Chapter 2

570 13 2
                                    


Si James. Bakit narito siya ngayon? Matagal niya kong hindi pinapansin pero ngayon nandito siya.

“Bakit? Akala ko ba galit ka sa kin? Ba’t ngayon binibigyan mo ko niyan?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at tiningnan ang hawak niyang puting panyo.

“Oo. Galit ako sa'yo pero hindi naman ako ganun kasama para pabayaan lang kita gayung nakita kitang umiiyak,” sabi niya kaya ako naman ay kinuha na lang ang panyo niya.

“Hindi ka ba magtatanong kung bakit ako umiiyak?”

Umiling siya. “Hindi.”

“Bakit?”

“Pagtinanong ko ba sa'yo, matutulungan kita? Kasi kung, oo. Sige, gagawin ko.”

“Hindi ka pa rin nagbabago,” sabi ko dahilan upang tumingin siya sa akin.

“Hindi ka nakikielam sa problema ng iba.”

“May sarili rin akong mga problema. Hindi ko nga malutas-lutas ang problema ko ay proproblemahin ko pa ang problema ng iba.”

“Tulad ng ano?”

“Tulad mo,” sabi niya kaya't bigla naman akong napatingin sa kanya.

“Sige. Mauna na ko,” saad niya tapos tumayo na siya at nagsimula na siyang maglakad paalis.

“Sorry,” sabi ko at tumigil siya ng ilang segundo pero nagpatuloy lang siyang muli sa paglakad paalis habang ako ay nakatingin sa palayo niyang pigura.

Princess’ POV
Sabi ni Ysabel ay mauna na raw akong umuwi. Hindi ko na siya tinanong kung bakit kaya umuwi na lang ako. Pagpasok ko sa bahay ay nakasalubong ko si tito kaya sinubukan ko siyang iwasan pero gusto talaga niyang humingi ng tawad.

“Princess, patawarin mo na ko. Hindi ko naman sinasadya eh. Ayaw ko lang masaktan si...”

“Ysabel," pagtutuloy ko sa sinabi niya.

"Ok lang sa akin kung mas mahal mo siya, ang akin lang sana ay kilalanin mo naman ako bilang anak mo. Ang sakit eh, kasama ko nga ang papa ko pero kailangan kong magpanggap na tito lang kita. Ni matawag nga kitang papa di ko magawa. Paano ko magagawa 'yun kung ikaw mismo ay kinakahiya mo ko?”

“Princess, hindi kita kinkahiya. Bigyan mo pa ko ng konting panahon para masabi kay Ysabel ang totoo. Kaya sorry na, patawarin mo na ko.”

“Ano pa bang magagawa ko? Kahit gusto ko mang magalit sa'yo ng sobrang-sobra hindi ko kaya, ama kita eh.” Sabi ko tapos siya naman ay niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

Ganito pala ang feeling kapag kayakap mo ang totoo mong ama.

Ysabel’s POV
Kakarating ko lang sa bahay at ang ganda ng bungad sa akin dahil nakita kong magkayakap si Princess at si daddy.

Ano ito? Father and daughter reunion kaya nga lang hindi ako ang kayakap ni daddy. Ewan ko ba pero bakit kayakap ni papa si Princess, hindi naman sila mag-ama ah.

“Oh, Ysabel. Nandyan ka na pala.” Wika ni daddy nang magkahiwalay na sila sa yakap at napansin niya ako.

“Of course, dad.” Sabi ko tapos nag-kiss na ko sa cheeks ni daddy.

“Ysabel, buti naman at nandito ka na. Tapos ka na ba dun sa ginagawa mo?” Nakangiting sipi ni Princess.

Nag-uumpisa na akong mairita sa ngiti niya, ah!

“Oo.” Tipid kong sagot tapos ay nag-fake smile na lang ako.

“Oh Ysabel, Princess, kain na tayo.”

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon