Chapter 20

231 27 1
                                    


Chapter 20

I'm currently lying in my bed right now, kakauwi lang namin galing sa camping. Hindi kami as in na nag-enjoy dahil nga sa nangyari kagabi—ang biglaang pagdating ng parents ni Spencer.

May usapan din kami na magkikita bahay nila Rhai after lunch dahil pag-uusapan namin ang tungkol kay Spencer, we would also talk about kung pa'no namin s'ya matutulungan.

We need to help Spencer.

"Ma'am Lyra, dumating na po ang Aunt Sally n'yo," wika ng isang kasama namin sa bahay mula sa labas ng k'warto ko.

"Ok, bababa na po ako in just a minute."

The good thing about what happened yesterday ay hindi namalayan ni isa sa mga katulong namin na nawala ako, hindi man lang nila napansin na hindi ako natulog dito kahapon.

"Hi Aunt Sally." I greeted her and I gave her a tight hug. "Kumusta po ang trip n'yo?"

"Oh, about the trip marami nang bagong recipe ang madadagdag sa menu natin. I've visited different coffeeshops and I must say na masarap ang kape nila, including the baked goods."

"Mas masarap pa ba ang nasa menu ng ibang coffeeshop compared to Café La Celestia?" I asked jokingly.

"Well, as of now masasabi ko na mas masarap ang nasa menu ng ibang coffeeshop, pero kayang lamangan 'yon ng Café La Celestia," sabi ni Aunt Sally with full of confidence.

"Kaya nga number one coffeeshop tayo in the city eh," sabi ko which is quite true.

"O sige na, magpapahinga muna ako sa k'warto ko. Wala ka bang counseling ngayon?"

Agad akong umiling. "Wala po akong counseling ngayon."

Bumalik na ako sa k'warto para magsulat ulit sa journal ko. Hindi ko alam pero pagsusulat talaga ang hilig kong gawin tuwing may free time ako, kumbaga pampalipas oras.

Idinikit ko sa journal ko ang mga pictures na nakuha ko kahapon, wala kaming picture ng gumdrops kasi puro mga litrato ng puno lang ang nakuha ko.

Camping with Gumdrops” 'Yon ang isinulat ko sa top page, I wrote everything that happened sa camping. Even some of the lyrics sa kinanta ni Pia, which is ang theme song daw ng Gumdrops. I also included the part kung saan biglang dumating ang parents ni Spencer.

I suddenly felt sleepy kaya ay humiga muna ako sa kama to take a quick nap.

-

"So you're telling me na tumatakas lang si Spencer tuwing may lakad tayo?" tanong ni Keios after ikwento ni Alas lahat ng tungkol kay Spencer.

"Exactly."

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to?" May halong inis sa boses ni Keios habang nagtatanong.

"Kung ako lang ang magde-desisyon sasabihin ko naman sa inyo, pero ayaw ni Spencer na malaman n'yo pa cause he doesn't want all of you to get worried," wika ni Alas na tila ay naiinis na rin.

"Guys, let's talk in a calm way naman oh," wika ni Pia nang mapansin ang tension sa pagitan ni Alas at Spencer.

"Pa'no tayo makakapag-usap ng maayos kung pinapairal n'yo 'yang emosyon n'yo?" This time ay si Rhai na ang nagsalita.

"Pag-usapan na lang natin kung pa'no natin matutulungan si Spencer," I said.

Alas and Keios calmed down and it seems like nag-iisip si Keios ng paraan upang matulungan si Spencer.

"Puntahan kaya natin s'ya sa kanila," sabi ni Keios.

"I agree."

"Tapos? Anong gagawin natin do'n? Nakakatakot naman makipag-usap sa parents ni Spencer, ang terror nilang tingnan kagabi. Parang nangangain ng tao," sabi ni Rhai at muntik na akong matawa sa huling sinabihan n'ya.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon