CHAPTER 7

130 49 3
                                    

A/N: Sorry for the typos, wrong grammar and spelling. Don't forget to vote and comment.

CHAPTER 7

Mula ng araw na iyon ay mas madalas na akong sumasama kila Shi. Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi ng ibang tao. Wala naman akong mapapala kung patuloy kong papakinggan ang mga sinasabi nila. Lahat naman iyon ay mga panlalait lang eh. Ang mahalaga sa akin ngayon ay may mga kaibigan akong laging nandyan at naniniwala sa akin.

Sa bahay naman ay wala ng naglakas-loob na pag-usapan pa kung ano man ang nangyari. Walang din kasing magandang maidudulot kung paguusapan pa iyon. Nagpatuloy ang buhay at pilit na lang naming ibinaon ang mga pangyayaring iyon sa limot.

"Cruz, Jenny Mitch De Leon."

Grumaduate ako ng may karangalang with high honor, top 3 sa buong batch at may mga minor awards din para sa mga sinalihan kong contest dala ang pangalan ng school. Syempre kasama rin sa award ko ang mga naipanalo naming dance contest ng dance troupe. Masayang-masaya naman sila Shi para sa akin.

Sila naman ay nagtapos din pero dahil kakalipat lang nila ay ang pinagbasihan na lang ng grades nila ay iyong marka nila sa dating school sa Japan. Pinayagan din sila dahil karapat-dapat ding magtapos dahil matataas ang kanilang mga marka sa Japan. Hindi ko nga rin alam kung paano sila pinayagan dahil magkaibang magkaiba sa Japan at dito sa Pilipinas kung pagbabasihan ay edukasyon. Magkakaiba pa ng mga subjects.

Masaya ako na kasabay ko silang nagtapos kaya hindi ko na prinoblema pa kung paano. Ang mahalaga sa akin ay kasama kong grumaduate ang mga kaibigan ko habang ang mga magulang ko ay masayang pinanood ang pagtanggap ko ng mga karangalan at diploma na nagsasabing nakapagtapos na ako ng junior high school.

Nang magbakasyon ay bumalik sila Shi sa Japan at doon daw sila pinagbabakasyon ng mga pamilya nila. Ako naman ay nasa bahay lang sinusulit ang mga araw na makakasama ko pa si JM. Sa kalagitnaan kasi ng summer vacation ay aalis na siya at sasama sa mga teacher papuntang Maynila para doon mag-aral.

"Ditche daliaan mong magluto diyan. Magsisimula na iyong sinusubaybayan mong teleserye." Rinig kong sigaw ni JM mula sa sala.

"Magsisimula na ba? Teka at patapos na ito." Minadali ko na ang pagluluto't hinango na sa kalan ang ulam namin sa gabing iyon. Dali-dali akong nagpunta sa sala pagkatapos.

"Ang tagal mo. Nagsimula na." si JM na nakaupo sa sahig namin na tinabihan ko naman.

Ilan lang iyan sa mga pinagkaabalahan namin bago umalis si JM. Nang umalis siya ay ang tahimik na tuloy sa bahay. Wala ng laging mangungulit sa akin na turuan siya ng mga napag-aralan na naming subject dahil gusto na niyang matutunan kaagad iyon. Wala ng laging nag-aayang pumunta sa bukid at magpalipad ng saranggola kahit na ang tatanda na namin. Wala ng maingay. Umalis na si JM.

Natapos na ang bakasyon at balik eskwela na naman. Senior high school na ako. Mas malapit na ako sa pangarap kong maiahon sa hirap ang pamilya ko. Kahit na hindi kami kumpleto sa ngayon. Hindi pa rin ako susuko sa pangarap ko na iyon.

Sa senior high ay iba na ang mga subject. Pero mananatili pa rin ang mga courses na sinalihan namin. Pinili kong kumuha ng HUMSS dahil gusto kong maging teacher at iyon na kasi ang pinakamalapit sa hilig ko. Ang pag-aaral. Sila Shi naman ay kumuha lahat ng STEM.

Isang buwan mula ng magsimula ang klase ay nagsimula na rin kaming magpractice nila Shi. May contest pala silang sasalihan kaya nagmamadali na silang kumuha ng member noon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ako ang pinili nilang maging kamemeber pero ang mahalaga sa akin ay dahil doon nagkaroon ako ng mga kaibigan. Hindi na rin ako nakakarinig ng mga kung ano-ano mula sa mga school mates namin.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon