Chapter 8

122 63 1
                                    

NAMICHIKO

"It's for you to find out." patuloy parin akong binabagabag ng sinabi ni Nicole sakin. Hindi siya pumasok sa susunod na subject.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng magvibrate ito. Kinuha ko ito at tiningnan yung text. It was from a unknown number.

"Nikko Drew." nagtatakang pagbasa ko doon sa text. Anong meron kay Nikko?

Si Nikko ang pinakamaloko dito sa school. Naging kaklase ko siya last year pero nilipat siya sa Section C dahil sa mga sunod sunod na reklamo tungkol sakanya, his grades also went downhill. Pero ang kinakataka ko, bakit nandito ang pangalan ni Nikko? Hindi kaya clue, to? May kinalaman kaya siya sa mga nangyayari?

Pano yung nakita kong baril ni Nicole? Hindi ba iyon sapat na ebidensya na siya ang may kagagawan lahat ng ito?

Naalala ko naman yung sinabi ni Nicole kanina. "It's for you to find out." Hindi ko alam pero feeling ko... Parang naiintindihan ko na yung ibig sabihin niya.

NIKKO

Naglalakad ako sa hallway ng biglang magring yung phone ko. Si Luca.

"Oh bakit, dre? May chiks ba tayo diyan?" nakangisi kong bungad sakanya ng sagutin ko ang tawag niya.

[Dre, naalala mo yung lumang gusali sa likod ng school? Pumunta ka dun, ngayon na.]

"Ha? Oo, bakit?"

[Ah, eh. May sasabihin lang ako. Tama, may sasabihin lang ako. Bilisan mo dre, urgent.]

"Tsk, anong trip mo ha? Pwede namang dito nalang sa ta-" hindi ko na nasagot ang sinasabi ko ng bigla niyang ibaba yung tawag. Nagtataka man ay naglakad nalang ako papunta doon.

Habang naglalakad ay nakita ko si Namichiko. Nakangisi akong tumigil sa paglalakad. "Long time, no see, Nami."

Ngunit tiningnan niya lang ako. Napakaseryoso niya, kaya naninibago ako. Kapag binabati ko to ay sumasagot ito o kaya ngumingiti. Tsk, bat parang ang weird ata ng mga tao ngayon?

"San ka pupunta?" tanong niya.

"Ha? Sa likod ng school, bakit?" hindi ko na maiwasang hindi magtaka. Ang weird niya talaga.

"Wag ka don pupunta." sabi niya at tinalikuran ako. Anong problema nun? Umiling iling nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang number ni Luca.

'Pasensya na, dre. May gagawin pako. Baka mamaya rape-in moko dyan eh, inaatake ka pati ng kabaklaan minsan.'

KILLER

'Pasensya na, dre. May gagawin pako. Baka mamaya rape-in moko dyan eh, inaatake ka pati ng kabaklaan minsan.'

Inis kong tinapon yung cellphone nitong Luca nato. Walang kwenta.

Kinasa ko yung baril ko at itinutok ko iyon kay Luca dahilan para maalarma siya. "T-teka lang naman o-oh." pagmamakaawa niya pero hindi parin ako naatinag at binaril ang hita niya. Gusto ko muna siyang pahirapan bago patayin.

At tsaka, kung hindi ko pa siya papatayin, baka ipagkalat ng mokong na ito na ako ang may kagagawan ng lahat ng ito.

"P-please. Handa a-akong tumu..." napalunok pa siya. "t-tumulong. Just... j-just s-spare me, please..."

Napangisi naman ako. Paglalaruan ko muna siya ng konti. "Alright then, kailangan mong ibigay sakin ang katawan ni Nikko by the end of the day tomorrow, if you don't succeed... mamatay ang kapatid mo." mas lalong lumaki ang ngisi ko at nagpaputok ng baril. Kitang kita ko naman ang takot sa mukha niya na mas lalo pa saking nagpangisi.

Dali dali siyang tumayo at halos mapadapa na siya. Pilit siyang tumakbo kahit ika ika kaya naman binaril ko yung sahig at halos mapalundag na siya sa takot at mas lalong binilisan ang kilos.

Ng tuluyan na siyang makaalis ay doon ko na nilabas ang lahat ng galit ko. Dalawang beses na kong sumablay sa mga plano ko.

Papatayin ko kayong lahat. Lalong lalo ka na Namichiko, lalong lalo ka na.

LUCA

Dumiretso ako sa bahay at gulat na gulat yung mga yaya nung makita nila yung tama ko sa hita. Binantaan ko naman sila na wag nilang sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol dito or else mawawalan sila ng trabaho kaya naman labis nalang ang takot nila at dali daling nilinisan yung mga dugong tumutulo sa sahig.

Dumiretso ako sa kwarto ko upang bigyan ng paunahang lunas ang tama ko. Bukas nalang ako magpapadoktor. Kakatapos ko lang maggamot ng tama ko ng biglang pumasok si Savannah sa kwarto ko, yung 5 years old kong kapatid.

"Kuya? Kuya! Bat may dugo?!" nagpapanic niyang sagot ng makita yung hita ko.

Pinilit ko namang ngumiti. "Wala, nadapa lang ako sa school."

"Nadapa? Bakit madaming dugo? Masakit ba kuya?" sabi niya na nakatingin sa hita ko. Tumingin naman siya sakin. Umiiyak na siya. "Mamamatay ka na ba kuya?"

Natawa naman ako ngunit alam kong tutulo na ang luha ko. "Halika nga dito." sabi ko at lumapit siya sakin. Niyakap ko siya.

Tumulo na ang mga luha ko ngunit hindi niya iyon napansin. Hinalikan ko ang noo niya.

"Kailangan mong ibigay sakin ang katawan ni Nikko by the end of the day tomorrow, if you don't succeed... mamatay ang kapatid mo." naalala ko naman ang sinabi niya dahilan para mas lalong tumulo ang mga luha ko.

Sorry, Savannah. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na buhay mo ang nakataya dito, edi sana, hinayaan ko na lang siyang patayin ako. Sorry...

Kailangan kong patayin si Nikko, kapalit ng buhay ni Savannah.

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon