Chapter Fifty One | Drive
Rin Revamonte's Point of ViewDamn being true to his words last night indeed introduced me to his Mother.
Ang gara ng pananamit ng Mom nito. Halatang hindi nanggaling sa hirap. Idagdag mo pa na kahit kulubot man lang sa kaniyang mukha 'di mo makita. Nakataas pa talaga ang kilay nito at nakapulupot ang mga kamay nang ipaharap ako ni Damn sa kaniya.
Nasa loob na kasi kami ngayon ng bahay ng Mom ni Damn na'to dahil gusto niyang ipakilala ako sa kaniyang Mom para maging official na kami at para itigil ng nito ang pagpapadala ng kahit sinong babae sa kaniyang condominium.
"This is my boyfriend." Ani Damn sa kaniya habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Damn was so brave showing ne to his mother. "Now, stop interfering with my life from now on. Wala kang karapatang diktahan kung sino ang gusto kong mahalin." Ani Damn sa kaniyang Mom na nabigla naman sa binitang salita ng kaniyang anak.
"Axel! I didn't raise you like that!" She yelled at him.
"Of course you did not raise me! It was Dad who raised me all along!" Damn counter-backed which made his Mom gasp.
"Kahit na si Lucio ang nagpalaki sa iyo, ikaw ang dinala ko sa sinapupunan ko. So don't you act like that in front of me. Wala kang modo!"
"If you're not going to accept me like this Mom. Then it's better na kalimutan mo nalang kami ni Dad." Damn answered atsaka ako hinila palabas ng bahay nila, sumunod naman ako sa kaniya at lumabas na kami ng tuluyan.
Damn started driving at habang nasa daan ay wala kaming imikan. Tiningnan ko lang siya habang dinidiin niya ang pagmamaneho, he's looking at the road furiously at dahil sa galit, bigla namang tumulo ang mga luha nito.
"Damn." Hinawakan ko ang kamay ni Damn. He was still crying while looking at the road.
Damn steered the vehicle to the side of the road. He took a deep breath but it seem like he can't stop himself from crying. Sumisinok-sinok pa ito habang nakatingin sa daan. He was agitated whilst crying.
'Di ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko na ito atsaka niyakap, umiiyak itong napasandal sa dibdib ko. Damn grew up not being loved by his Mom, I know he rarely — never — even talk about his Mom and I respected him for being that.
"Putangina kasi siya." Ani Damn sa akin habang umiiyak. "Iniwan niya lang kami pagkatapos mamatay ni Dane — and now, and now she's trying to interfere with my life? How dare she?!" Dagdag pa nito.
"She left me with Dad, alam mo nu'ng bata ako I tried to chase for her." Tumingin si Damn sa akin habnag yakap-yakap ko siya. "But she ignored me. She left me stumbling on the ground, crying. Not even bothering."
Napatingin naman ito sa ibang direksyon. "She was never there for us, my younger sister Dane just threw herself on the school's building dahil 'di na nito kaya. She was 12 that time, while I was 14." Ani Damn. Kumalas naman ito sa akin atsaka inayos ang pagkakaupo sa kaniyang upuan.
"She's the reason why my sister killed herself, she was pressured to join my Mom and to run away from the family. Kasi gusto ni Mom na dalhin si Dane sa ibang pamilya. She wants to leave me and Dad alone, but my sister doesn't want to be with her dahil ayaw niyang iwan kami. My sister was still young!"
Bigla namang sinuntok ni Damn ang manibela ng kaniyang sasakyan. He kept on punching it but I was quick to hold his hand atsaka ito pinataas, Damn wants to punch the steering wheel again pero pilit ko itong ina-awat. "Damn!" I yelled at him, pero 'di niya pala alam na nasuntok niya ako sa mukha. Dahilan para masubsob ang mukha ko sa bintana ng kaniyang sasakyan.
He gasped.
Nabigla ito sa nagawa niya sa akin. "F-f-uck!" Ani Damn atsaka hinawakan ang mukha ko. "I-I'm sorry." Umiling lang ako sa kaniya at inayos ang sarili ko. Kahit na alam ko ang sakit ng suntok niya sa akin.
Hahawakan pa niya sana ako pero tinabig ko lang ito. "N-no, okay lang ako." Nginitian ko lamang si Damn. Pero hindi ito nadala.
Napasabunot na lamang ito ng kaniyang buhok pero hinawakan ko ang mga kamay nito at sinabihan siya ng, "Damn, please calm down." ng mahinahon. "Alam kong galit na galit ka. I understand, alam mo naman na andito ako diba? Please, please take a deep breath and then calm yourself." I advised him.
"Alam kong ang gulo-gulo ng utak mo. I know you're really angry." I added at tiningnan siya, Famn in return looked at me too.
"Everything's going to be okay."
"Kaya nga nandito ako. I'll always be here for you. Kasi.. kasi mahal kita." I gave him a smile.
I am trying to make him calm.
Alam ko na ang hirap pakalmahin ng taong maraming pinagdaanan, ng taong galit.
I hope this will work.
I leaned in to him while he's seated t'saka pinulupot ang kamay ko sa kaniyang leeg. I whispered to him as I clutch on to him tightly.
Alam ko sa sarili ko na 'di ko rin kayang pagaanin ang loob ko kapag nasa ganito akong sitwasyon. But for Damn, I know I will always try hard to make him feel better.
Because I love him so much.
"Everything's going to be okay."
Everything will be okay.
Damn.
...
The next day, naiwan ako sa condo ni Damn dahil may review pa ito. Kaya ang ginawa ko buong araw ay ang maglinis ng kaniyang flat. Wala rin ngayon si Blue dahil may dinalohang charity event.
I was busy cleaning Damn's room nang biglang magring ang doorbell ng condominiumnito kaya dali-dali ko itong binuksan. At tumambad naman sa akin ang Mom ni Damn na nakataas ang kilay at inusisa ako.
"G-good morning po." Bati ko na lang sa kaniya. "Wala po kasi si Damn dito."
"Para kang yaya." She taunted na kinabigla ko naman. Mataas ang respeto ko sa Ina ng nobyo ko pero parang ayaw nito sa akin. "And you look good in it." She added. 'Di na lamang ako nakasagot sa kaniya.
Damn's Mom went inside and sat herself sa dining table "Your name's Jin Revamonte?" She asked me. Tumango lang ako atsaka tumungo sa kusina ni Damn para ipagtimpla ito ng maiinom.
"No, I don't need a drink." She uttered. "I'm actually here to talk to you." She added kaya 'si ko na lamang ito pinagtimpla atsaka lumapit sa kaniya. "Sit down." Utos nito sa akin.
Umupo naman ako sa dining table sa harap nito. "I want to get one thing straight — although I know you are not." She chuckled.
Aba ang homophobic talaga ng nanay nitong si Damn na'to, nagawa pa kasing magbiro! At manang-mana naman si Damn sa ugali nito. Jusko.
'Di na lang ako sumagot sa kaniya.
May kinuha itong isang matabang envelope sa loob ng kaniyang bag. "I want you to break up with Damn." She said as she offers me a whole lot of money.
© 061420
BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Fiksi RemajaCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...