Chapter Forty Six | Cry
Jin Revamonte's Point of View"Damn?"
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko mismo sa harap ko. "Damn?" ulit kong tinanong sa kaniya. I dropped all my baggages down. I was trembling at para akong nalunod sa nakita ko.
Nakasandal ang babae sa kitchen counter ng kaniyang condominium. Nakatingin sila ni Damn sa isa't-isa. Baka siguro kung hindi pa ako nakarating ng maaga baka — baka naghalikan na silang dalawa...
Lumingon si Damn sa akin habang napapakurap naman ako. Sumikip bigla ang dibdib ko sa nakita ko. Parang pasan ko ang mundo dahil biglang bumigat ang balikat ko. Eto pala ang rason kung bakit 'di kami nakakapag-usap sa telepono paminsan.
May iba na pala siya.
"J-jin?" Bigla nitong tinanong sa akin. "P-paano ka nakapunta dito?"
I wanted to surprise him atleast kaya 'di ko pinagsabi sa kaniya na pupunta ako dito at tutuloy sa condominum niya para samahan siya. Pero feeling ko 'di na matutuloy ang pagtuloy ko dito kasi may iba na siyang kasama.
Sana naman sinabi niya sa akin...
Bigla namang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita ko, parang nakasinghot ako ng usok dahil parang may nabara sa ilong ko — hindi ako makahinga sa ilong!
"J-jin, this is not what you think..." Ani Damn sa akin at lumapit ito para sana hawakan ako pero winaksi ko lang ang mga kamay nito. Tumutulo na ang mga luha ko pero hindi ko parin mai-alis kay Damn ang tingin ko.
Tumakbo ako at lumabas ng condominium nito. Naririnig ko namang sinisigaw nito ang pangalan ko habang hinahabol nito ako pero 'di ako lumingon sa kaniya. Ang sakit sakit ng dibdib ko, parang kung may anong tunok na pumasok sa loob. Parang pasan na pasan ko ang bigat ng damdamin ko na ito dahil namamanhid ang mga braso ko.
I kept running away from him. Bahala na kung saang lupalop ng Manila ako mapupunta. Ang gusto ko lang talaga 'di na makita si Damn!
Putangina.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na napadpad sa terminal ng light rail transit nila dito. Nakatayo lang ako dito at umiiyak habang tinitignan ako ng mga tao. Wala akong paki-alam kung makita nila ako sa ganitong sitwasyon dahil ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon.
I feel so helpless.
I just keep on crying.
I shouldn't be acting like this.
Pero Damn, ba't mo 'yon nagawa sa akin?
May pagkukulang ba ako sa'yo?
Humahagul-gol lang ako sa tabi ng terminal nila habang sumisinok-sinok gawa nang hindi ko makontrol ang sarili ko, but I don't mind kung ano na ang tingin ng mga tao sa akin dito!
Gusto ko lang talagang ilabas ang sama ng loob ko, dahil hindi man lang ako naging sapat sa taong minahal ko.
I gave him everything pero ang dali-dali lang para sa kaniya na ipagpalit ako na parang isa lang akong sirang laruan.
Kapalit-palit na ba talaga ako?
May bigla na lamang lumapit sa akin na lalaki at binigyan ako ng panyo.
"B-Blue?" Ani ko sa kaniya nang tumingala ako para makita kung sino ito. Tinahan ako ni Blue.
"Andaming pwedeng pag-iyakan mo dito, bakit sa terminal talaga?"
BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Genç KurguCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...