo naman po ako ininform na artistahin ang tatay ng Anak mo." Natawa naman ako sa sinabi nya, well mas gumwapo si Dylan ngayon.

"Sira ka. Osge na, marami pa akong dapat asikasuhin at ayusin." Paalam ko sa kanya.

"Pakiayos na rin yung sa inyo ni Dylan ha? Ito na yung right time." Sabi niya sa akin at nginitian ko sya. Kinuha ko yung bag ko at bumalik kina Dylan, narinig kong may kausap sya kya hindi nya siguro ako napansin.

"Yes Anj, cancel all my appointments for today and tomorrow as well. I'll inform you when I'm free." Narinig kong sabi nya dun sa Anj.

"Ibigay mo na sakin to. Please? Ikaw na muna ang bahala. Thankyou bawi ako!" Binaba nya na yung tawag, parang bigla akong nagselos sa kausap nya. May iba naba sya? Hindi naman to nakikipag usap sa ibang babae unless business related.

"Ah a-ano. Ako na mag drive ng kotse ko, kita nalang tayo sa bahay." Sabi ko sa kanya na medyo nahihiya pa.

"Sa kotse ko nalang. I'll call mang fernand to drive yours." Sabi nya at tatawagan na si Mang Fernand.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon