Chapter 48 - Overthinking

1K 68 12
                                    

Chapter Forty Eight | Overthinking
Jin Revamonte's Point of View


Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang iniisip ang mga nakaraan naming dalawa ni Damn. Napatingin na lamang ako sa harap ng laptop ko, hindi ko kasi maigalaw ang thesis ko sapagkat nalilito ang isipan ko.

I can't think straight.

Ilang buwan na ba nang bumalik ako mula sa Manila? Tatlo? Apat? Mabuti naman ang pag-uusap naming dalawa sa mga unang buwan pero bigla na lang naghalo ito na parang bula.

I checked my phone, still no message from Damn. Kaya patapong linagay ko na lang ito sa loob ng aking bag. 'Di ko parin kaya napapalitan ang wallpaper ko kasi siya parin 'yun! Yung mukha niyang maamo kung matulog!

Isang buwan na rin nang 'di na kasi kami nakakapag-usap ni Damn sa telepono, kahit saan 'di ko siya macontact. 'Di rin ako makabisita sa kaniya kasi abala ako sa thesis ko.

Kamusta na kaya si Damn?

Naka-kain na ba 'yon ng kaniyang hapunan? Is he taking care of himself? Nag-aaral ba 'yon ng mabuti?

Naguguluhan na ako.

I miss him so much.

"Still no contact?" Tanong sa akin ni Theo, pinatong nito ang isang cup ng paborito kong caramel macchiato. Tumango lang ako sa kaniya at 'di ko kayang tumingin sa kaniya kasi alam kong bibigyan niya lang ako ng sympatya. Jusko. Ayaw ko namang magmukhang kawawa sa harap niya at ng kaniyang nobya dito sa loob ng coffeeshop ano!

Nasa loob kasi kami ng tambayan noon namin ni Damn. Ang coffeeshop na paborito namin. Dito kasi namin napagpasyahang gumawa ng thesis muna.

I hugged myself, habang inaabala ang sarili ko sa pagbabasa ng isang article sa harap ng screen ko. "I miss him." 'Yun na lang ang nasabi ko while I burrowed my head on my knees.

"Try mo kaya siya puntahan Jin?" Tanong sa akin ni Demi, girlfriend ni Theo. Tiningnan ko lang siya at ngumiti.

"Tambak-tambak kasi ang gawain ko ngayon. Wala pa akong time para puntahan siya." Malungkot kong sinabi sa kaniya.

"Eto oh. Ngayon, isipin mo muna ang school works mo. Tutal magc-christmas break na rin naman kaya pagkatapos ng school puntahan mo siya doon. I guess Lolo will allow you naman." Theo suggested.

Tumango na lang ako at inabala ang sarili ko ulit sa pagbabasa ng gawain ko.

Pero I can't think straight. Habang binabasa ko kasi ang thesis ko, madaming pumapasok sa isipan ko.

Paano kung may iba na 'don si Damn?

Paano kung na-aksidente siya? Tapos nagka-amnesia?

Paano kung namatay siya don? Tapos tinago lang sa akin kasi ayaw ng pamilya niya na masaktan ako?

Paano kung, may nabuntis siya? Tapos 'di niya sinabi sa akin?

I can't help but let my anxiety take control of my brain! I feel so hopeless. Then suddenly I realized I was crying in front of the screen. Tumutulo na pala ang mga luha ko habang nagbabasa.

"H-hoy Jin!" Sigaw ni Theo sa akin. Napatayo naman sila ni Demi at saka ako tinulungan. "Hoy Jin 'wag ka ngang umiyak. Makita ka pa ng mga tao dito eh." Sinampal naman ni Demi sa braso si Theo kasi ina-away nito ako.

Binigyan niya nalang ako ng tissue at pinunasan ko na lamang ang luha ko.

"Tangina — miss ko na si Damn."

Umiiyak parin ako habang hinihimas ni Demi ang likod ko. "Jin, sabi ko nga sa'yo. Puntahan mo siya pagkatapos ng klase."

"Kaya ko kaya siyang makita don?"

"Oo, ikaw pa. At least you did your part kapag makita mo na siya dun." Ani Demi sa akin.

The next few weeks, inabala ko ang sarili ko sa thesis ko at nang mag-Christmas break na ay pinayagan naman ako ni Lolo na pumunta kay Damn. I did not text Damn about me going to his place or sa Manila para surprise. Kasi 'di naman ito nagrereply sa akin kaya ba't ko pa sasabihin diba?

So I prepared myself for the trip.

Inayos ko ang sarili ko dahil mukha na akong timang dahil sa stress sa school at dahil na rin sa pagiging over thinker ko. Kaya ayun, before the flight nagpa-facial muna ako, tapos nagpawax, I took a lot of vitamins at nagpaganda buong araw dahil gusto kong makita ako ni Damn na kumikinang.

I also have to prepare myself kasi alam kong ilang buwan kong napagkaitan si Damn ng sex. Kaya baka pag-abot ko eh diretso na kami sa kama.

So ayun, my flight was 7 in the evening kaya 4 palang nasa airport na ako.

It took me an hour and a half para makadating sa Manila. God, I was so tired kaya! Kaya pagdating ko ay dali-dali muna akong naghanap ng coffeeshop na pwede kong mabilhan ng caramel macchiato. At 'di nga ako nagkakamali dahil may Coffeebreak sa labas kaya bumili kaagad ako.

Habang naghihintay ng taxi ay napatingin ako sa hawak-hawak kong kape. God, I missed those days na si Damn itatapon lang sa akin ang kape kasi hate niya ako.

I miss him so much.

It didn't take me that long para makasakay na at dali-dali ko namang sinabihan ang driver na ihatid ako sa condo ni Damn.

Habang nasa daan ay 'di ko maiwasang mapatingin sa madilim na kalangitan. Maraming tao ang nasa labas ngayon dahil Christmas na and as usual malamig ngayon sa Manila kasi ber months na rin.

Napaisip na lang ako.

Ready na ba akong makita si Damn ulit?

Magda-dalawang buwan na na 'di kami nakapag-usap. Ano na kaya ang ginagawa niya dun? Kamusta na kaya siya?

Nakarating ako ng isang oras sa kaniyang condo dahil sa traffic.

I prepared myself when I got myself infront of his door. Magdo-door bell pa sana ako pero nakabukas na ito. Kaya dahan-dahan ko na lang itong binuksan pero nabigla na lang ako sa aking nakita.

"D-damn?"

© 061220

I HAVE A SURPRISE FOR THE LAST CHAPTER!!! Hope you guys read it 🥺👉🏻👈🏻

I HAVE A SURPRISE FOR THE LAST CHAPTER!!! Hope you guys read it 🥺👉🏻👈🏻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon