•••••
[Pryztel]
"OMG!Kambal mo pala ang hunk nayon? Bat di man lang namin napansin?"-sabi ni Chammy na niyugyog pa ako.Aissh kasalanan ko bang ang hilig nila gumawa ng theory?Daig pang scientists ng mga to.
"Anong pangalan nya?Grabe beshie paano mo naging kambal ang gwapong nilalang nayon?!"-isa pa to.At ayon pinagkaguluhan na nila phone ko.
"Ano namang ibig sabihin mo dun Hyui?Na nakapagtataka na gwapo ang kambal ko at ako hindi maganda?"-I glared at her at tumawa naman sya saka ako niyakap at nagpeace sign.Babaeng to.
"Haha ikaw nagsabi nun,pero bakit ngayon lang naming nalaman na may kapatid ka pala?Saka ano nga bang pangalan nya?"-tanong pa nya ulit.Hayyys mahabang eksplinasyon to,ibubuod ko na lang.
"Sya si Corrstin,kagagaling nya lang sa Tokyo,at di ko sya naikukwento sa inyo kasi hindi naman sya interesting na topic"-sabi ko in a short way.
"Anong hindi?Yan ba yung hindi interesting sayo?Corrstin is a demigod for Medusa's sake,ugh"-sabi ni Chammy at ngumuso sa direksyon ng mga kaklaseng pinagpipyestahan na ang cellphone ko at for sure binubluetooth na yung picture.
"Eh di demigoddess din ako"-sabi ko while I jokingly flipped my hair.
"Bruha ka.Anong nangyari sa buhok mo at mukha mo ngayon ha?"-pang-iiba naman ni Chammy habang sinusuklay ang kamay nya sa buhok kong walang sabit.Ang ganda ko namang bruha.
"Bawal ba magpaganda?Tss"-I rolled my eyes at sakto namang dumating yung prof.First period na pala kaya nagtungo na ako sa upuan kong sinumpa.
"Omygee!Ang dami na talagang feeler sa mundo,as if bagay sa kanila ang magpaganda"-pagpaparinig nung ahas sa gilid ko.Ay nako mabuti na lang at edukado ako't di ako pumapatol sa mga insecure.Kaya ayun dinedma ko na lang.
Humarap na ako sa board at nakinig ng lecture.
Ilang minuto pa lang ang lumipas ng masense kong may nakatingin na naman sa akin.
Iginala ko ang paningin ko sa loob at nadapo yon sa mga mata nya.Di ako na
kaiwas agad at nahagilap ko ang expression nya.I can see guilt in his eyes.
At ayan na naman yung kirot.Tama na Pryztel Yuan Yukawa.Umiwas na ako at nilipat ang direksyon ko sa iba.
Isang death glare naman ang nasalubong ko sa katabi ko.Did she saw that?Well probably she did.
•••••
"Pryz,bukas na daw ipapasa yung script sa Theater Club sabi ng Director"-papauwi na ako ng ipahabol yun ng P.I.O ng club.Tumango lang ako sa kanya.Script writer ako ng club na yun at may gagawin nga palang play ang seniors kaya ipapasa ko na yun bukas.
[Damuho Calling...]
Muntik akong mahimatay ng tumunog ang cellphone ko.Kakagulat ka talaga Corrs tsk.Pati contact name nya kaasar.
Pinindot ko na ang answer key at sinagot sya habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad.
"He---"
[Asan ka pa ba nagsususuot?Bilisan mo jan at nililinta na ako dito sa Parking Lot]
"Aissh di man lang ako pinatapos,oo na malapit na ako--"-napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kasalubong ko.
Damn!
[Bilisan mo ah,bye]
Sabi ng nasa phone saka naghung-up.Binaba ko na ang phone at pinagpatuloy ang paglalakad na parang walang nakita.He's a nobody after all.
"Pryz"-sambit nya sa pangalan ko kaya napatigil ako.I really missed the way he calls my name.Pero katangahan na kung magpapadala pa ako.Hindi ko sya nilingon.
"I-Im sorry"-my heart froze.Masakit marinig yun ah,lalo nat personalan na.
"Were done Jade,wala ng magagawa ang sorry mo"-I act bravely but in fact I'm tearing inside.I was about to take another step when he grabbed my arms pulling me close to him.
And now I am facing him,with fear na baka umiyak ako sa harap nya.Ayokong makita nya na apektado pa rin ako.
"I'm really sorry"-he looked at me with guilt again.Kailangan kong tibayan ang loob ko.
Pinilit kong bawiin ang braso ko sa hawak nyang mahigpit.Pero di ko magawa dahil sa lakas nya.
"Bitch!How dare you flirt with my boyfriend?!"-a voice cracked the scene.
Nagmamadali nya akong sinugod at tinanggal ang hawak ni Jade at...
*slap*
Namanhid ang kaliwang pisngi ko sa sampal nya.At nakakaasar lang dahil hindi man lang nagreak si Jade sa ginawa ng walang modo nyang gf.
"What are you doing huh?!Are you that desperate to get him back?!Akin si Jade kaya wag mo na syang agawin.Malandi ka!Porket walang pumapatol sayo,pinagtiisan ka lang ni Jade at dahil hindi na sya nag-eenjoy sa panget na gaya mo kaya ka nya hiniwalayan!"-she never stopped nagging.
*slap!*
"Shut up.Nakakahiya na ang bastos mong bunganga.Wala na akong pakialam sa inyong dalawa.At pwede ba ha?Sa ating dalawa alam ng lahat na ikaw ang nang-agaw at wala na akong planong isubo muli ang sinuka ko ng kinain mo.Wala rin akong planong magpakadesperada para sa mga gagong kagaya nya dahil meron na akong boyfriend!"-nagulat ang lahat ng nakakita sa senaryo.
Bakit?Ano bang masama sa---
Did I just say---BOYFRIEND?
Patay.
•••••
Read. Vote. Comment. Share!
Corrstin on media.
Z. Castelo
BINABASA MO ANG
My Fictional Boyfriend
ChickLitOur story started with a lie. A lie which made my world perfect. A lie that led us to confusion. A lie that trapped us both into this unrealistic world of fiction. A lie that I started believing in. A lie that I made, but I was the victim. -Pryztel...